I am the great CFO

4 1 0
                                    

Sheryl’s POV

Sa totoo lang? Oo’
‘Sa totoo lang? Oo’
‘Sa totoo lang? Oo’

Nagpaulit ulit ang huling salitang binitawan na iyon ni Gerald. Kaya matapos ang gulat na pakiramdam, napalitan ito ng pagkakakunot ng noo ko.

Paano naman nangyari iyon? Eh dalawang beses palang tayong nagkikita?” Kunot noo talagang tanong ko, at napangiti naman sya.

Hey don’t get me wrong, gusto pa lang pero hindi pa kita mahal okay” sagot niya.

Anong ibig mong sabihin?” Pilit kong pinapahinahon ang sarili.

Cute ka kasi kaya like kita whahaha” natatawa pang sagot nya.

tsk! Ewan sayo!” sigaw ko sabay tayo.

Heh wag ka na magalit pasensya kana sa pagiging prangka ko” habol niya

Ikaw kasi, ang pangit ng trip mo, kakakilala palang natin may gusto ka na!”

hey iba nga kasi ang like sa love hahahaha” tawa nya pa. “maliban nalang kung magpapaligaw ka sakin” nakangising usal niya kaya napanganga ako.

Ha!” singhal ko nung makarecover ako. “No! Neverrrrr” sigaw ko saka nagpatuloy na sa opisina.

Pagdating sa opisina naging awkward sakin dahil bigla siyang naging pormal, naiilang tuloy akong magturo sa kanya.

Salamat sa ngayon araw Ms. Cuevas” pormal paring pasasalamat niya. “maaari ka ng umuwi” dagdag niya pa saka tinutok ulit ang paningin sa laptop niya.

Sige salamat” pormal ring sagot ko. Hindi na sya tumingin pa sakin kaya lumabas nako.

Ano biglang naging problema nun” bulong ko pa saka nagpatuloy na sa paguwi.

Pagdating sa bahay naabutan kong nanonood si mommy.

Oh anak ang aga mo?” bungad niya sakin, kaya humalik muna ako sa kanya bago sumagot.

Ganito po ang normal na uwi ko mom hehehe” nakangiting sagot ko saka dumeretso sa kwarto ko at nagpahinga.

Gerald’s POV

Napabuntong hininga ako ng lumabas na si Sheryl. Masyadong naging awkward ang natirang oras namin dahil sa nangyari kanina.

Bugok ka kasi Gerald! Tama nga naman siya kakikilala ninyi palang may gusto ka na! Tsk!” pakikipagusap ko sa sarili ang tinutoktok pa ang ulo.

Tsk! Bahala na magiging pormal nalang muna ako sa kanya hangga’t hindi ko nararamdamang hindi na sya galit sakin” bulong ko pa saka tumayi at umuwi.

Umuwi ako sa bahay namin. Pagkauwi ko nasa sala sila maine at anak nyang dalawa.

Uy si tito oh bless kayo sa kanya” utos ni Maine sa anak kaya kinunutan ko sya ng noo.

Wag na ganun mga pamangkin hug nyo nalang ako” sabi ko kaya sumunod sila. “Taas na muna ako, papahinga lang ako, pakigising ako pag nandyan na sila mom” sabi ko saka dumeretso sa taas at natulog.

Pagdating nila mommy ginising na nila ako at sabay sabay na kaming kumain.

Mom sa bahay ko sa Galaxy village ako matutulog ngayon ah”

Sige lang anak, magiingat ka ah”

Opo naman mom” nakangiting sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain.

Matapos namin kumain lumabas na ako at dumeretso na sa bahay ko. Pagdating doon nanood lang ako ng movie ko. Isa’t kalahating oras pa lamang ako nanonood ay bigla ng nagring ang phone ko.

Oh” sagot ko

Si Prof James ito” sagot ng nasa kabilang linya kaya nalaayos ako ng tayo.

Bakit po, ano pong balita?” interesadong tanong ko.

Wala parin hanggang ngayon si Prof Benedict, ayon sa kalkulasyon ko, maaaring kaparehas ng date ang tinakbo na oras ni Prof Benedict, taon lang ang naiba gaya ng sayo. Kaya maaaring bago ka mag isang taon sa mundong ito, darating si Prof Benedict para sa balita niya sayo” mahabang pormal na sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

Okay po maraming salamat” sagot ko saka binaba ang linya. “Ano kaya ang balitang iyon ni prof hayst” bulong ko sa sarili saka nagpatuloy sa panonood at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

Kinabukasan sa opisina, nagpatuloy lang ang pagiging pormal ko kay Sheryl. Kahit hindi ako sanay pinagpatuloy ko parin ang gusto ko.

Ms. Cuevas maaari mo bang ipakita sakin ang naging Financial statements ng nakaraang taon” pormal na utos ko.

Okay po”, at nagbrowse na sya sa laptop. “Ito” abo niya ng laptop sakin at pinagaralan ko iyon.

Maganda ang naging takbo ng pera ng nakaraang taon kaya dapat mas higitan ngayong taon iyon” usal ko. “Ipatawag mo ang mga manager at papuntahin sila ng meeting room, aabisuhan ko na rin ang CEO para sa nais kong maging plano” utos ko sa kanya at medyo nagulat pa sya pero sumunod din sya at lumabas. Paglabas niya pumunta naman ako sa room ng CEO.

Ganun ba De Guzman? Sige maganda yang plano mo, sana sumangayon sila sayo” sagot niya sakin.

Pagdating sa Meeting room unti unti naring nagdadatingan ang lahat ng managers. At nung dumating na ang lahat ay tumayo ako.

Magandang tanghali sa inyong lahat, ako nga pala si Gerald De Guzman, CFO ng kompanya” pormal na pagpapaliwanag ko. “Hindi nako magpapaligoy ligoy pa, dederetsuhin ko na ang gusto kong sabihin. Napansin kong maganda ang naging maganda ang naging takbo ng pera ng kompanya nung 2047, kaya gusto kong mas tumaas ang income ngayong taon” paliwanag ko kaya maraming nag bulungan.

Mr. De Guzman, kung ganoon naman pala ay wala tayong problema, bakit kailangan pa nating higitan ang kita nung nakaraang taon?” tanong sakin nung isang lalaki na mukhang Financial Manager kung titignan.

Ganun na nga, kaya gusto kong pataasin pa ay dahil, nakakababa ng pride natin kung mas magaling pa ang team nung nakaraang taon, lalo na ako, CFO ninyo ako at bago lang ako ngayong taon. Kaya nakakahiya sakin kung ngayong taon mas mababa ang kita kesa nakaraang taon” mahabang paliwanag ko kaya maraming sumangayok sakin.

Kung gayon ano ang plano mo?” tanong pa ng isa sa mukhang personnel manager.

Nais kong taasan ang Kota natin, at kayong mga marketing managers naman ang bahala sa pagpapaganda pa ng services natin at innovations ng products” paliwanag ko at nagsipagsangayunan pa sila. Marami pa akong sinabi at sumang-ayon naman silang lahat sa gusto kong mangyari.

Galing niya talaga no at ang gwapo pa”

Oo nga besh, sana ako nalang naging secretary niya whaaaa”

Rinig ko pang bulungan ng mga babae kaya nginitian ko sila at dumeretso na sa opisina ko.

I'm In Love with my First Love's DaughterWhere stories live. Discover now