Sheryl’s POV
Hi ako nga pala si Sheryl Cuevas 25 years old, graduate ako ng BA Financial Management, pero dahil pangarap ko talagang makapasok sa Virginia Company, tatanggapin kahit anong ibigay nilang trabaho sakin.
Pag uwi ko ng bahay, ipinaalam ko agad kay mommy na natanggap na ako at tatawagan nalang ako bukas, kaya tuwang tuwa siya sa balita ko.
“Maganda yan anak, keep it up, I’m so proud of you” nakangiting bati sakin ni mommy.
“Opo naman mom, para sa atin” nakangiting sagot ko rin na ikinabuo ng mga luha sa mata niya. Kaya niyakap ko sya.
3rd year College palang sila Mom nung mabuntis siya ni Dad, kaya hindi niya naranasang makagraduate ng college at makahanap ng trabaho. Pero pinangako ko talaga sa sarili ko na magpapayaman ako at pipilitin ko siyang makapagaral ulit.
Pagkatapos nun kumain na kami. After naming kumain dumeretso na ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Habang nakahiga ako pumasok sa isip ko yung lalaki kanina na palangiti. Mukhang mas matanda siya sakin, pero hindi naman nagkakalayo ang edad naming kung tignan.
“Sino kaya yung ugok na yun?” bulong ko pa saka pumikit, at hindi ko na namalayang nakatulog nako.
KINABUKASAN
Nagising ako sa malakas na tunong ng phone ko. Napabalikwas ako nung nalaman kong may tumatawag pala. Bago ko sagutin tinignan ko na muna ang oras 6:47 am palang. Huminga muna ako ng malalim saka sinagot.
“Hello”
“Hello, Is this Ms. Cuevas?” tanong ng nasa linya.
“Yes po, Yes po”
“Si Sally ito, secretary ng manager ng Virginia Company, Pumunta ka sa Virginia Company, dumeretso ka sa office ng CEO, si boss ang magsasabi sayo ng magiging trabaho mo. 8 am dapat nandoon kana” pormal na sagot nung nasa linya.
“Okay po! Salamat salamat!” tuwang tuwang pasasalamat ko.
“sige” maikling sagot niya saka binaba ang linya.
Pagkababa ng linya nagmadali na akong magasikaso, pagkatooth brush ko naligo na agad ako. After kong magbihis, bumaba na ako para kumain.
“Oh Anak ang aga mo naman? May pasok kana ba agad?” tanong ni mommy.
“Yes po mom, tinawagan po ako ng Virginia Company para pumunta sa kanila ng 8 daw po, sasabihin daw sakin ng mismong CEO ang magiging trabaho ko” tuwang tuwa pang kwento ko sa kanya.
“Whaa, galing mo anak ahh good lucckkk”
“Yes po Mom, para satin hehehe”
“Bago ka umalis kain kana muna, sabayan na kita” yaya pa sakin ni mommy, at sabay na nga kaming kumain.
After naming kumain nagpaalam na agad ako. 7:30 na kailangan ko ng magmadali, dahil magcocommute lang naman ako. After ng ilang minutong biyahe bumaba na muna ako sa coffee shop, malapit sa company. 7:48 palang kaya kaya pa. Paglabas ko ng shop, naglakad nalang ako papunta ng company.
“Hey!” sigaw sakin ng pamilyar na boses. “Sabay ka na sakin” dagdag niya pa, siya yung lalaking pala ngiti kahapon.
“Ay hindi na malapit na lang kaya lalakarin ko nalang” mataray pang sabi ko saka nagmadaling mag lakad.
Pagrating ko sa building binilisan ko na ang pagtungo sa elevator. Magsasara palang sana yung elevator ng bigla itong pigilin.
“Ikaw na naman?” taas kilay na tanong ko.
“I also need this Hahaha” tatawang sagot niya sakin.
“Psh. Whatever” pagtataray ko kaya natawa naman siya.
Pinindot ko yung boton papuntang last floor. Marami pa ang nagpasukan sa elevator kaya hindi nna ka.i nag pansinan.
“Sinusundan mo ba ako?” mataray na tanong ko sa kanya, dahil sa last din siya lumabas at naglakad pa sya sa likuran ko.
“Hindi naman hehehe, dito rin kasi ang way ko” nakangiting sagot niya, saka ko sya tinalikuran ulit.
Pagdating ko sa tapat ng office ng CEO, huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok. Kakatok na sana ako ng biglang…
“Buksan mo nalang” tatatawang usal ulit nung lalaking palangiti, saka lumapit sa pinto at pinihit ang doorknob.
Tinarayan ko lang siya saka ako pumasok.
“Pumasok na po ako-“
“Kami!” Pigil niya sakin.
“O nandito na pala kayo” nakangiti ring bati nung CEO, kaya napalitan din ng ngiti yung nakasimangot kong mukha kanina. “maupo kayo” turo niya sa mga upuan malapit sa table niya.
“Salamat p-po” medyo utal na sagot ko.
“Siya nga pala, nagkakilala na ba kayong dalawa?” tanong nung CEO.
“Hin-“ sasagot na sana ako kaso pinutol na naman nung mokong.
“Yes Hahaha, kahapon nameet ko siya hahaha” nakangiting sagot niya.
“Hahaha edi alam mo na rin ang pangalan niya?” tanong sa kanya nung CEO.
“Hahaha hindi nga eh, tinarayan agad ako eh hahaha”
“Hahaha sige Miss, magpakilala ka naman sa kanya” baling sakin nung CEO na nakaturo pa dun sa mokong.
“Eh?” kunot noong sagot ko.
“Pakilala kana dahil magiging magkatrabaho kayo”
“tsk! My name is Sheryl Cuevas” walang ganang sagot ko na nakatingin pa sa kawalan, na ikinatawa ng CEO.
“Hahahahaha, uy ikaw din magpakilala ka naman sa kanya” baling niya dun sa mokong.
“Hahaha, my name is Gerald De Guzman, and my pleasure to meet you” nakangiting pagpapakilala niya na nagbow pa sakin.
“Psh”
“Hahaha wag mo na siyang sungitan Ms. Cuevas” usal nung CEO.
“Tsk” singhal ko saka umayos ng upo.
“Dahil magiging secretary ka niya”. Dagdag nung CEO kaya nanlaki ang mata ko.
“Whaaatttt?” Gulat talagang tanong ko, kay mas napangisi yung Gerald.
“Well thanks boss” sagot nung Gerald saka sila tumawa nung CEO
“HAHAHAHA”
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Krótkie OpowiadaniaThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel