C-1

12.2K 264 41
                                    

"Trinity nakatigin ka nanaman kay Ashton mo di ka naman mapapansin niyan" daldal ng besfriend kong si Cleia sa aking gilid habang kumakain ng binili naming kwekwek.

Nandito kami sa bench ng university na pinapasukan namin 2nd yr college na kami at parehas kaming business ang kinuha na course dahil na din sa family namin na business entrepreneur.

I've never been interested in business but because of him I give up my dream just to be with him especially in our school. Naging masaya din naman ako kalaunan at nakita kong may potential din ako pagdating sa business.

"Pake mo ba palibhasa iniwan ka bigla" banat ko naman kay Cleia bigla naman niya akong binatukan dahil natamaan sa banat ko.

"Iniwan ako eh magagawa ko? Alam mo dapat pag iniwan ka move on na agad di sila kawalan sila unang nangako ako pa manghihinayang. Kaya di ka nagkakajowa kasi lagi kang naasa na magustuhan ka niyang Ashton mo ilang taon na ba nung high school mo pa gusto yan malay mo may girlfriend na yan ng di mo lang alam"

"Lagi akong updated about sa buhay niya kaya I'm not threatened" I said sa kaniya habang pinanonood pa din si Ashton sa kaliwa kung saan naglalaro siya ng basketball kasama ang teammates niya.

Isa din siya sa mga players ng university magaling siya dahil siya lagi ang MVP, dean lister din kahit anak mayaman di siya nagpapabaya sa pag aaral kaya nagustuhan ko siya.

I've never been into a man but after Ashton came into my life, nagkaroon ako ng inspiration and dream of being with someone. 

Nagitla lang ang aking paninitig ng biglang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break kaya tumayo na kami ni Cleia para bumalik sa klase, tinanaw ko pa siyang muli at nakita ko.

Nagpupunas sila ng pawis habang nakikinig sa kanilang coach, buti pa sila excused malapit na kasi yung laban nila sa katabi naming university kaya naghahanda na sila.

"Ok class dismiss pasahan ng assignments tomorrow no extension, ok?" paaalam ng aming prof kaya't tumayo na kami para magpaalam din at maayos na ang aming gamit ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Si mommy tumatawag.

"Hello mommy bakit napatawag ka po?" saad ko habang nilalagay ang aking notebook sa bag.

"Darling I just wanna say na umuwi ka kaagad ng 5pm what is your last sched anong oras?"

"Saktong 4:30 po mommy dismiss na namin why mom is there something urgent?"

"Yes iha basta we'll say it at dinner magpapaayos ka pa kasi kaya maaga sige na iha I need to go I just say it sayo, bye study well!". 

"Ok mommy bye" I ended the call with curiosity, thinking what the event of the day is.

"Friend ano na halika na baka malate pa tayo drakula pa naman next prof" natawa nalang ako kay Cleia because totoo naman matandang dalaga na kasi kaya always grumpy.

Si Cleia ay nakilala ko 1st yr highschool palang hanggang sa nagtagal yung friendship namin hanggang ngayon bukod sa same kami lagi ng choices sa buhay, ayaw din namin malayo sa isa't isa. One friend is enough for me. 

"Cleia mauna na ako kasi may importante kaming dinner na gaganapin biglaan kasi ewan ko kila mommy kung anong meron" may usapan kasi kami na kakain kami samgyup sa malapit kaso may biglaang dinner ang family.

"Ganon ba friend edi libre mo na bukas kasi ikaw yung di available promise yan sige na wala pa driver namin ingat loveyou!" nagbeso beso muna kami bago naghiwalay ng daan dahil nagtext na si mommy na nandito na daw si kuya randy driver namin.

"Kuya ano meron sa bahay bakit biglang may occasion?" lingon ko kay kuya habang siya ay nagmamaneho.

"Basta surprise kasi ma'am bawal sabihin" napasimangot nalang ako.

Pagkadating namin sa mansion sobrang abala na ng mga katulong dahil sa padinner ng family, nakita ko kaagad si lolo na pababa ng hagdan.

"Iha you're here na pala magbihis ka na sa taas, bilisan mo na magstastart na mamaya yung dinner" nakakunot ang aking noo habang sinasabi ni lolo sakin na mag ready na, ang dami kong iniisip kung bakit may paganto at ako lang ang di nakakaalam.

"Okay lolo but where's mommy?" humakbang na ako sa hagdan habang inaantay si lolo na sabihin nasan si mommy.

"Nasa room mo din inaantay ka na kaya go na iha the time is running".

Umakyat na ako nang tuluyan upang makapagbihis na because all of them looks so excited. 

Pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto ay nagulat ako sa dami ng tao dun nakita ko agad si mommy na inaayusan.

I was stunned for a moment because of my mom. She is really stunning, and her beauty is boundless as always.

"Iha nandyan ka na pala Percie paki ayusan na si Trinity para all set na baka dumating na sila"

Ha? Sinong sila bakit may pabisita?

Di ko namalayan na napaupo na pala ako sa upuan sa harap ng salamin para ayusan,para akong nalutang dahil sa lalim ng iniisip ko. 

Biglang pumasok si daddy at pinuntahan si mommy, nag uusap sila pero di ko marinig kasi bulong lang umalis din si daddy pagkatapos makipag bulungan kay mommy.

"Trinity darling suotin mo itong red cocktail dress para ready ka na at red heels" utos sakin ni Percie, tapos na niya ako ayusan.

Nakabraid paikot ang aking buhok at ang aking make up ay light lang.

"After that Trinity bumaba ka na sa dining, ok?" utos ni mommy sakin at lumapit.

"Ang laki mo na talaga anak graduating ka na after ng ilang years" saad ni mommy habang naluluha.

"So sentimental" napalingon si mommy sa pinto ng may kumatok dito. I continued to dress up and fix myself. 

"Iha be ready nandito na ang bisita bumaba ka na after that okay? sige na mauuna na ako sasalubungin ko lang sila"

"Sige mommy malapit na ito" saad ko at sinuot na ang heels. 

Lumabas na ako sa aking kwarto para makita na sino mga bisita namin naririnig ko na ang tawanan nila sa dining.

Lahat sila ay biglang napalingon sa huling sasalo sa kanila, si mommy daddy lolo lola tita tito lolo benendio lola cameron ngunit may isang di manlang tumingin sa akin ang pinaka nagpakaba sakin si Ashton.

"Iha sakto lang ang pagkababa mo you're so gorgeous by the way" saad ni tita Carmen ng nakangiti sa akin, gulat na gulat ako dahil di ko alam anong meron bakit nandito sila.

"Maupo ka na iha para masimulan na natin yung importante naming iaanunsyo" saad ni lola kaya naupo na ako at malas nga naman sa harap pa niya.

Nagsimula na rin akong kumain habang napapatingin sa kaniya ngunit nakatungo lamang siya magdamag.

Di manlang nasilaw sa kagandahan ko

"Wag na nating patagalin pa, we already arrange marriage you Trinity and Ashton para mas mapalakas at mas mapalawig pa ang ating companies diba amigo?" saad ni lolo na tuluyang nagpawindang saken napatingin ako sa kanilang lahat, nakangiti silang lahat maliban kay Ashton. 

I felt happiness but at the same time pain seeing him not into this kind of set up giving me conclusions that he really hates me... 


After We Ended Our Marriage (PDS#1)Where stories live. Discover now