CHAPTER FIVE: My Best Friend is Leaving

60 35 10
                                    

Heart's POV

"HEAAAAAAART!"
dinig kong sigaw ni Pressy na nasa sala. Nasa kama lang ako at naka higa. Hindi parin ako maka get over sa nangyari kahapon.

"heart! Ano ba!" sigaw parin ni Press na lumalapit sa akin.

"what now?" walang gana kong tanong.

Umupo siya sa paanan ko.
Ako naman umayos ng higa para makita siya.

"I think we're doomed. " mahinang sabi niya. Ano nanamang problema nito? Kitang nag eemote parin ako hanggang ngayon. Buti nalang sa isang araw pa ang next guesting ni Jessica kaya naman makakapag pahinga kaming lahat ngayon.

"Just spill it. Wala ako sa mood makipag hulaan sayo."
Sabi ki while rubbing my eyes. Pagod na kakaiyak at sobrang antok ako pero hindi ako makatulog.

"look at this.." sabay abot ng phone niya.

Tamad kong inabot yun at tinignan kung ano man iyon.

May isang blogger ang nag post ng picture ko at picture ni Jessica na suot suot ang paldang iyon.

Ano baaaaaaaa! Tantanan ninyo akooooooo! Para sa paladang iyon nagkakagulo sila? At talagang may issue sila doon? Kung sila kaya ang walang ma isuot that time?

Binalik ko yung phone ng hindi umiimik. Hindi ako nagpakita ng ano mang reaction. Wala akong lakas at ayaw kong mag mukhang kawawa sa harap ng bruhang ito. Alam kong ma aawa lang siya at baka siya pa tong humagulgol.

Humiga ulit ako. Sinaksak ang earphones sa tenga at tinakpan ang mukha ko ng unan.

Naramdaman ko namang tumayo na si Pressy sa pagkakaupo sa kama ko. Hay.

- - - - -

Nagising ako ng madaling araw. Nakatulog ako ng dirediretso kanina. Paano ba naman, simula nung incident na palda chuchu ay hindi na ako makausap at tulala ako. I hate attentions... Bumangon na ako to check if there's food and guess what? WALA. Anong kinain nitong si... Pag tingin ko sa kama niya, wala siya. Nasaan na yung babaeng yun? Lumabas ba kasi naming mag usap kanina? So hindi siya nag dinner dito? Kaya naman pala dirediretso ang tulog ko kasi walang kumilos dito. At nasaan kaya yun ngayon? Nag alala naman ako bigla at baka kung napaano na iyon..

I called her.. Sht naka off ang phone niya. Where did she go? And why didnt she tell me kung saan siya pupunta? Anak ng.....

Nag hilamos ako para tuluyang magising. I turned off the aircon kasi feeling ko magkakasipon ako. Uminom ako ng tubig at dali daling nag bihis. I have ti find that woman. Pakiramdam ko pa naman magkakasakit ako tapos umalis pa siya ng walang paalam.

I am ready to leave and it is 3:41 in the morning. Great. Gagala ako ng ganitong oras tapos walang kasiguraduhan kung mahahanap ko siya.

Papunta na ako sa kotse ko at habang naglalakad ay nagiisip ako kung saan ako unang pupunta para hanapin siya.

Hindi naman pala party yun para makita ko sa bars kaya,no, wala sa bar yun....

Hmm? E sa mall kaya? Wala namang bukas na mall ng ganitong oras...

E sa 7/11? Okay, pwede pwede..

Binilisan ko ang pag pasok sa kotse at dali daling nag drive papunta sa 7/11 na malapit.

10 minutes of driving at nakarating na din ako. Hindi ako bumaba. Sinilip ko lang ang loob pero wala siya. Damn it! Where is she hiding!?

Sinubukan ko uli na contactin siya pero naka off parin. Lagot yun sakin pag nakita ko.

What if nasa church? Ahm. I dont think so. Di naman pala simba yun tska baka masunog yun dun.

Hindi na tuloy ako mapakali. Nakakairita ah! Bumaba muna ako para bumili ng gamot at para bumili na rin ng kahit siopao lang.

The Back Up SingerWhere stories live. Discover now