Gerald's POV
Pagtapos naming nagpaalam akong pupunta sa pinagtatrabahuhan ko dati.
“Hindi mo na ba hihintayin sila mommy, kuya?” Tanong ni Maine.
“Hehehe, sasabay ako sa inyo mamaya miss, ay este Maine ng dinner mamaya pagkagaling ko sa work ko dati” nakangitng sagot ko sa kanya.
“Sige kuya, ingat ka”
“Sige salamat” paalam ko pa saka lumabas at sumakay sa kotse.
Pagdating ko sa Kompanya nanibago ako ng sobra, “Ang laki na nito, ang dami talagang nagbago” kamot ulong usal ko sa sarili bago pumasok.
“Boss, san daan papunta sa office ng Manager nyo?” Tanong ko sa isang lalaki doon.
“Sa fifth floor po, pinakadulong kwarto” nakangiting sagot niya sakin.
“Ahh sige salamat” nakangiti ring sagot ko saka pumunta sa elevator.
Bago pa magsara ang pinto ng elevator may humabol na isang babae, may kasingkitan sya at may pagka morena, ‘ang ganda niya HAHAHA’ usal ko sa isip ko. Sabay kaming pumindot sa mga boton kaya napatingin siya sakin.
“Ako na hehehe, anong floor sayo?” biglang tanong ko.
“Fifth floor ako” pabalang na sagot niya, kaya medyo napangiti ako. “bakit ka nakangiti?” kunot noong tanong niya.
“Wala wala may naalala lang” iling iling na napapaatras pang sagot ko, saka pumindot sa 5.Pagdating namin sa floor, magkasabay lang kaming naglakad. Napansin ko siyang parang naging balisa habang nakatingin lang sa mga hawak niyang folder. Tatanungin ko na sana siya kaso bigla siyang huminto sa tapat ng isang kwarto. Pinanood ko pa siyang huminga ng malalim saka kumatok dun sa kwartong hinintuan niya.
“Sino yan?” rinig kong tanong ng babae mula sa loob.
“Ako po yung tinawagan for interview” sagot niya
“Sige pasok” bumuntong hininga pa ulit siya saka pumasok.
Pagpasok niya dumeretso na rin ako sa office ng manager saka kumatok.
“Sino yan?” tanong niya
“Gerald De Guzman po dating tauhan”
“Sige pasok ka”
Pagpasok ko medyo nagulat ako kasi iba na ang manager ng kompanya ‘tsk oo nga pala 20 years na ang nakalipas’ sabi ko pa sa isip ko
“Have a seat” turo niya sa upuan tapat ng table niya. “Anong maipaglilingkod ko?” tanong niya pag upo ko.
“Just what I said earlier dati po akong tauhan, nais ko pong bumalik sa trabaho” dere-deretsong usal ko kaya napakunot ang noo niya.
“Paano naman kita maibabalik sa trabaho, e hindi nga kita kilala” sagot niya kaya medyo kumulo ang ulo ko.
Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita. “Nasan si Manager Cruz?” pormal na tanong ko.
“HAHAHA” malakas na tawa niya kaya napakunot lalo ang noo ko. “CEO na ng kompanya si Sir Bernard Cruz, 15 years na HAHAHA, gaano katagal ka na bang nawala dito?” natatawa paring tanong niya.
“Saan ang office niya?” tanong ko sa kanya ng hindi sinasagot ang tanong niya.
“Ang yabang mo magsalita ah!” sigaw niya. “tsk” singhal niya pa saka kinuha ang phone. “Boss, may naghahanap sayo gusto daw bumalik sa trabaho… manager pa nga ang tawag sayo eh HAHAHAHA… Ger” tinakpan niya ang telepono saka nakangising humarap sakin. “Ano nga ulit pangalan mo?”
“Gerald De Guzman” taas noong sagot ko.
“Gerald De Guzman daw boss…opo yun daw pangalan niya eh… sige po sasabihin ko po... sige boss” saka binaba ang telepono. “sa last floor dulong kwarto ang office ni boss, pumunta ka daw?” walang ganang usal niya.
“Sige salamat ‘manager’” may diing banggit ko pa sa dulo bago ako lumabas.Pag labas ko ng opisina niya, sakto naman labas nung babaeng nakasabay ko. Ngayon mapapansin mo na sa kanya saya, mukhang pumasa sya sa interview.
“Congrats” bati ko.
“Eh?” takong lingon nya sakin
“Mukhang masaya ka, kaya congrats HAHA” nakangiting sagot ko.
“Hehehe salamat” sagot niya saka tumalikod at naglakad.
“Loko yun ah mataray pa rin kahit pumasa na sa interview niya” bulong ko sa sarili saka sumunod.
Susundan ko pa sana siya kaso nakasakay na siya ng elevator pababa, kaya wala akong choice kundi sumakay sa elevator na paakyat. Pagdating ko sa last floor inayos ko pa muna yung suot ko bago kumatok sa opisina.
“Sino yan?” tanong ng mukhang mantanda na lalaki mula sa loob.
“Ako po ito si Gerald De Guzman” sagot ko.
“Pasok ka pasok!” Sigaw niya mula sa loob. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang isang lalaki na parang mga 50 na ang tanda. “De Guzman ikaw na ba iyan?” tanong niya pagpasok kaya nagtaka ako.
“O-opo sir” sagot ko.
“Ako ito si Manager Cruz mo dati, CEO nako ngayon” nakangiting pagpapakilala niya na nakaturo pa ang dalawa niyang kamay sa dibdib niya.
“Ang tanda mo na HAHAHA” biglang tawa ko sa kanya.
“tsk!” singhal niya. “Palibhasa nag time travel ka, ipinagyayabang mo na ang itsura mo” nakangusong usal niya.
“Hahaha biro lang eh, balak kong bumalik, pwede pa ba?” tanong ko at umupo sa table niya.
“Oo naman kaibigan, life-long contract pinirmahan mo eh” nakangiting sagot niya, kaya nagliwanag ang mata ko. “Kailan mo balak mag simula?” tanong niya agad na nagliliwanag din ang mata. “alam mong isa ka sa dahilan ng success nitong kompanya kaya welcome na welcome ka” dagdag niya pa.
“Hehehe, balak ko sana bukas” sagot ko.
“Sige sige start kana ulit, sa kanan sa tabi nitong office ko ang magiging opisina mo” sagot niya kaya napangiti ako.
“Ang lakas ko talaga sayo brother” nakangiting sagot ko saka niyakap siya.
“Oy Oy Oy, sa trabaho boss mo ako, kaya ituring mo akong mataas na mataas, dati hinahayaan kitang loko lokohin ako nung manager palang ako, ngayon bawal na ang ganun” sabi niya nung kumawala sya sa pagkakayakap ko.
“HAHAHA oo naman, namiss ko lang yakapin ka hahaha” usal ko. “sige uwi nako bukas nalang” paalam ko pa sa kanya.
“Hahaha sige kaibigan mag-iingat ka” sagot niya saka ko sya tinalikuran at lumabas sa opisina niya.
Pag labas ko ng opisina naginat pa muna ako bago dumeretso sa kotse ko.
‘Mamimili na muna ako sa mall ng mga damit, masyado nang luma mga damit ko’ usal ko sa isip ko saka dumaan ng mall. Pagkagaling ng mall, umuwi na muna ako sa bahay ko saka nag pahinga.
YOU ARE READING
I'm In Love with my First Love's Daughter
Short StoryThis Story is When Gerald De Guzman us a time machine invented by Prof. Benedict. He traveled 20 years and He meet a girl named Sheryl Cuevas. #Fiction #TimeTravel