Gerald POV
Pumasok na ako sa kwarto ko at binuksan ang ilaw, saka pasalampak na iniupo ang katawan sa single sofa. Ilang sandali pa at pumasok na rin si Sheryl. Makikita mo paring sa mukha nya ang gulat.
"A-anong ibig mong sabihin doon kanina?" Gulat paring tanong niya.
"Na imbis na mawala yung pagkagusto ko sayo mas nadaragdagan pa. Mas lumalala pa ang pagkagusto ko sayo kahit iwasan kita"usal ko ma nakatingin pa sa mga mata niya, kaya mas tumambad sa mukha nya ang gulat at may halong kaba na.
"I-ibig mong sabihin liligawan mo ako?" kabado at gulat paring tanong niya kaya napanganga rin ako. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Kaya ngumisi ako ng malaki saka nagsalita.
"Kung pwede ba eh"
"E-eh"
"Sheryl Cuevas, may I court you?" nakangising tanong ko kaya mas tumambad na sa mukha nya anv gulat at kaba.
"A-a-h-"
"okay! From now on I'll be your suitor" nakangiting putol ko sa gusto nyang sabihin. "Halika na rito" tawag ko sa kanya sa sofa.
"A-anong gagawin natin?" nanlalaking mata na tanong niya.
"HAHAHAHA" tawa ko. "hindi ba tuturuan mo ako nitong apps? Hahah huwag ka masyadong magisip ng kung ano, may respeto ako sa babae" nakangiting sagot ko kaya lumapit na sya sakin at tinurua na ako.
Ilang sandali lang ang lumipas at naturuan na nya ako ng gusto kong matutunan.
"Ang galing talaga ng instructor ko" nakangising bati ko. "salamat"
"Tsk!" singhal niya. "welcome"
"Nak, hija kain na kayo" singit ni mommy, bukas lang ang pinto kaya deretso pasok lang si mom. Hindi magandang tignan pag nakasarado eh haha.
"Sige po mom, sunod nalang kami" sagot ko kay mom, kaya tinalikuran na niya kami. "Let's eat my dear?" nakangising tanong ko sa kanya kaya kinunutan niya lang ako ng noo saka naunang bumaba.
After naming kumain, hinatid ko na sya pauwi. Habang nasa biyahe....
"Sheryl" tawag pansin ko sa kanya.
"Oh?" nakangusong tanong niya.
"Dahil manliligaw mo na ako, gusto kong sabay lagi tayo mag break time ah" nakangiting palitan ko sa kanya at sa road.
"Tsk, ituon mo nalang yang paningin mo sa daan baka mabangga pa tayo" masungit na sagot niya sakin kaya natawa ako.
Puro pangaasar lang ginawa ko sa kanya habang nasa biyahe kami kaya nag enjoy ako. Pag dating sa kanila pinagbuksan ko lang siya ng pinto at nagpaalaman na kami.
"Kita nalang tayo bukas" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Oo na" nagpipigil na ngiting usal niya. "ingat ka" dagdag niya pa saka pumasok na sa gate nila. Nung nakita ko na siyang pumasok sa pinto nila, sumakay nako ng kotse ko at saka pinaharurot ang takbo pauwi ng bahay.
Sheryl's POV
Pag pasok ko palanf ng gate hindi ko na nilingon si Gerald dahil tumambad na talaga ang hindi mapigilang ngiti sa mukha ko, inalis ko lang iyon ng papasok na ako sa pinto. Pag pasok ko nagulat ako sa inabutan ko.
"Dad?" gulat na masayang tanong ko kay dad."Anak I miss you" salubong niya rin sakin saka niyakap ako.
"I miss you too Dad" masaya talagang usal ko sa kanya. "kailan ka pa dumating dad?" tanong ko sa kanya nung naghiwalay na kami ng pagkakayakap.
"30 minutes palang ang nakakaraan nak hehehe" masayang sagot rin ni dad. "kumain ka na ba?"
"Done na dad hehehe" sagot ko. "hanggang kailan kayo rito dad?"
"isang linggo ang bakasyon ko kaya gusto kong magbonding tayo"
"Talaga dad?" masayang tanong kaya tumango siya sakin. "Sige po, sa Saturday nood tayo ng sine sa mall"
"sige" nakangiting usal sakin ni dad.
Nagkwentuhan pa kami saglit saka ako nagpaalam sa kanila na magpapahinga na muna.
"Sige anak, baba ka nalang pag nagutom ka ah" pahabol sakin ni mom.
"Yes mom, thanks" nakangiting usal ko saka umakyat sa taas.
Paghiga ko sa kama ko, hindi na mawala ang saya sa akin. Napakasaya ng araw na ito, una nililigawan ako ng isang Gerald De Guzman, tapos umuwi pa si Dad.
"Whaaaa!!" kinikilig na sigaw ko.
"Anak anong nangyari diyan?" katok ni mom mula sa pinto, mukhang napatakbo pa sya paakyat dahil sa sigaw ko.
"Wala po mom, may ipis lang" pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba? Akala ko kuny ano ng nangyari sayo dyan eh" usal pa ni mom. "sige magpahinga ka na ah good night God bless you" paalam niya pa sakin.
"Good night din mom, I love you"
"I love you too"
Ilang minuto pa nung umalis si mom saka lang ako nagshower. At habang nagshoshower hindi na mawala sa isip ko yung mga ngiti ni Gerald.
"Seryoso kaya sya?" nakangusong tanong ko sa sarili. "Tsk parang hindi kasi eh puro lang siga ngisi tsk" dagdag ko pa saka nagpatuloy sa pagligo.
After kong maligo, at magpatuyo, dumeretso nako ng higaan ko at kinuha ang phone. Pagtingin ko ng phone ko may nakita akong message kaya binuksan ko iyon
FROM: GERALD
'Hi Sheryl, good evening, pwede ba kitang tawagan?'Tanong niya sa text, kaya nireplyan ko siya.
COMPOSED TO: GERALD
'Sige ayos lang'Sagot ko kaya wala pang isang minuto ay tumawag na siya.
"Bakit gusto mong tumawag?" pilit na pagsusungit na tanont ko.
"Namiss kasi agad kita eh" sagot niya
"Tsk magkikita pa naman tayo bukas ah"
"Kaya nga, pero miss ko agad boses mo eh"
"Psh narinig mo na so pwede na ibaba?" pagtataray ko pa rin.
"Gusto mo bang kantahan kita?" tanong niya kaya kaya kinilig ako kahit wala pa syang kinakantan.
"sige go on" walang interes kunwaring sagot ko. Kaya kumanta siya.
Maganda ang boses niya kahit medyo malaki, pero kahit na malaki malamig naman. After niyang kumanta napaalamn na kami.
"Good night cutie" bati niya pa sakin
"Goodnight dinq" nakangitng bati ko saka binaba ang linya.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Historia CortaThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel