NIGHTMARE

1 0 0
                                    

Gerald’s POV

Habol ang hiningang bangon ko dahil sa napakasamang panaginip na iyon. Halos hindi na ako makahinga habang may lumalabas na butil butil sa pawis sa mukha ko.

Ano bang klaseng panaginip iyon” habol ang hiningang bulong ko.

Humiga ako ulit at pinakalma ang sarili, nang maging kalmado na ako kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras.

5:00 am na pala” bulong ko saka tumayo at dumeretso cr.

Habang nagsisipilyo aako hindi parin maalis sa isip ko kung ano bang ibig sabihin ng panaginip ko.

Bakit ako aalis!?” pasigaw na tanong ko sa salamin. “Bakit ko magagawang iwan si Sheryl?” medyo huminang usal ko at ramdam ko na ang pamamasa ng mata ko.

Sa bahay ko ako umuwi ngayon kaya sariling preparation ako. After kong maligo bumaba na ako para magluto sa kitchen.

Natatakot ako!” sigaw ko sa kusina. “Ayaw kong maghiwalay kamiiiiiii” sigaw ko parin kaya hindi ko napansing nasunog na yung itlog na niluluto ko. “Ano ba yan badtrip talaga” hinango ko yung itlog saka tinapon sa basurahan, at nagsalang ng panibago.

Nang matapos na akong magasikaso. Pumunta na ako sa bahay nila Sheryl. Bumaba ako nang kotse at hinintay ko siyang kumabas ng gate. Nang makita ko siya namasa ang mga mata ko, pakiramdam ko kiss na miss ko siya.

Babe” usal ko sabay yakap sa kanya… hindi lang yakap kundi napakahigpit na yakap.

G-gerald hindi ako makahinga

Ayaw kong mawala ka sakin” lumuha na ako.

B-bakit?" Pilit niya paring inaalis ang mahigpit kong yakap.

Basta kahit anong mangyari ayaw kong magkakahiwalay tayo

Sige mahal, pangako hindi rin kita iiwan” usal niya ginantihan niya ako ng yakap. “Umiiyak ka ba?” kunot noong tanong niya ng maghiwalay kami ng yakap.

Hehehe hindi napuhing lang ako” nakangiting sagot ko saka siya inalalayang sumakay.

Nang makarating kami sa opisina, laking gulat ko ng makita ko si CEO Bernard sa upuan ko.

Anong ginagawa mo dito?” walang gana na tanong ko.

tsk parang mas mataas ka lagi sakin kung umasta ka” singhal niya sakin. “Pupunta ako ng Palawan, kailangan ko ng kasama, pwede ka ba?" Tanong niya sakin.

hmm kung kasama siya eh why not?” pilyong tanong ko habang nakaturo sa katabi ko.

Tsk trabaho ipupunta ko doon hindi bilang third wheel sa inyo” sagot niya.

Okay edi No ang sagot ko” sagot ko sabay lakad papalapit sa kanya.

Tsk sige na sige na isama na natin siya” walang magawang sagot niya.

Parang napipilitan ka lang eh

Halata namang napipilitan lang ako tsk, wala naman akong magagawa eh, basta trabaho muna ang kailangang gawin”

Yes boss” nakangiting pagsangayon ko sa kanya. “Gaano tayo katagal doon?” tanong ko.

3 days and 2 Nights tayo, may hotel na tayong tutuluyan doon, magkasama tayo sa kwarto at ang kasama naman sa kwarto ni Sheryl ay yung kapatid kong babae” mahabang paliwanag niya kaya natawa ako.

Parang iba dating sakin ah” naniningkit na usal ko. “Parang sinasabi mo na gagawan ko ng milagro doon si Sheryl”

Pare lalaki parin tayo alam mo yan” sagot niya kaya napangiti ako.

Iyan ang gusto ko sayo pare eh, payag ako diyan, gusto ko kahit halik sa kasal na namin magawa ni Sheryl iyon” nakangiting sagot ko.

Bukas 6 am magkikita tayo sa tapat nitong bulding”

Bukas na agad?” sabay naming tanong ni Sheryl.

Oo kaya nga no choice na ako kundi isama si Sheryl, para maisama ko ang pinakamagaling na empleyado

Tsk nambola pa” sagot ko. “ako nang magpapaalam sa iyo sa magulang mi Babe” sabi ko sa kanya kaya tumango siya.

Matapos ang usapang iyon, dumeretso na si Bernard sa opisina niya at nag umpisa na kaming magtrabaho. After ng mahabang araw hinatid ko na si Sheryl sa bahay nila.

Hmm Cherry… I mean tita” bati ko.

O kumusta?” Bati rin sakin ni Cherry.

Ayos naman… nais ko lang sanang ipagpaalam si Sheryl bukas

hmm saan naman?”

Sa Palawan 3 days and 2 Nights kami doon” sagot ko.

Hindi pa kayo kasal may honeymoon na kayo?” tanong niya kaya napahawak ako sa noo ko.

Hindi HAHAHA” Tawa ko kunwari. “May outing work kasi ang company, kasama kami” sagot ko.

Oh sige basta ingatan mo lang siya ha

Yes naman hehehe” sagot ko saka baling kay Sheryl. “Bukas 5:30 nandito nako” bulong ko.

Sige sige, matulog ka ng maaga ah” bilin niya sakin

Yes naman babe” nakangiting sagot ko. “o pano uwi nako” dagdag ko saka ngumiti. “t-tita dito na ako

Sige Gerald ingat”

Sige” sagot ko. “bye babe” habol ko pa saka lumabas.

Paguwi ko ng bahay inihiga ko agad ang ulo ko sa sofa. Sa bahay namin ako umuwi para mas malapit sa bahay nila Sheryl. Dahil sa ibinalitang iyon ni Bernard, nawala sa isip ko ang masamang panaginip ko. Ngunit mulo ko yung naalala ng makauwi na ako ng bahay.

Paguwi ni Mom and Dad sa bahay, sinabi ko sa kanila ang lakad ko bukas at pumayag naman sila. Matapos akong magpaalam kumain narin kami, sakto at nakapagluto na si Maine. After naming kumain dumeretso na ako sa kwarto ko at natulog.

Hindi naging maayos ang tulog ko dahil paulit ulit na pumapasok sa panaginip ko yung masamang bangungot ko. Pakiramdam ko kasi ay parang totoo talagang nangyayari kaya kahit ilang beses kong mapanaginipan natatakot parin ako.

I'm In Love with my First Love's DaughterWhere stories live. Discover now