The Truth

3 0 0
                                    

Sheryl's POV

"Ano ba ang sinasabi ninyo?" Kunot noong talagang tanong ko.

"Mommy mo at ang first love ko na tinutukoy ko ay iisa" nakayukong sagot niya.

"Paano naman nangyari yun ha!?" Sigaw ko sa kanya.

"P-please diko maipaliwanag eh" nakahawak na sa ulong sagor niya.

"Paanong hindi mo maipaliwanag?!" Sigaw ko pa. "Ikaw mom paano mo sya naging first love?" Medyo nagpapahinahon kong baling kay mom.

"Naging kami nung 2017, pero hindi ko alam kung bakit bata parin siya" naguguluhang sagot ni mommy.

"Papaanong? Eh bente otso palang siya ah?" turo ko kay Gerald.

"Mahabang kwento" sagot ni Gerald na hindi na talaga alam ang gagawin.

"Tsk bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko saka tumalikod at dumeretso na kwarto ko.

"Kung kailan malapit ko na siyang sagutin saka pa nagkaroon ng ganto!" pasigaw kong bulong sa sarili ko.

Humiga ako para magpalamig ng ulo ko, at paghiga ko narinig ko namang umandar ang kotse niya. Kaya napabangon ako.

"Ano yun hindi niya man lang niya talaga ako sinuyo" kunot noong bulong ko sarili. Kaya napagpasyahan ko nalang maligo para lumamig ang ulo ko.

Pagtapos maligo narinig kong nagriring ng nagriring ang phone ko kaya tinignan ko. Ang dami na niyang text at tawag pero wala akong balak basahin ni sagutin ang tawag niya kaya inoff ko ang phone ko. Ng makapagpatuyo nako biglang kumatok si mom sa pinto.

"Nak pwede ba tayong magusap?"

"bukas nalang po mom, I need some time for myself siguro ngayon mom" mahinahong sagot.

"Sige anak, pag gusto mo nang makipagusap nasa kwarto lang ako ah"

"Okay po" maikling sagot ko saka nahiga at pinilit na matulog at nagtagumpay nga ako.

Pagkagising ko ng umaga tinatamad akong pumasok sa work kaya naisipan kong manatili lang nakahiga. Isang oras din akong nakahiga lang nang maisipan kong bumaba
.
"Sheryl" bati ni Gerald at sinalubong pa ako.

"Ano na naman?" galit na tanong ko.

"Magpapaliwanag na ako"

"Na ano? Paulit ulit mo na namang sasabihin first love mo si mommy?"

"Hindi... ipapaliwanag ko na kung anong nangyayari" sagot niya.

"Sige go on" sagot ko kaya kinuha niya ang kamay ko ang dinala sa sofa.

"Totoong naging kami ng Mommy mo nung 2017 pa, at totoong lolo mo ang naging dahilan ng paghihiwalay namin nun" panimula niya. "Pinanganak ako ng year 2000, kaya kung tutuusin mas matanda pa ako sa mommy mo" dagdag niya kaya napanganga ako.

"Paanong? Ibig sabihin niloloko mo lang ako" kunot noong tanong ko.

"Hindi kita niloko, dahil ang totoo, nawala ako ng 20 years mula 2028 hanggang ngayong taon, at para sakin minuto lang ang lumipas" sagot niya kaya lalo akong naguluhan.

"Pinagloloko mo ba kami, kung oo umalis kana!" tumayo ako at tinuro ang pinto.

"Please let me finished okay" sagot niya na parang nawawalan na ng pasensya.

"Ikaw pa may ganang magalit?"

"Please" malungkot niyang pakiusap kaya pinakinggan ko nalang siya. "I am a Time Traveler" dagdag niya kaya lumaki ang mga mata namin.

"Ha?"

"Nag time travel ako mula 2028 to 2048" sagot niya pa. "Balak kong tignan ang future, kaso ang nangyari pala ay parang nawala lang ako ng 20 years" nakayukong dagdag niya pa. "Balak ko lang sanang magstay dito ng atleast 1 month then uuwi nako, kaso..." hindi niya tinapos ang sasabihin niya at tumingin siya sakin.

"Kaso?"

"Kaso nakilala kita at napamahal ako sayo" sagot niya at parang tinambol ang puso ko.

"P-paano pag kailangan mo ng umalis ngayon?" naluluha ng tanong ko.

"Hindi na, gusto ko na dito at mas gugustuhin ko ng mamatay akong kasama ka"

"Hindi mo ba namimiss ang pinanggalingan mo?"

"Hindi naman kasi, lahat naman ng iniwan ko nagkaroon naman ng halaga"

"T-talaga?"

"Oo, kaya simula ng makilala kita naisipan kong magstay na rito at gustuhing makasama ka habang buhay". Wala ng Sali salita at niyakap ko siya.

"I love you Gerald" nakayakap na sabi ko sa kanya.

"I love you too" sagot niya at niyakap din ako. "Ibig sabihin ba nito tayo na?" masayang sabi niya kaya tumungo ako.

"Yes!" malakas na yakap niya kaya tinapik ko siya.

"Uy hindi na ako makahinga" biro ko.

"S-sorry mahal hehehe... pasok na tayo?" pagbabago niya ng usapan.

"Sige pero kain na muna tayo"

"Oo nga tama na muna ang harutan dyan Gerald, kain na muna kayo" singit ni mom samin kaya natawa kami. "Alagaan mo ang anak ko ah" puno ng sinseredad na baling ni mom kay Gerald.

"Yes naman Che-Tita hehehe" di niya malamang sagot.

"Sige sige kain na" at kumain na kami.
After naming kumain nagasikaso na ako at pumasok na kami kahit late. Pagpasok namin ng office nandoon ang CEO.

"Bakit kayo late" taas ang kilay na tanong nito.

"Wag mo ng isipin yun at least nandito na kami" sagot ni Gerald.

"Huy baliw ka talaga" palo ko sa kanya. "Pasensya na boss nalate kami kasi tinanghali ako ng gising sinundo pa ako ni Gerald kaya nadamay pa sya" sagot ko.

"Ang aga aga kasi landian nasa isip nyo eh"

"H-hoy" turo ni Gerald sa kanya. "Palibhasa single ka parin eh" pangaasar niya.

"Ha? Ewan ko s inyo" napanganga ang CEO saka lumabas, kaya natawa kami.

"Baliw ka talaga lagi mong binubwesit ang CEO natin"

"Hahaha hindi mabubwesit sakin yun,  kilala nako nun eh mula 2024 magkasama ka kami eh hahaha"

"Eh? Halos kapapanganak palang ako nun ah"

"Whahaha kaya nga eh" dagdag saka kami nagpatuloy sa trabaho.

Gerald's POV.

Naging masaya ang araw namin, una dahil naamin ko ang ang katotohanan at pangalawa dahil kami na. After ng araw kagaya ng dati naisipan naming kumain sa Virgo resto na pagaari namin bilang pahinga namin.

After naming kumain nagpahinga lang kami ng unti at hinatid ko na siya.

"Gerald please" nakikiusap na tugon ni Sheryl. "Mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din Sheryl, pero siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa" sagot ko sa kanya.

"Pero diba ang sabi mo hinding hindi mo ako iiwan?"

"Kailangan na mahal ko, mas masasaktan pa tayo pag pinagpatuloy natin to"

"Please Gerald umuwi na tayo oh gusto ko ng umuwi" umiiyak ng usal niya at nakaluhod, pero hindi ako nagpapigil at dumeretso parin ako sa time machine.

"Pasensya na kung hindi ko nagawa ang pangako ko, pasensya na kung magiging makasarili ako ngayon" lumuluha narin sagot ko saka pinindot ko ang boton.

"Please Gerald wag!"sigaw niya at tumakbo pa sa akin.

I'm In Love with my First Love's DaughterWhere stories live. Discover now