CHAPTER TWENTY - SEVEN

1.2K 37 4
                                    


| ANGELE'S UNIVERSITY |

KENDRA POV:

Kasama ko na si Luxxe sa sasakyan at malapit na kami sa school, simula nong nangyari nong nakaraang gabi ibang iba na ang kinikilos niya ngayon, parang bigla bigla nalang siyang nagiging sweet sakin, I mean super sweet at possessive sakin ayaw na ayaw niya akong papahawakin ng cellphone ...

Even my friends nagtataka na dahil hindi ko daw sila sinasagot, minsan ang sumasagot si Luxxe, hindi ko na Alam kong anong nangyari sa kanya,?

At minsan din nahuhuli ko siyang may kausap sa cellphone pero ang sabi niya si secretary El Nido daw iyon dahil malapit na siyang hihirangin bilang taga-pagmana ng 'Sanford Royalty'

"We're here, syanga pala Kendra mamaya baka hindi tayo magkasabay pag uwi dahil pinapunta ako ni Daddy sa palasyo tatawagan ko nalang si manong Jo para ihatid ka hah?."

"Sige." sagot ko at bago pa kami lumabas sa sasakyan,

Paglabas naming dalawa naging normal na ang lahat wala na akong masyadong naririnig na chismis o kahit ano, hindi ko narin nakikita si Nathalie it's been 5 months na simula nong ikinasal kami ni Luxxe at marami narin ang nangyayari ...

Inihatid niya ako sa room ko, at nakakapanibago lang dahil hindi man lang niya ako kiniss sa pisngi ko, nagpaalam lang siya at umalis agad matagal pa ako sa labas Ng room bago pa ako pumasok at nakita ko naman sina Shemie, Bea at Leah ...

Umupo na ako sa tabi ni Shemie at agad naman nila akong nilapitan,

"Okay ka Lang ba Kendra? bakit ang tamlay mo?." si Leah

"Okay naman ako.." sagot ko

"Atsaka bakit si Luxxe Ang may hawak sa phone mo? pinagbabawalan kana niya mag selpon?." si Bea nanaman

"Oo nga Kendra bakit siya Ang may hawak?." dagdag na tanong ni Leah

"Ewan ko sa kanya, Basta ang sabi niya ayaw niya Lang na may kontak ako kay Kenneth .."

"Eh gago pala siya eh! bat selos na selos siya Kay Kenneth? eh siya nanga ang pinakasalan mo, atsaka isa pa kaibigan naman ang turing ni Kenneth sayo ah." dagdag pang sabi ni Shemie

"Kaya nga ayaw niya kaming may kontak kasi nakita niya kami nong nakaraang gabi ni Kenneth na nag uusap sa mismong birthday party ng grandma niya..."

Ayoko sanang ipaalam sa kanila Ang nangyari pero kasi kaibigan ko sila, gusto kong malaman nila ang totoo kung bakit ganun nalang si Luxxe na nagseselos kay Kenneth dahil ayokong jina-judgemental nila si Luxxe

"Ano??? bakit naman kayo nag uusap nang kayo kayo lang?." si Shemie

"May sinabi kasi sakin si Kenneth..." sabi ko

Mas lalo silang nacu-curios at lumapit pa sila sakin para marinig nila ang kasunod Kong sasabihin

"Sinabing ano..?." si Bea

"Na gusto niya ako." dugtong sabi at nanlaki ang mga mata nila

"WHAAATTTTT??????!!!!." Sabay sabay pa nilang tanong sakin

Ang ingay ha! naririnig tuloy sila ng mga kaklase namin, nakita namin ang mga mukha ng mga kaklase namin at seryosong seryoso silang nakatingin saming apat

"Ahhhh.... Wala yon, sige balik na kayo sa mga ginagawa ninyo." sabi ni Leah at agad naman silang bumalik sa mga ginagawa nila,

"ommmooo!!! really???? kyaahhhh.." si Bea aba! kinikilig pa talaga ang babaeng to?!

"Oh my gosh Kendra hah, ang ga-gwapo ng mga prince charming mo,.." si Leah

"Talaga??! sinabi niya yon sayo? na gusto ka niya??."

Marrying the BILLIONERS SON [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon