Early Confession

3 1 0
                                    

Gerald’s POV

Nakakatawa talaga ang naging reaksyon na iyon ni Sheryl, medyo nanlaki ang singkiting mata nya sa gulat at galit. Ang cute nyang tignan hahaha.

Ang toto, alam ko na talaga na magkakaroon ako ng secretary pero hindi ko inaasahan na si Sheryl pala iyon.

*FLASHBACK*

RING! RING!

Isang malakas na ring ng phone kaya kunot noo akong kinuha sa small table ko sa kwarto. Katatapos lang namin magdinner nila mommy, kaya dumeretso ako sa kwarto ko at balak ko na sanang magshower.

Oh!” galit na sigaw ko sa tumawag, unknown number kasi.

Uy! De Guzman, ako ito boss mo!” Sigaw din nung nasa linya.

Bakit napatawag ka?”

Uy galangin mo nga ako!” sigaw nya pa ulit.

Tss, sa trabaho lang yun, sa labas kaibigan parin kita” nagyayabang sa usal ko.

Tsk!” malakas na singhal nya sa telepono. “Bukas ng alas otso pumunta ka rito, magsstart kana, ipapakilala na rin kita sa secretary mo” mahabang pagiiba nya ng usapan.

Bakit naman kailangan ko ng secretary?” kunit noong tanong ko.

Bugok! Dalawampung taon ka nawala, kaya kailangan mo ng tutulong sayo sa pag gamit ng mga bagong technology” sagot nya.

Sige sige” maikling sagot ko lang.

Sige bukas ah, bawal malate!” sigaw nya pa kaya binabaan ko na ng telepono.

*END OF FLASHBACK*

Nasa office ko na kami ni Sheryl at naupo nako sa table ko.

Hey!” tawag ko sa kanya kasi nakatalikod sya sakin tapos ang layo niya pa. “Dito ka maupo sa malapit sakin” utos ko.

Bakit ko naman susundin yang utos mo?” masungit na tanong niya kaya napangisi ako.

Kasi kailangan kita” nakangiting sagot ko na ikinalaki ng mata nyang singkit. “HAHAHA syempre secretary kita kaya kailangan kita

Pshh!” singhal nya. “Eh ano bang maipaglilingkod ko sa iyo kamahalan?” Sarkastikong tanong niya kaya natawa ako.

Kailangan ko kasing matutunan itong modernong computer eh, kaya magpapaturo sana ako sayo” nakangiting paliwanag ko.

Accountant ka ba talaga ha?” sarkastiking tanong niya pa ulit.

Wala pa kasing mgaa ganito nung grumaduate ako eh” kamot ulong sagot ko.

Pano naman nang-“ pinutol ko na yung sasabihin nya.

Huwag ka ng puro tanong turuan mo nalang ako”  sagot ko kaya nakangusong lumapit sya sakin at sabay kaming humarap sa computer.

Makalipas ang isa at kalahating oras nagpahinga muna kami. At ang dami ko talagang natutunan sa kanya, ang bilis niyang tumipa ng makabagong keyboard at seryoso lang sya at focus. Kaya ngayon pansin mo sa kanya ang pagod.

Salamat” nakangiting usal ko sa kanya.

You’re welcome” sagot nya lang.

Mag break ka na muna” utos ko.

Ah hindi na

Bakit hindi ka ba nagugutom?” tanong ko.

Hindi naman sa ganun, nagtitipid din ako, pang lunch nalang budget ko eh” sagot niya.

Tara!” tumayo ako.

Saan?” tanong niya.

Starbucks tayo, miss ko na yun eh” nakangiting sagot ko.

Eh wala nga akong pera eh

Sagot ko na yun

Eh ayoko, ayokong magkaroon ng utang sayo” nakangusong tanggi nya.

Libre yun okay” pilit ko pa.

Tsk ayoko parin

Okay” sagot sabay lakad palabas.

Uyyy” habol niya sakin. “sige sama nako, basta libre yan ah”

Yes naman hehehe” sagot ko kaya sabay na kaming naglakad.

Habang nasa elevator naririnig namin bulungan nung dalawang empleyado rin ng kompanya.

Uy bes, ang pogi ng CFO natin no?” tanong nung isa.

Oo nga eh, pero sayang may girlfriend na sya oh” sabi nung isa kaya napakunot yung noo ni sheryl at napangisi naman ako.

Hoy! Naririnig namin kayo!” sigaw ni Sheryl sa kanila.

Sorry po” sabay na usal nila habang napayuko pa.

Ayos lang, basta pag nagbulungan ulit kayo huwag nyo nalang ilakas” nakangiting sabi ko rin sa kanila.

hihihi okay po” napangiti naman sila.

*CFO or Chief Financial Officer
For larger publicly traded companies, the top accountant is usually the chief financial officer. The CFO is responsible for the overall financial function of a company, as well as any external reporting and regulatory requirements. *

Paglabas namin ng elevator dumeretso na agad kami sa Starbucks na malapit.

Ito oh coffee and bread” nakangiting abot ko sa kanya.

Thanks” nakangiti ring sagot nya. Kaya sabay na kaming kumain.

May boyfriend kana?” pagbabasag ko sa katahimikan.

Eh? Bakit mo natanong?” namumulang tanong niya.

Wala lang natanong ko lang

Wala pa eh

Eh? Sa ganda mong yan wala ka pang boyfriend?” Pambobola ko pa sa kanya.

Psh hindi ako maganda, pati gusto ko munang maiangat pa kaming family

Pwede mo namang gawin yun ng kasama ako ah” sagot ko.

Eh?”

A-ah I mean” diko matuloy sasabihin ko.
bugok ko!” bulong ko pa sa sarili ko.

Ikaw!” turo nya sakin. “May gusto ka ba sakin ha”

Yung totoo? Oo!” deretsong sagot ko kaya napanganga siya.

I'm In Love with my First Love's DaughterWhere stories live. Discover now