C-9

5.6K 180 5
                                    

Alas singko palang ay gising na ako. Nag ayos na ako agad ngunit di muna ako naligo dahil tinatamad pa ako, araw na ng martes ngayon.

Napapakanta pa ako sa ganda ng gising ko medyo okay naman na pakiramdam ko.

Nakita ko naman na papalabas ng bahay si Nyko may dalang mga maleta.

"Goodmorning Nyko saan lakad natin?" nagulat naman si Nyko pero ngumiti din naman siya at bumati din.

"Good morning din Trin ok ka na ba? Nainom mo na ba lahat ng binilin ko sakto ba sa oras na sinabi ko? Kaya mo na ba kumilos? Wag ka muna kaya magalaw masyado baka mabinat ka nako aalis pa naman ako"

Natawa nalang ako at tumango tinanong ko na din siya kung kailan balik niya at saan namang country ang punta niya sinagot naman niya ang mga tanong ko tinulungan ko na din siya sa pag aayos ng gamit sa kotse.

Kahit pinipigilan niya pa ako, nagmamadali na din kasi siya 5:30 ang flight ata makalipas ang ilang minuto umalis na din siya nag insist ako na sa akin nalang iiwan si Queen bilang kapalit na din ng pagtulong niya sakin.

Pumasok na kami ni Queen at nagsimula na akong magluto ng agahan sakto bumaba naman sila Ashton.

"Goodmorning maam and sir kain na po kayo pakabusog po kayo" ngiting saad ko sa kanila ngumiti naman pabalik si Gwen samantala si Ashton naman nakakunot ang noo sakin.

"Ang bait mo naman Trinity I though tamad ka kasi sabi ni Ashton you didn't stand up till night" saad ni Gwen ngumiti nalang ako sa kanya at sinabi na nagkalagnat ako agad din naman niya akong kinamusta sinabi ko na ayos na ako. 

Kasalukuyan akong naglilinis ng salas dahil ilang araw ko na ding di madalas ito malinisan madalas kasing nakatuon nalang ako sa kusina hardin at cr ng bahay sobrang laki din naman kasi ako lang mag isa naglilinis.

"Trinity aren't you tired na? Eat ka muna almusal meron pa dun sa mesa natira ang sarap mo magluto by the way" saad ni Gwen saken at umupo na ito sa salas buti nalang tapos na ako maglinis.

"Sige maam tatapusin ko lang po ang pag wawalis sa hagdan, nga pala ma'am magpapalinis po ba kayo ng kwarto ni sir?" eto na ang pagkakataong makapasok ako sa kwarto ni Ashton.

"Sige Trinity thank you medyo magulo din kasi doon paki tawag na din si Ashton nandun kasi siya may tinawagan lang saglit by the way sayo tong pusa ang cute niya" nakangiting saad niya at hinawakan si Queen.

"Si Queen po iyan alaga ng kapitbahay po namin madalas ipaiwan sakin kasi po laging wala sa bahay sige ma'am aakyat na po ako mamaya na po ako mag aagahan nga pala ma'am wala po ba kayong pasok?"

"Wala Trinity kasi rest day muna daw" maamong saad niya na ikinainggit ko.

"Ganon po ba sige po ma'am" umakyat na ako pagkatapos makipagusap kay Gwen.

Kumatok muna ako pero walang nagsalita kaya pumasok na ako para masimulan na maglinis naririnig ko naman na may naagos na tubig sa banyo.

Narealize ko na kailangan ko na magmadali dahil baka maabutan ko pa si Ashton.

Pinagmasdan kong maigi ang kwarto niya malaki ito merong king sized bed black and white ang theme ng kanyang mga gamit sobrang manly.

Ang daming nagkakalat na mga condom, agad ko itong pinagpupulot dahil baka matapos na siya pero nagulat ako dahil tumunog ang pinto hudyat na lumabas na siya.

"Why are you here sino nagpahintulot sayo na makapasok ka dito?" tanong niya sa likod ko. 

"Sir gusto ko lang po linisin yung kwarto niyo" aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at sapilitang hinarap ako sa kaniya.

"Kapag kinakausap mo ko dapat nakaharap ka sakin naiintindihan mo? At tsaka tumingin ka sakin wag sa sahig wala ako diyan" naiinis na saad niya at tinaas ang baba ko para magkatinginan kami iniiwas ko naman ito nakaawang ang kanyang bibig habang titig na titig siya sakin tapos nakatingin siya sa mga labi ko unti unti niya ding nilalapit yung mukha niya.

Agad naman akong nakarinig ng mga yabag kaya't binawi ko agad ang braso at baba ko sa kanya sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si ma'am Gwen nagbigay galang naman ako at bumaba na agad dala ang mga panlinis.

Napatingin din ako sa orasan at sakto 11 na kaya nagsimula na akong magluto ng tanghalian habang nag kakape, di na ako nakakain ng agahan sa dami ng linisin.

Sinigang na hipon ang niluto ko wala namang allergy siguro si ma'am diba saktong alas dose bumaba na din ang dalawa di ako makatingin kay Ashton.

Di ko na talaga nagugustuhan mga kilos niya. Ang gulo gulo niya. 

Napatingin naman ako dito at nakita kong nakangisi ito sakin, inirapan ko nalang ito at nagsimula na muling maglinis. 

Natapos din sila agad kaya sumunod naman akong kumain sa kanila naririnig ko naglalandian sila sa salas buti nalang katabi ko si Queen kumain kahit papano may kasabay ako.

Biglang nagpop up sa screen ko ang tawag ni Nyko agad ko naman itong sinagot.

Nasa airport na siya ng japan dun ang unang flight niya.

"Kamusta ka Trin? Ok ka na ba? Kamusta si Queen?" nakangiting bati ni Nyko.

"Ito nakain na kami ng sabay kamusta ka diyan kumain ka na ba?" narinig ko naman si Gwen na nagsalin ng tubig ngumiti siya sakin napasilip din siya sino ang kausap ko. 

"Ang pogi naman Trinity, boyfriend mo?" pumasok din si Ashton ng nakangisi pero napasimangot agad nang narinig ang sinabi ng girlfriend niya.

"Yes maam, Nyko batiin mo naman amo ko diba ganda niya girlfriend ni sir" agad namang natawa si Nyko at sinakyan naman kalokohan ko. 

Si Ashton naman mukhang binagsakan ng langit at lupa at inirapan pa ako.

Nagpaalam na din si Nyko dahil babalik na ito sa trabaho ganon din si Gwen aalis daw sila ni Ashton. 

"Sige ma'am magliligpit na din po ako" paalam ko at inayos ko na ang mga kinainan namin.

"Ashton lets go" aya sa kanya ni Gwen pero nag resist siya at tumingin sa akin.

"Sige babe mauna ka na" saad niya saka lumapit sakin.

Hinila ako ni Ashton at kinulong sa pader gamit ang kanyang dalawang braso.

"What was that acting all about? think you can fool me?" bulong niya sa tenga ko.

"Di yun acting boyfriend ko na si Nyko bakit ikaw lang pwede maging happy
dapat ako din fair and square" saad ko sa kanya at tinaasan lang siya ng kilay lalo niyang diniin sakin ang sarili niya.

Ang sama ng tingin niya, nagitla lang siya ng tinawag na ulit siya ni Gwen. 

Natapos na ako magligpit at naupo muna sa lamesa habang nag cecellphone tumawag naman bigla si Cleia sakto naman bumaba ang dalawa, agad ko naman nakita si Ashton inirapan lang ako kaya inirapan ko din siya.

A sudden idea came to my mind.

"Babe kamusta naman sa japan malamig ba masyado gusto mo pag uwi mo pa init tayo" natawa naman ako sa reaksyon ni Cleia.

Nakita ko naman reaksyon ni Ashton.

"Look babe medyo clingy din pala itong si Trinity ang sweet samantala ikaw ang hirap mo naman kasing pakiligin buti pa boyfriend ni Trinity" rinig kong saad ni Gwen pero di manlang siya nilingon ni Ashton na nakatitig pa rin sa akin.

Nagpaalam na din sila matapos nila mag ayos.

Pagka alis na pagka alis palang nila ay agad ko ng chinat si Cleia na magkita kami sa malapit lang na cafe.

Sasabihin ko na ang lahat, dahil ngayon may lakas na ako ng loob para magtapat at sabihin na susuko na ako sa labang ito...

After We Ended Our Marriage (PDS#1)Where stories live. Discover now