Gerald's POV
Pagdating ng 6am halos magkakasunod lang kaming nagdatingan sa harap ng building ng kompanya. Iiwan ko ang aking kotse sa private parking ng kompanya ngayong pagalis namin.
“Apat lang tayo?” Takang tanong ko sa CEO.
“Oo kaibigan, mas mabuti na ito para mas magaan ang trabaho” nakangising sagot niya kaya kumunot ang noo ko.
Makalipas ang limang minuto dumating na ang van na sasakyan naming apat papuntang airport.
“Ayos na ba ang mga dala ninyo? Wala ba kayong nakalimutan?” tanong ng CEO.
“Oo sakto lang dala namin for 3 days” sagot ko.
“Sige, kung ganon manong let’s go” masayang sigaa ng CEO.
Makalipas ang isa’t kalahating oras na biyahe nakarating na kami sa airport. Mayroon ng ticket sila CEO para saming apat kaya wala ng husstle. Pagsakay sa eroplano, magkatapat ang upo namin, magkatabi kami ni Sheryl, at katabi naman ni Bernard ang pinsan niya.
“Ayos ka lang?” tanong ko kay Sheryl.
“O-oo, medyo kinakabahan lang dahil first time kong sasakay” sagot niya kaya napangiti ako.
“Ganun ba? Ganto matulog ka nalang gisingin na lang kita pagdating natin ng Palawan” nakangiting usal ko sa kanya.
“Sige” sagot niya kaya inihilig ko ang ulo niya sa balikat ko.
Makalipas ang ilang oras dumating na kami sa Palawan. Pagbaba namin ng eroplano parang nararamdaman na namin ang ganda sarap ng pagpasyal sa lugar.
“Bernard” tumabi ako sa CEO at hinayaang makipagkwentuhan si Sheryl sa pinsan ng kausap ko.
“Bakit?” nakangiting tanong niya.
“Napapaisip lang ako, anong trabaho ba ang gagawin natin dito e wala naman akong naaalalang may branch tayo dito” tanong ko.
“20 years ka kasing nawala at nagpakabusy ka pa sa work” makahulugang sagot niya kaya nagulat ako.
“Ibig mong sabihin may branch na ang Virginia dito sa Palawan?” namamanghang pagkukumpirma sa kanya, saka siya natawa.
“HAHAHA, matagal ka kasing nawala kaya naisip kong kailangan mo na ng bakasyon” sagot niya.
“Eh bakit ayaw mo pang isama kahapon si Sheryl, gusto mo akong masolo?”
“Bugok! Alam kong magpupumilit ka kaya pinagtripan muna kita HAHAHA”
“Tsk” singhal ko sabay suntok sa balikat siya. “Salamat” usal ko ng may sinseredad.
“haha walang anuman, kailangan ito ng pinakamagaling na Accountant ng kompanya” sagot niya saka kami sumakay sa panibagong Van na sasakyan namin, papunta naman sa Hotel na tutuluyan namin.
Makalipas ang ilang oras nakarating na kami sa hotel. Ako na ang nagbuhat ng gamit ni Sheryl kasi nakikita sa mukha niya ang pagod sa biyahe.
“Thanks” sagot niya pagdating namin sa room namin.
Pagpasok sa room, may dalawang room pa ulit ito, isa for boys and isa for girls. May sofa and small kitchen din. Kada kwarto may CR. Malaki ang bawat kama at may flat screen TV pa sa bawat kwarto.
“Pahinga muna ako ah napagod talaga ako eh” sigaw niya pa, masa sofa pa kasi ako sa labas ng rooms.
“Sige” nakangiting sagot ko saka pinanood na isara ang pinto nila.
“Ikaw Gerald ayaw mong magpahinga?” tanong sakin ni Bernard.
