Sheryl’s POV
Maaga akong nagising ngayong araw, excited kasi talaga ako sa lakad namin ng family ko. Pakabihis ko bumaba na agad ako, at nadatnan ko doon si dad na bihis na rin.
“Good morning dad” bati ko kay daddy.
“Good morning din baby” bati nya rin sakin saka kami nagyakap.
“Where’s mom, dad?” Tanong ko kasi diko nakita si mommy.
“Nandoon siya sa kusina kakain daw muna tayo bago umalis”.
“Hindi po ba pwedeng doon nalang tayo sa mall kumain?” Takang tanong ko.
“Baka kasi magenjoy tayo masyado at makalimutan nating kumain” sagot ni mommy na galing kitchen.
“Okay po” nakangusong sagot ko saka kami pumunta sa kitchen at kumain.
Pagtapos naming kumain pumunta na agad kami sa mall. Pagdating sa mall napagdesisyunan nilang dumaan muna kami ng arcade bago pumunta sa sinehan.
“Mahilig kasi sa basketball ang daddy mo anak kaya dito muna tayo” paliwanag ni mom habang pinapanood namin si dad na tumitira ng basketball.
“Basta po after nito, manood na tayo ah” nakangusong sagot ko.
“Sige anak hehe” nakangiting sagot rin ni mom.
30 minutes pa kaming nagtagal sa arcade saka lang kami lumabas at naglakad papunta sa sinehan. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad napansin ko si Gerald na may bitbit na mga binili niya, at nagmamadaling naglalakad kasama ang isang anak ni ate Maine.
“Gerald” sigaw ko, ngunit mukhang nagmamadali talaga siya kaya hindi niya ako napansin. “tsk” pabulong na singhal ko kaya naglakad na ulit ako. Kaso bigla akong napatigil ng mapansing nakahinto si mom. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya sa way na pinanggalingan kanina ni Gerald.
“Mom, ayos ka lang” tanong ko
“H-hmm” sagot niya saka sumunod sakin pero hindi parin ako naglakad.
“May problema ba mom?” tanong ko.
“W-wala, parang may nakita lang akong dating kakilala” paliwanag niya saka nauna na saking naglakad. Sumunod naman ako.
Nanood kami ng drama sa sinehan, and after naming manuod naglunch narin kami sa mall. After naming maglunch ay naisipan na naming umuwi, dahil pagod na daw sila mom.
Gerald’s POV
Namili ako sa supermarket ng mall, at nagbabasakaling makita ko si Sheryl dito sa mall.
“Tito bakit ba panay ngiti ka dyan?” tanong sakin ni Jade anak ni Maine.
“Wala may iniisip lang”
“Kinikilig ka naman eh, sino ba yang iniisip mo Girlfriend mo?”
“A-ahh hindi nililigawan ko palang” sagot ko. “teka bakit ko ba sinasagot mga tanong mo tsk”
“Ikaw lang ang sumagot tito hindi ko naman pinilit” nakangusong sagot niya sakin.
“Tsk” singhal ko saka pinagpatuloy ang pamimili.
-RING RING-
Biglang nagring ang phone ko.
“Gerald” sagot ni Prof mula sa kabilang linya.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Short StoryThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel