Gerald's POV
“Yung pamilya ko kumusta sila!?” pasigaw na tanong ko.
“Ayos naman sila” pormal paring sagot ni Prof. James
“Saan na sila nakatira ngayon?” Pilit na pinapahinahon ang sariling tanong ko
“Doon parin sa dating bahay ninyo”
“Sige salamat” sagot ko, sabay tayo.
“Teka Mr. Gerald, hindi ka ba muna magpapahinga?”
“Hindi na, ayos lang ako”
“O-okay po” sagot niya, saka ko siya tinalikuran.
Pumunta muna ako sa Galaxy Village para bisitahin ang sariling bahay ko roon.
Pumasok ako at naligo saglit. Pag tapos kong maligo dumeretso nako sa kwarto ko room, at kinuha ang duplicate ng susi ng kotse ko. ‘magaling talaga ang guard ng village namin, wala man lang nang loob sa bahay ko’ sabi ko pa sa sarili ko bago ako bumaba.
“Namiss kita ah” sabi ko pa sa kotse ko pagkasakay ko, saka umalis.
Ilang minuto lang ang byahe ko at nasa tapat na ako ng dating pinagkakkatayuan ng bahay namin. Taka akong napatingin doon
“Bakit mukhang ang yaman na ng nakatira dito tsk.” Bulong ko pa sa sarili ko saka bumaba.Nagdoorbell ako sa gate. Ilang minuto lang at may lumabas sa bahay at pinuntahan ako sa gate.
“Sino po kayo?” tanong sakin ng lalaking medyo binata pa.
“A-ah, itatanong ko lang sana kung kilala ninyo ang pamilya De Guzman?” napapahiyang sagot ko.
“Ako! De Guzman ako, bakit anong kailangan mo?” mayabang na usal nung kaharap ko, pero nanliwanag ang mata ko.
“Anong pangalan mo?” pabalik na tanong ko
“Bakit kailangan mong malaman? Magnanakaw ka no?” nambibintang na tanong niya pa.
“H-hindi ako kase-"hindi ko natapos ang sasabihin ko nung biglang may sumingit na medyo may edad ng babae.
“K-kuya Gerald?” nagugulat na tanong niya na ikinagulat ko rin.
“M-maine? Ikaw na ba iyan” gulat paring tanong ko.
“Oo kuyaaaa!” pasigaw na sagot niya sabay yakap sakin.
“A-ahhh nasasaktan ako tama na” masungit na pigil ko sa kanya, saka tumawa.
“Hahaha, bakit parang walang nagbago sayo kuya?” gulat paring tanong niya.
“Kas-“
“Teka Teka! Sino ba siya ate, tuwang tuwa ka ng makita siya?" Takang tanong nung binata.
“Siya si Kuya Gerald mo” pakilala sakin ni Maine. “Kuya siya na si Max na iyan, ang bata pa kasi niya nung nawala ka eh, kaya hindi ninyo makilala ang isa’t isa” sagot niya na ikinalaki ng mata.
“Maxxx” yakap ko sa kanya. “Ang laki mo naaa” sabi ko pa nung humiwalay nako sa kanya.
“K-kuya?” Naiiyak na sambit niya. “Namiss rin kita kuya” yakap nya rin. “Nakalimutan ko lang ang itsura mo kuya pero naaalala parin kita huhuhu” humihikbing sabi niya habang nakayakap parin sakin.
“Pasensya na kayo kay kuya ah, medyo natagalan akong bumalik” sabi ko nung humiwalay na si Max. “Sila Mommy at Daddy kumusta” tanong ko.
“Okay pa naman sila, si Mommy ang nagbabantay ngayon sa Restaurat natin, si Daddy naman sa hardware store natin” masayang paliwanag ni Maine.
“Miss ko na silaaa” excited na sabi ko. “Max, nagaaral ka pa?” baling ko kay Max
“No kuya, nakatapos na rin po ako, Accountancy rin po kinuha ko gaya ng iyo” masayang tugon ni Max kaya napangiti ako.
“Ikaw Ms. Engineer, nagasawa kana?" Baling ko kay Maine.
“Oo kuya, may dalawang anak na rin ako, kapwa Engineer ko ang nakapangasawa ko” sagot ni Maine.
“Wow nice” nakangiting sagot ko habang naglalakad na kami papasok ng bahay, masyadong kaming nag enjoy magkwentuhan sa gate.
“Mark! Matthew” sigaw ni Maine. “Si kuya Gerald nandito na”
Biglang parang guguho yung hagdan dahil sa mabilis na pagbaba nung dalawa kong kapatid. Maluha liha pa silang tumakbo hanggang sa mapalapit sila sakin.
“K-kuya, bakit parang walang nagbago sayo” masayang nagugulat na tanong ng isa.
“Kasi yung 20 years na nawala ako, parang ilang minuto lang ang lumipas sakin hehehe” nakangiting paliwanag ko.
“We miss you kuya” sabay nilang yakap sakin, magcocollege palang sila nung iniwan ko kaya talagang tuwang tuwa silang makita ako.
“Miss ko na rin kayo” nakangiting yakap ko, saka ko sinenyasan si Maine at Max ng group hug.
Matapos naming magyakapyakap, ay nagkayayaan kaming kumain na sa kitchen.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Short StoryThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel