CHAPTER FIFTHTEEN: UNUSUAL THOUGHTS

31 15 2
                                    

HEART'S POV

Pa ikot ikot ako sa kama ko. Napaka lakas ng ulan. Kaka land fall lang kasi ng bagyong Andoy.

I checked my phone and learned that it's already 2 am. Kanina pa ako nagmamaka awa sa sarili ko. Hindi talaga ako maka tulog! Hindi naman ako nag kape ah. Tsss.

Bumangon ako to drink some water. While walking, na tapilok ako.

"what the?!" bakit ba parang wala akong lakas e maghapon lang naman akong nandito sa condo at walang ginawa.

Wooh. Nakakarefresh uminom ng tubig. Kahit kasi bumabagyo medyo naiinitan parin ako. Ganito talaga pag malaki ang katawan eh. Parang may suot kang makapal na jacket. Hehe.

Imbis na mahiga ay mas pinili ko nalang ma upo muna sa may tabi ng bintana. Hinawi ko ang kurtina para makita kung anong ganap sa labas. Malamang wala naman akong makikita at puro ulan lang din.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana saka ko nakita ang headphone ko na nakasabit sa tabi ng kama ko. Makapag soundtrip nga.

Tumayo ako saglit to get it. Nice, I want to listen to some music while watching how the rain pours.

I played the song 'Isa Pang Araw' by Sarah G. Gustong gusto ko itong kantang ito eh.

Akala ko hindi na darating ang panahon..
Na liliwanag ang daang nasisilayan ko.
Sa libo libong taong nangangarap, binigyan mo ako ng pagkakataon.
Kung mababago ang landas na tatahakin ko, ikaw parin ang hahanapin ng puso ko. Sa bawat sandaling kasama kita nilagyan mo ng buhay ang ako mundo.

Ipinikit ko ang mata ko ng umabot na sa chorus ang kanta.

Dumadaan ang araw... Di mo namalayan naubusan ka ng oras. Pwede bang humiling isa pang araw na ikaw lang ang kasama. Kulang na kulang ang panahon. Di sapat ang meron tayo ngayon. Pwede bang, humiling isa pang araw?

Napadilat ako agad dahil sa imaheng nakita ko habang kinakanta ang chorus ng kanta sa isip ko.

Pinatay ko ang kanta.

Oh my God. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Bakit ganito? Bakit parang iba tong nararamdaman ko?

"No" sambit ko habang umiiling.
Na awa lang ako sa tao nung nakita ko siyang umiiyak. I've never seen a man crying before. In person of course. As in!

No no no no... Oo gwapo siya. Pero di ko siya type. HINDI TALAGA!

"uuurgh" napapikit ang dahil mukha akong tanga sa iniisip ko. Indenial ba ako? Hindi naman di ba? Totoong hindi ko naman siya gusto eh.

Unang una, he's rude. Second, akala mo kung sinong makapag sabing 'move' nung nasa tapat ko siya sa hallway. Duh?! Like, pwede niya namang sabihing, 'excuse me... Pwedeng pa daan?' di ba?! Is it hard to be nice? Not because I look odd and ugly, ganun na sila ano!

"No,Heart. Kung magkakagusto ka man, dun sa mabait at ka level mo. Simple, normal lang ang itsura, at matatanggap ka. " sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa reflection ko sa bintana.

-----------------
Kinabukasan.......

Nagising ako ng 8am. Ma aga na yun kasi nga anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw.

Umuulan parin. Grabe! Baka naman baha na sa labas? Gusto ko pa namang ma masyal sa tabi tabi. Kulang na ako sa vitamin D. Ang putla putla ko na kaya. Hayss.

Makapag timpla na nga muna ng kape.

While stirring my coffee, nag vibrate ang phone ko. Then I saw a message from boss Joe.

I opened it.

Message: Good day,Heart. Please check the song I emailed awhile ago. Hindi pa raw tapos yun according to sir Louie. He asked if you could add or suggest ng idudugtong sa song. Bale bridge nalang naman ang kulang eh.

Eh? Tsss.

Napasimangot ako ng bahagya pero okay na rin naman to. Para may magawa ako sa buhay.

I will just finish my coffee then magluluto na ako ng kakainin ko. For now, mag fe facebook muna ako. Hehe


Luto na ang fried rice and beef tapa. Yum! Kakain na ako. Yey. HAHAHAHAHA

While eating naisip ko kung bakit naman nagpatulong bigla si sir Louie. Actually twice ko palang siya na meet. It was the day I was hired for the job and the first day na mag record kami ng song ni Jessica.

He told me before that he likes me. As a singer,syempre. Sinabi din niyang nakikitaan niya ako ng potential sa pag sulat ng kanta dahil madali kong na interpret ang kantang sinulat niya. Para sakanya raw, hindi ka lang basta basta dapat kumanta ng isang kanta, dapat daw ay maramdaman ng nakikinig sayo na totoo ang sinasabi ng lyrics ng kanta.

Kapag malungkot ang kanta, dapat mararamdaman ng nakikinig na malungkot ang singer. Ganun din kung masaya, kinikilig at nagagalit.

Hmmm? Napangiti tuloy ako dahil sa usapan namin noon. Excited tuloy akong dugtungan ang kanta. Hehehehe it's my time to shine. Char. Di ko naman kailangan ng fame dito ano. Gusto ko lang namang i try. Hehehe

____________________________________________________________________________

The Back Up SingerWhere stories live. Discover now