“Sige pahinga ka muna, tambay na muna ako sa Veranda” sagot ko saka pumunta sa Veranda at pinanood ang agos ng dagat. “Matagal tagal na rin pala akong hindi nakakalangoy sa dagat” bulong ko pa. “Salamat dito CEO” bulong ko pa ulit habang nakatingin sa pa sa pinto ng kwarto namin. Kalahatingg oras ko pang pinagmasdan ang dagat saka ko napagpasyahang matulog.
Nagising ako sa malakas na uga na ginawa sakin ni Bernard.
“Gising na at tayo’y magtanghalian na” usal niya ng makitang gumalawa ako.
“Hmm” sagot ko. “Sunod ako” sagot ko saka nagunat.
“Sige” sagot niya.
Pagalis niya kinuha ko ang phone ko at napansin kong mayroong text doon si Prof. James. Kaya binasa ko ito.
FROM: PROF. JAMES
‘Ilang buwan nalang at darating na si Prof. Benedict, handa ka ba sa balita niya’
Pagbasa ko ng text nakaramdam ako ng kaba. ‘Hindi kaya magkakatotoo ang panaginip ko’ nasaisip ko kaya napaupo ako. “Hindi Hindi, hindi ako papayag” malakas na bulong ko saka tumayo at lumabas.
Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko doon sila na mukhang mga nakaligo na.
“Sandale maliligo lang ako” asta akong babalik ng magsalita si Sheryl.
“Mamaya kana maligo, hindi ka naman bumabaho eh” nakangiting usal niya, kaya napangiti din ako.
“Nakooo” usal ng pinsan ni Bernard. “Tanghaling tapat puro landian” dagdag niya kaya nagtawanan kami.
“Huwag ka ng mainggit, baka mahawa pa yung pinsan mo eh” natatawang sagot ko habang nakaturo kay Bernard.
Masayang kaming bumaba at dumeretso sa Restaurant. Pagdating namin makikita mo ang naggagandahan at naggwagwapuhang bisita sa lugar na ito, at halata sa kanila ang pagiging masaya. Pagupo namin sa isang round table may lumapit agad samin na waiter at pinakita samin ang Menu nila. Si Bernard na ang umorder ng kakainin namin dahil sa kanya naman ang gastos lahat lahat.
“Bukas ng umaga punta tayo saa kabilang isla at magpicnic tayo doon” masayang suggestion ni Bernard pagalis ng waiter.
“Eh mamaya anong gagawin natin?” biglang tanong ni Sheryl. “Akala ko ba trabaho ipinunta natin dito?” dagdag niya pa.
“Hehehe wala talagang trabaho, gusto ko lang talagang pagpahingahin ang boyfriend mo napakasipag eh” natatawang usal ni Bernard.
“Ganun ba sige” sagot lang ni Sheryl saka ngumiti.
Matapos naming kumain dumeretso na ulit kami sa kwarto namin. Balak naming tumambay sa Bay bago lumubog ang araw.
“Mukhang mageenjoy ako dito” nakangiting bulong ko kay Sheryl.
“Malamang ang daming magagandang babae kang makikita dito eh” nakangusong biro niya.
“Hindi ah, maghahanap pa ba ako, eh sayo palang feeling ko napakagwapo ko na” biro ko rin.
“Sus, gwapo ka naman talaga eh, ako nga itong nagulat at nagkagusto ka sakin”
“Iba kasi dating mo eh hahaha” pambobola ko pa.
Ilang oras pa ang lumipas at napagpasyahan na naming bumaba. At pumunta sa bay. Pagdating sa Bay magkasama kami ni Sheryl at tamang foodtrip naman yung magpinsan.
“Gusto ko pag kinasal tayo, sa beach rin” nakangiting usal ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
“Nako kahit naman hindi masyadong enggrade ang mahala magkasama tayo” puno ng sinseredad na usal niya kaya niyakap ko siya.
“I love you” nakangiting usal ko
“I love you too” sagot niya kaya hinalikan ko siya sa noo.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Short StoryThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel