C-3

7.4K 215 20
                                    

"Mommy ang dami namang bisita nakakailang" saad ko kay mommy habang nakakapit sa braso ni dad habang nasa gitna namin siya ni mom.

"Asan na ba lolo mo gusto ko na maupo ang sakit na sa paa ng heels" reklamo ni mommy habang naglilibot ang aming mga paningin para mahanap si lolo ngunit napatigil ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa malaking round table kasama ata ang family niya sakto nandun si lolo.

Nakita din ako ni lolo kung kaya agad agad din niya akong tinawag kasama sila dad.

"Amigo this is my grandaughter Trinity Del Luiz kilala mo naman na siguro sila Grizella at Lorenzo her parents" pagpapakilala ni lolo sa akin sa harap ng mga kasyosyo niya.

Agad din naman akong nagmano bilang tanda ng paggalang at pagpapakilala.

"Iha dalaga ka na ako nga pala si Carmen ito naman ang aking asawa na si Juancho at ang anak namin na si Ashton" paglalahad ni Ms. Carmen sa akin kung kaya't naglahad ako ng kamay kay Ashton.

Tinanggap din naman niya ito at agad ding bumitaw, umupo na kami nila mommy at nagsimula ng kumain habang sila ay nag uusap tungkol sa business at iba pang usaping matatanda.

"So iha ilang taon ka na dalaga ka na dati baby ka palang nung nakita kita" napatingin ako kay Ms. Carmen ng biglang sakin lahat napunta ang kanilang atensyon.

"13 palang po ako 1st yr highschool na po ako" ngiting sagot ko at tumingin kay Ashton iniwas ko din agad dahil nakatingin siya.

Ilang taon na kaya siya?

"Ikaw iho ilang taon ka na mukha ka na kasing mature pero pogi mo" hagikhik na saad ni mommy natawa na lang kaming lahat.

"13 din po ako" tipid na sagot ni Ashton at bumalik na din kami sa pagkain ng magsalita na ang MC.

"Good evening, ladies and gentlemen, I just want to announce that the party is now starting I hope you'll enjoy again good evening" agad din namang nagtayuan na ang mga tapos ng magsikain na handang handa na magsayawan.

Tumayo na din sila maliban lang samin ni Ashton.

"Where are you studying?" he uttered while I was about to stand up.

I stared at him and got mesmerized of his god damn handsome face. Brown narrow eyes, pointed nose, perfect jaw and red kissable lips.

Di ko namalayan na napatunganga na pala ako sa kaniya kaya naman agad na akong umiwas ng tingin at kunwaring naglilibot sa paligid.

"Done staring" sabay smirk niya sa akin. He is arrogant.

"Antipatiko" sabay iwas ng tingin narinig ko naman ang mahihina niyang tawa.

"Somewhere in Manila" pataray kong sagot at kunwaring uminom ng tubig.

"Suplada" sabay hilig niya sa kaniyang inuupuan at tinitigan ako.

After ng party umuwi na din kami narinig ko din sa usapan nila na sila pala yung partner na company namin Ruiz company.

Kinabukasan maaga akong bumangon dahil first day namin bilang 1st yr.

Nagready na kami para makapasok ako ng maaga, si mommy na din ang naghatid sa akin.

Pagkapasok ko sa school may nakita agad akong nagkukumpulan naririnig ko meron silang pinag chichismisan meron pang natili.

Agad ko rin namang nahanap yung classroom ko.

Ang dami na agad nakaupo at nagdadalan kaya umupo na ako sa dulo kung saan may isang babae na maganda nakatingin din siya sakin nginitian ko siya at ganun din naman siya.

After We Ended Our Marriage (PDS#1)Where stories live. Discover now