Sheryl’s POV
Isang Linggo na ang nakalipas at pareparehas lang ang pakikitungo sakin ni Gerald, puro ka-pormalan. Simula nung naglead siya ng meeting nagkaroon na ako ng oaghanga sa kanya. Magaling siya, matalino, tapos hindi mawawala aang katotohanang gwapo talaga siya.
“Ms. Cuevas!” Malakas na tawag niya sakin kaya natigil ako sa pagaalala ko sa kanya.
“B-bakit?” Napapahiyang sagot ko.
“Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ba ako naririnig?” Kunot noong tanong niya.
“E-eh pasensya na” nakatungong sagot ko.
“Tinatanong kita kung pwede ka ba mamayang gabi?” pormal na tanong niya.
“P-para saan?”
“Isasama kita mamaya sa bahay” pormal paring sagot niya kaya napanganga ako. “sa bahay ng family ko okay, bawal sa bahay ko pangit tignan pag tayong dalawa lang” dagdag niya nung napansin niyang nagulat ako.
“M-may sarili kang bahay?” gulat na tanong ko.
“Hmm” maikling sagot niya. “Ano pwede ka ba? Dagdag yun as overtime mo” dagdag niya pa.
“Anong gagawin natin?” takang tanong ko.
“Tuturuan mo ako gumamit nito” turo niya sa mga application sa laptop niya.
“Eh pwede naman dito ah”
“Oh 4:30 na” pinakita niya ang relo niya. “Umuwi ka muna para makapagpaalam ka, sabihin mo ihahatid din kita”
“sige sige” sagot ko. “Paano mo ako macocontact?”
“Oo nga mabuti at pinaalala mo” sagot niya saka inabot ang phone niya. “Itype mo number mo, I call you before 6 later”
“Sige” saka ko tinype ang cellphone number ko.
Pag-uwi ko ng bahay naabutan ko doong naglilinis si mommy.
“Dito na po ako”bati ko kay mommy saka humalik.
“Magpahinga ka muna” nakangiting ring alok niya sakin sa single sofa.
“Mom!” tawag pansin ko sa kanya pag upo ko.
“Hmm?”
“Aalis po ako mamaya, pupunta po ako sa bahay ng CFO namin”
“Anong gagawin mo doon?” tanong niya kaya kinabahan ako, ‘maniniwala kaya siya kung sasabihin kong nagpapaturo yun tsk’.
“Office works po mom, isasama daw po yun sa overtime ko” pagsisinungaling ko.
“Ah ganun ba, edi doon kana kakain?”
“Siguro po, before 6 daw po tatawagan ako”
“Sige magiingat ka kung gayon, mahirap umuwi ng gabi”
“Ihahatid daw po ako”
“Ah mas maganda kung ganun” sabi niya pa saka nagpatuloy sa paglilinis.
Makalipas ang ilang minuto umakyat ako sa kwarto ko para mahiga. Habang nakahiga naiisip ko ang itsura ng CFO namin.
“Tsk! Kung kailan nakakaramdam ako sa kanya ng paghanga, naging ganun naman pakikitungo niya” bulong ko sa sarili. “tskk!” singhal ko saka kinuha ang phone ko.
Pagdating ng 5:30 naligo ako ako para bago siya tumawag aalis na lang ako. Paglabas ko ng Cr. Sakto namang nagring ang phone ko.
“Hello?” sagot ko doon, dahil unknown number.
“Hello ako ito si Mr. De Guzman” pormal paring sagot niya. “Saan ang address mo? Susunduin kita dyan ng 6” tanong niya kaya sinabi ko ang address ko.
“Sige paalis nako dito sa bahay, magasikaso kana” pormal paring sagot niya saka binaba ang linya.
“Ano kaya talagang problema nun” kunot noong bulong ko sa sarili ko saka bumaba.
“Baby paalis ka na ba?” malambing na tanong sakin ni mommy.
“Opo mom” sagot ko.
“Ganun ba sige, ingat ka ah, ilock mo nalang ang pinto bago ka umalis”
“Ha? Bakit naman po?” takang tanong ko.
“Mauuna akong umalis sa iyo may pupuntahan lang ako”
“Ganun po ba? Sige po ingat din” sagot ko saka pinanood si mommy na lumabas at sumakay ng taxi.
-RING RING-
Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang nagrimg ang phone ko.
“Malapit na ako lumabas kana ng bahay ninyo” sagot agad ng nasa linya.
“Okay okay” sagot ko kaya binaba niya ulit ang linya.
Paglabas ko ng bahay, saktong hinto ng kotse niya.
“Sakto lang ba ang dating ko?” pormal na tanong niya.
“Ah oo kaalis lang din ng mommy ko”
“ganun ba?” pormal na tanong niya na parang walang Interes. “Let’s go” aya niya saka binuksan ang passenger seat.
Ilang minuto kaming bumyahe at nakarating kami sa bahay nila.
“tara!” yaya niya at pumasok kami sa loob. “Mom padalhan na lang kami ng dinner sa kwarto ko, need lang naming tapusin ang gagawin namin” sabi niya sa mommy niya, may edad na ang mommy niya.
“Sige anak” sagot ng mommy niya. “Feel at home hija ah huwag kang mahihiya” nakangiting baling sakin ng mommy niya kaya napangiti ako.
“Salamat po”
Nang nasa hagdan na kami may napansin akong lalaki roon na nakatingin samin.
“Girlfriend mo kuya?” nakangising tanong nito.
“Tsk hindi” singhal niya. "Bumaba ka na nga at kumain na kayo"
“Hahaha sungit nito ni kuya, ngayon ka na nga lang nagdala ng babae eh whaha” tawa pa nito kaya nilakihan siya ng mata ni Gerald. “Oo na nga bababa nako” kamot ulong usal niya saka bumaba.
“Ilang taon na ang kapatid mong iyon?” tanong ko.
“28 na sya sa october”
“edi sumunod siya sayo? Mukhang magkasing edad lang kayo halos” sagot ko kaya napaiwas siya ng tingin.
“Huwag mo na isipin yun tara na umakyat na tayo” sagot niya kaya huminto ako.
“Ano bang problema mo?” kunot noong tanong ko na ikinagulat niya.
“Hindi mo naman kasi kailangang interviewhin ako eh” casual na sagot niya.
“Hindi yun! Bakit nung mga nakaraang araw puro pormal ikinikilos mo?” tanong ko
“Nasa trabaho kasi tay-“
“Eh bakit hanggang sa labas pormal ka parin sakin?” pinutol ko ang sasabihin niya.
“Gusto mo malaman ang totoo” umayos siya ng tayo at napalunok ako.
“Oo, ano bang totoo?”
“Pilit kong iniiwasang magkagusto pa sayo pero mukhang bigo ako” sagot niya kaya napanganga ako. “Imbis na mawala nadadagdagan pa” dagdag niya pa saka nagpatuloy sa kwarto niya. Ako naman ay naiwang nakanganga at nakatingin lang sa kanya.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Krótkie OpowiadaniaThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel