The Truth and The Last Date

0 0 0
                                    

Gerald’s POV

Hello?” Sagot ko sa tawag ni Prof. James.

Nasaan ka Gerald?” Seryosong tanong niya sakin mula sa kabilang linya.

Nasa Palawan ako ngayon, bakit?

Kailangan mo ng bumalik sa Manila” sagot niya.

Bakit? Bukas pa ang balik namin” nagtatakang sagot ko.

Dumating na si Prof. Benedict nais ka na niyang makausap” sagot niya na ikinagulat ko. Naghalo sa akin ang pakiramdam na gulat at kaba.

G-ganoon ba? Sige aalis na kami rito” sagot ko saka binaba ang tawag.

Minadali ko silang umuwi, kaya mabilis kaming kumilos at bumalik sa bangka. Pagdating namin sa hotel nilapitan ako ni Sheryl.

Anong problema?” nag-aalalang tanong niya.

May bisita ako” sagot ko lang kaya napakunot ang noo niya.

Nagmamadali kang umuwi dahil may bisita ka sa inyo?” kunot noo talagang tanong niya.

Oo” sagot ko. “Mahalagang balita ang dala niya kaya kailangan nating magmadali” sabi ko pa saka bumukas ang pinto ng elevator at tumakbo na ako papunta ng unit namin.

Makalipas ang 30 minutes sabay sabay na ulit kaming bumaba sa hotel. Kahit na gusto pa nilang mag stay mas pinili na rin nilang sumabay sa akin. It takes hours when we arrive the airport in Manila, at sumalubong na ang sundo namin. Naunang bumaba si Sheryl dahil madadaanan agad namin ang bahay niya mula airport papunta sa company. Pag dating sa kompanya nagmadali na akong bumaba at walang paapaalam na tinahak ang kotse ko. Pagsakay ko ng kotse ko pinaharurot ko na agad ito papunta sa lab.

Prof” habol ang hiningang bungad ko sa kanila.

Gerald” bati sakin ng dalawang prof

Mabuti at nakarating kana” walang pinagbago sa itsura ni Prof. Benedict. “Pasensya na masyado ata akong nahuli” dagdag niya.

Prof. Ano nga po bang problema at ikaw pa ang pumunta rito at kausapin ako?” deretsong tanong ko, pinipilit ko talagang tatagan.

Tama ang prof. James, may roong sira ang time machine, may mali akong equipment na nailagay” mahabang paliwanag niya.

Kung gayon po ano bang maaaring mangyari?” tanong ko.

Kailangan mo nang bumalik sa pinanggalingan nating panahon Gerald” sagot niya kaya naginit ang ulo ko.

Bakit ba kailangan kong bumalik? Gusto ko na dito” sagot ko.

Isang taon lang ang itatagal mo dito kung magsstay ka” pambibitin niya parin.

Bakit? Ano bang mangyayari sakin?

Dahil sa kamalian ko, 81% ang probability na mamatay ka o malusaw ang katawan mo”

Eh ano naman ang 19%?

Iyon lamang ang probabilidad na mabuhay ka pa rito ng matagal kaya kailangan mo nang umuwi” seryosong sagot niya kaya nanginig ang tuhod ko.

Pero…” pinutol ko ang sasabihin ko. “Mahal ko na si Sheryl, hindi ko siya kayang iwan” dagdag ko saka tumulo ang luha.

Sinong Sheryl?” tanong ni Prof. Benedict.

Kasalukuyang girlfriend niya iyon dito sa panahon na ito” sagot ni Prof. James ng mapansing hindi ko kayang sumagot.

Pero Gerald, kung aalis ka, magbabago ang future at lahat ng nangyari dito ay mawawalan ng saysay” sagot ni Prof. Benedict kaya napakiyumos ang kamao ko.

Hindi!” pagmamatigas ko. “Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kakayaning iwan at saktan siya” sagot ko.

Pero kung mamamatay ka rito maghihinagpis lang siya” sagot niya.

At kung uuwi ka naman wala siyang maaalala dahil maiiba ang future ninyo” pagkukumbinsi ni Prof. James sakin.

Pero…” hindi na ako makaisip ng dahilan. “pwede ba akong makapagpaalam sa kanya bago ako umalis?" Tanong ko.

Sheryl’s POV

Pagkagaling sa Airport, kunot noo akong pumasok sa bahay.

O anak akala ko ba ay bukas pa ang uwi mo?” bungad sakin ni Mommy.

Dapat nga po, kaso yung boyfriend ko may bisita at kailangan na agad naming umuwi” sarkastikong sagot ko.

Baka naman emergency lang anak, hintayin mo bukas ang paliwanag niya, huwag ka agad magalit

Whatever Mom, by the way, may ulam po ba? Nagugutom po ako eh” tanong ko kay Mom.

Dito sa kitchen may ham pa rito kain ka” yaya ni mom kaya kumain ako.

Pagtapos kong kumain nagpaalam akong magpapahinga dahil napagod talaga ako sa biyahe, at paghiga ko hindi ko na namalayang nakatulog ako.

Kinabukasan nagising ako dahil sa liwanag, hindi ko inaasahang dahil sa pagod magiging mahaba ang tulog ko. Pag bukas ko ng phone ko nagulat ako, tinadtad ako ng “babe” ni Gerald sa text at tumawag din siya kagabi ng 24 times, kaya nakaramdam ako ng guilt. Tatawagan ko na sana siya ng biglang kumatok si mom sa pinto ng kwarto ko.

Anak gising ka na?” tanong ni mom.

Opo mom!” sigaw ko.

Bilisan mong bumaba at magbihin ka, may bisita ka sa baba” sagot niya kaya naisip ko agad na baka si Gerald iyon kaya napamadali ako.

Pagbaba ko hindi nga ako nagkakamali, siya nga at may dala pa siyang magandang ngiti.

Good morning babe” nakangiting bati niya sakin, pero may napansin akong parang lungkot na nanggagaling sa mata niya pero hindi ko na pinansin.

Good morning din” sagot ko at niyakap niya ako.

Galit ka ba sa akin?” tanong niya.

Hindi nagtampo lang  pero okay na ako” nakangiting sagot ko.

Kung ganoon, labas tayo, date tayo” yaya niya sakin kaya napangiti ako.

Sige sige” sagot ko kaya lumabas na kami.

Una naming pinuntahan ay ang restaurant nila, hindi pa kami parehas nagaalmusal kaya naisipan muna naming kumain.

huwag kang magpapalipas ng gutom ah, lagi kang kakain” nakangiting usal niya habang kumakain kami kaya nagtaka ako.

Haha bakit ganyan naman sinasabi mo?” tanong ko

Wala lang gusto ko lang magpasweet sayo” nakangiting sagot niya kaya nagtawanan kami.

After naming kumain dumeretso na kami ng mall para manood ng sine.

Mamimiss ko ito” bulong niya.

Hahaha mauuulit ito huwag kang magaalala” sagot ko saka nginitian niya lang ako. “Bakit?” dagdag na tanong ko.

Wala, syempre kung hindi araw araw mangyayari mamimiss ko” sagot pa niya kaya nginitian ko rin siya.

Buong araw na ito ay sinulit namin na parang wala ng susunod. Nagarcade kami, nanood din kami ng basketball game. At marami pa kaming ginawa ngayong araw kaya napagod din ako.

Thanks for today babe, sa uulitin” nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya kaya ngitian niya ako.

Tara pasok kana hatid kita sa loob at magpapaalam rin ako sa family mo bago umuwi” sagot niya kaya nagtaka ako dahil ngayon niya lang naisip ito, pero syempre natuwa pa rin ako.

I'm In Love with my First Love's DaughterWhere stories live. Discover now