Cherry’s POV
Pagbalik nila mula sa kanilang date tinignan ko ang kilos ni Gerald, isa ang Psychology Student before ako magkaanak kaya may alam din ako sa pagaaral ng kilos ng tao, ayon sa ikinikilos ngayon ni Gerald ay may napakamaraming mali. ‘Sana mali akong nang naiisip ko’ sabi ko sa isip ko.
“Alis na ako” paalam ni Gerald
“Bukas ulit ah” sagot ni Sheryl at nginitian niya lang ito at saka tumalikod. Sa pagkakataong iyon mas lalo akong naghinala.
“Anak aalis muna ako may pupuntahan lang ako” paalam ko kay Sheryl pag labas ni Gerald.
“Okay po mom” nakangiting sagot ni Sheryl saka pumunta sa Sofa.
Ako naman lumabas agad ako at buti nalang may dumaang taxi.
“Manong pakisundan po yung kotse na iyon” sabi ko sa driver habang nakaturo pa sa kotse ni Gerald.
Habang nasa biyahe hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay sundan siya, dahil baka mahuli na ang lahat kung hindi ko ito gagawin.
Bumaba si Gerald at pinarada niya ang kanyang kotse sa tapat ng isang medyo kalakihang bahay. Dere-deretso lang siya ng pasok at hindi man lang ako napansing sumunod. Nakapasok din ako ng walang hirap dahil wala namang bantay.
Maya maya pumasok siya sa isang kwarto roon, pagpasok niya hindi niya isinara ang pinto kaya sumilip ako.
“Prof. Handa na po ako” usal niya sa dalawang lalaki naka lab gown.
“Sige kung ganoon umupo kana” umupo siya sa isang machine kaya walang ano ano ay pinasok ko ang kwarto.
“Saan ka pupunta?” galit na tanong ko. “Iiwan mo nalang ng ganun ang anak ko, ng wala ka manlang paalam?” Derederetsong tanong ko.
“T-tita paanong?” gulat na tanong niya.
“Tatawagan ko ang anak ko” usal ko saka kinuha at tinawagan ang anak ko, nung una hindi siya makapaniwala pero dahil sa takot pumunta na rin siya sa address na sinabi ko.
“Please Misis kailangan ng umalis ni Gerald” usal nung isa na mukhang mas bata.
“Sige ayos lang Prof. James, mas maganda siguro na makapagpaalam na muna ako” singit ni Gerald
Gerald’s POV
Walang ilang minuto ay dumating si Sheryl.
“Anong nangyayari?” nagtatakang tanong niya pagdating niya
“Kailangan ko ng umalis mahal ko” nanlulumong sagot ko
“Pero hindi ba ang sabi mo hindi mo ako iiwan?” tanong niya parin kaya unti unti ng namumuo ang luha sa mata ko.
“Kailangan na niyang umalis, maaari siyang mamatay pag tumagal pa siya” singit ni Prof. Benedict kaya nanlambot ako.
“Pero diba?” hindi na malaman ni Sheryl ang itatanong. “Please Gerald huwag ganito” dagdag niya pa kaya umagos na ang luha ko sa mukha ko at tumayo saka nilapitan siya.
“Mahal na mahal kita Sheryl, pero kailangan ko na itong gawin” usal habang nakahawak sa pisnge niya. “Pag nawala ako ngayon dito hindi mo na ako maaalala, kesa ang mamatay ako dito na hahayaang maghinagpis ka para sa akin, mas hindi ko matatanggap iyon” usal ko pa habang pinupunasan ang nga luha niya kahit na tumatangis na ako.
“Pero mas ayos na sa akin iyon kaysa ang mawala ka sa ala-ala ko” usal niya pa habang umiiyak. “Paano ang tayo?” tanong niya pa kaya mas naiyak ako.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Storie breviThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel