Chapter#13-Mr,Villaralvo

48 35 0
                                    

On the way to bulacan si Mr,Villaralvo.Ang bilis ng pagpapatakbo nito sa sasakyan niya.Una,dahil sports car ang dala niya.Maiinsulto iyon kung otsenta lang ang Speed nya.Pangalawa,dahil sa totoo lang ay gusto niyang,Lumipad mula sa magulong mundo.Palayo sa kaletsehan sa buhay nya,mga sermong palaging umaalingaw-ngaw sa tenga niya.

Diniinan pa niyang lalo ang Gas.Musika sa kanyang pandinig ang pag-angil ng makina.

Habang nagmamaneho ay bigla syang napangiti sa kaisipang pumasok sa isip nya."He's still alive but his life seemed to be flashing before his eyes."

Ang madalas na engkwentro nila ng mommy niya ang nangunguna sa mga eksenang nakikita nya sa isip.Simula bata pa sya ay pakiramdam niya na ang layo ng loob nito sa kanya sa kanila ng daddy niya.
Bwisit pero salamat sa katulong nila.Dahil sa makating dila nito na madalas mahuling nakikipag-tsismisan sa iba nilang mga kasambahay ay nagka-ideya sya kung bakit nagkaganun ang parent's nya.

Ayon sa narinig nyang tsismis....May iba raw mahal ang mommy niya,may ibang dapat pakakasalan.Pero matagal na raw may gusto ang daddy niya sa mommy niya at mahusay itong dumiskarte.
Ang ginamit nitong taktika,ang luma at ubod gasgas na na paraan.Binuntis ito ng daddy niya.At sya ang naging Resulta.
Pero kahit nakuha ng daddy nya ang gusto ay hindi naman nito nakuha kailanman ang pagmamahal ng mommy nya.Kaya pati sya ay nadamay.Dahil lumaki sya na pakiramdam nya ay kasama sya sa mga sinisisi ng ina kaya hindi ito naging masaya.Dahil daw sa kanya nasira ang pangarap ng mommy niya.

Ang daddy niya ang mas naging ka-close nya.Pero kahit dito ay mayroon din syang problema.Napasama na iyon sa mga ipinagpuputok ng butse ni jared.
28 years old na sya but still single parin ang status niya.

Paano ba naman kasi...lahat nalang ng babaeng nililigawan or nali-Link sa kanya ay kailangan pang pumasa sa standard ng daddy nya."As if naman sya yung mapapangasawa noh?" Kung babagsak sa standard ay wag na iyong ipilit dahil hindi iyon uubra.

May magic formula ang daddy niya na hindi pumapalya.Huhusgahan nito ang kawawang mga nilalang.Hangang sa kusa nalang na sumuko ang babae at piliin nalang ang layuan sya.Kesa patuloy na pestehin,buwisitin,at insultihin ng mapanglait nyang ama.

May biglang nag-cut na motor kay jared.Kung hindi mabilis ang reflexes niya ay nagkalat na sana sa expressway ang katawan ng rider."Motor! Naisaloob niya.Paanong nagkaroon ng motor sa expressway??kunsabagay mga pasaway nga naman..pera pera lang..."

Nakita nyang tumayo ang Rider at inasikaso ang motor nito.pininahan niya ito ibinaba ang bintana ng kotse at--"Fuck You Man!"sigaw nya sa rider.

Saka niya diniinan pang lalo ang Accelerator ng sports car.Nang halos lumilipad na ito ay nagpatuloy ang Flashback sa kanyang isip.Lutang nanaman at lumilipad ang isip nito.Eksaktong bumalik sa huwisyo si jared ng makita ng truck na nakahinto ilang metro sa harap nya.Masyadong mabilis ang kanyang takbo,hindi kakayanin ng preno na pahintuin ang sasakyan.


Awtomatiko niyang nakabig ang manubela.Pumaling sa kaliwa ang sasakyang tumawid ng highway papunta sa kabilang lane.Tumama sya sa railing at kung hindi siguro sa suot niyang seatbelt at airbag ng kanyang sasakyan,ay baka humagis na sya sa windshield sa lakas ng impact.Mabuti nalang din ay wala gaanung nagdaraan ng mga oras na iyon.

Kanina pa nakatingin sa windshield ng kotse nya si Jared.Hindi sya namatay.Masamang damo sya kaya ayaw pa syang kunin ni lord.Binibigyan pa ata sya ng chance na magbago o mabago ang buhay nya."As if mangyayari pa talaga yun"

[ Eyes See You ] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon