CHAPTER SIX: Mixed Emotions

44 27 16
                                    

Heart's POV

"luto na ba yan???" pangungulit ni Pressy. Kanina pa to tanong nang tanong. Hindi naman tumutulong.

Nag luluto kasi ako ng adobong chicken.

"hindi pa masyadong luto yung manok. "

"ang tagal!" reklamo pa niya. Aba! E kung kutusan ko to?

Gulat kayo no? Okay na si Pressy after that iyakan last night.

Alam ko namang iniisip niya ang daddy niya hanggang ngayon. Sino ba naman ang hindi mag aalala di ba? Nakatanggap naman siya ng balita kanikanina lang na stable naman na raw ito pero under observation at wala paring malay. Gumaan naman ang loob ni Pressy nung malaman iyon pero... Matutuloy ang alis niya sa isang araw.

Nag peprapare kami or should I say AKO ng early dinner dahil 3pm na kami nagising kanina at ngayon mag aalas kwarto na. Mga 4:30 siguro makaka kain na kami.

"patikim ngaaaa" epal nanaman nitong babaeng to. Hay nako.

"oh sige. Ikaw na humawak ng sandok. Ikaw na rin maglagay ng patatas maya maya." inabot ko ang sandok pero hindi niya inabot.

Tsss. Katamaran 101.10

Um-exit pa ang loko at nanood ng TV.

"Good afternoon bayan! Na aalala pa ba ninyo ang sikat na sikat na artista at singer na si Ameera Diaz? "

Naririnig ko ang sinasabi sa TV...
Habang nilalagay ko ang mga patatas ay nakinig lang ako sa kasunod na sasabihin ng announcer.

"Yes... Si Ameera Diaz na napangasawa naman ng isa rin actor na si Robert Alcaraz ay nag babalik na sa Pilipinas kasama ang kanilang unica hija na si Dominque! You heard it right!"

"ouch!!" mahinang sigaw ko ng mapaso ako dahil nakalimutan kong nagluluto nga pala ako.

"okay ka lang diyan?!" tanong ni Pressy and I said I am fine. Tuloy lang siya sa panonood. Ako naman ay tuloy lang sa ginagawa ko.

"matatandaang nanirahan silang pamilya sa America for 16 years at ngayon nga ay nagulat ang lahat dahil gumawa nga umano sila ng statement na dito na maninirahan sa Pinas for good!"

Mabilis kong pinatay ang kalan at agad nag kulong sa cr.

"oy te. Kakain na ba tayo?"
Napansin na ni Pressy na mahigit 10 minutes na ako sa cr.

Di ako mapakali. Bakit nandito ang pamilyang yun? Nababaliw ba sila?

"te? Magsasandok na ako ah! Ano bang trip mo diyan?? May lbm ka ba? Sa pagkakaalam ko di pa tayo kumakain bakit ka natae bigla?"

Uuurgh. Sarap kutusan!

"Ano ba!" sigaw ko. Kung anu anong sinasabi.

"e lumabas ka na nga kasi diyan para maka kain na tayo. Mamamasyal pa tayo oh!"

Oo nga pala. Plano naming pumunta sa SM North mamayang gabi. Wala lang. Namiss lang naming mamasyal. So napilitan na akong lumabas.

"haaaay salamat!" ani Pressy

Mang aasar pa eh.

Kailangan na naming mag bonding hanggang bukas dahil maaga ang flight niya sa isang araw. Bigla na naman akong na lungkot dahil na alala kong soon, aalis na siya. Wala na akong kasakasama.

"ooh. Naka hain na po akooo. Baka naman? Baka naman pwede ka ng umupo ng maka kain na po tayo? Kasi po di pa tayo kumakain simula kaninaaaaaaaaa" ang ingaaaaay.

"ito na ito naaaaa" ginaya ko ang malakas at malaking boses nito. Hay. Mamimiss ko tong bruhang to.

Na upo na nga ako at nag simula na kaming kumain.

The Back Up SingerWhere stories live. Discover now