The author dedicates this chapter to its_jassy123
HEART'S POV
Naririnig ko ang mahinang ulan sa labas. Grabe. Hindi parin pala tumitila ang ulan?
Ang sarap tuloy mag kumot. Hehehe. Naka baluktot ako ngayon habang yakap yakap ang malaki at malambot kong una.
Uhm. Amoy tuyo at sweet and spicy pancit canton. Ang sarap naman ng nasa panaginip koooo. Gusto ko na tuloy kuma---.
Napa dilat ako saka suminghot. Wait lang, gising ako pero bakit parang totoong na aamoy ko yung nasa panaginip ko.
Ah, siguro luto lang ng kapit bahay. Huh? Paano ko ma aamoy yung luto sa kabilang unit e hindi naman open ang kahit ano dito sa condo.
Napa bangon tuloy ako agad saka kinamot ang mata.
"Oh. Gising ka na pala." Who the he--
Gosh, oo nga pala. I let someone sleep here last night."Arfff arrfff!" nagulat ako ng lumundag si Covey sa kama ko. Shockssss! Dinilaan ang mukha ko kaya napa higa ako. Nakakakiliti. Di ko napigilan ang mag giggle.
"Don't worry pinaluguan ko siya kanina kaya mabango yan. Hehe" sabi naman ni Syd na nasa kusina. Siya pala yung nag luluto. Malamang alangang yung aso? Toinks.
Binuhat ko si Covey para maka bangon at maka tayo na ako. Bumaba rin naman ito saka nahiga sa lapag. Good boy. Hehe
Niligpit ko ang higaan ko. Hmmm? Tama nga ba ang nakita ko kanina? Nag luluto si Syd sa kusina ko? Nilingon ko siya pagktapos kong tupiin ang kumot ko. Aba. Totoo nga. Amoy na amoy ko na pa rin ang tuyo at ang canton. Yum! Suka nalang ang kulang atsaka kape ay solve na solve na.
"Kain na tayo. Huwag kang mahiya. " ano raw? Ako, mahihiya na kumain? DITO SA SARILI KONG TERITORYO? NAHIHIBANG KA GORL?! Uminit tuloy ang tenga ko.
Mag sasalita sana ako kaso naunahan nanaman niya ako.
"Pasensya na at pinakialaman ko ang mga gamit mo dito ha? Gusto ko lang makabawi sa luti po kagabi and for letting me and my dog stay for the night. " Hmm. Buti nalang at medyo ma ayos ang pananalita niya ngayon compared kagabi na parang trying maging mabait sa akin.
Lumapit nalang ako at saka tinignan ang mga niluto niya. Nag sangag din pala siya with hotdogs. Nice, mukha namang masarap kaya na upo na ako.
"Coffee?" alok pa niya. Um-oo naman ako saka niya ako inabutan ng isang cup ng coffee. Aba, bumabawi nga siya. Nakakapanibago ah. Di naman ako sanay sa ganito pero parang feel na feel ko. Hehehe
"Ma upo ka na rin at ng maka kain na tayo. May lakad kasi ako ngayon." sabi ko habang nag kumukuha ng sinangag.
"San lakad mo? Balita ko baha sa buong manila at metro manila. " napatingin ako sakanya.
"H-huh?" ano ba yan? Oo nga pala napaka lakas ng ulan kagabi plus until now umuulan! Hmm. Paano na to. Kailangan kong makuha yung iba kong folders sa office namin.
"San ba ang lakad mo?" chismoso. Tss.
Di ko sinagot at kumain nalang ako."Mag kikita ba kayo ni Jess?" yan nanaman siya sa pag bibring up sa Jessica na yun! I called her last night nung tulog na si Syd and asked why she called and as usual, galit na galit dahil daw binabaan ko siya nung tumawag siya. Kung alam lang niyang ang 'kaibigan daw' niyang si Syd ang gumawa nun! She told me ti get the folders in the office kasi may kailangan raw akong aralin. E bakit naman kasi di nila minsanan ibigay yung mga kailangan ko. Nakakainis naman!
"Huyy. Ma awa ka sa ulo ng tuyo. Huwag mo namang durugin." napatingin naman ako sa ginawa ko sa ulo ng tuyo. Di ko namalayang durog na nga. Kasi naman eh. Na alala ko kung paano ako bwisitin at utusan ni Jessica kagabi. That witch!
Pagkatapos naming mag umagahan ay naligo ako. Pag labas ko ng banyo ay nakita ko namang nanonood ng TV ang magaling na si Syd. Ayos to. Wala bang balak lumayas to dito?
"Hoy. Wala ka bang balak umalis?" tanong ko habang pinupunasan ang buhok ko.
"Maka hoy naman to. Pwede ba tawagin mo naman ako sa pangalan ko." duh? Bakit ba? Mas gusto kong 'hoy' lang e. Tska di pa kami close ano.
"Sabi ko naman sayong bahay di ba? Paano kami makaka uwi? Di ba baby boy?" himas pa niya sa aso niya na kandong kandong niya. Hay nako. Alangang hanggang gabi nanaman siya dito? Huwag naman!
Na alala ko si Pressy na ang tagal ng walang paradamdam. Ano na kayang nangyari doon?
Makapag walis nga muna. Nakakahiya naman sa bwisita ko kung madumi dito. Tss.
----------
RAEL'S POV
It's 8 in the morning and still,umuulan parin. Gusto ko pa namang mag jog kahit for 30 minutes lang.
Kaya nandito ako ngayon sa terrace para mag push up kahit 100 times lang.
Narinig ko namang bumukas ang TV and there I saw ng brother na seryosong nanunuod ng basketball. As usual, parang laging galit ang itsura niya. He's Arzon by the way. My older brother. He's just one year older kaya naman di ko siya tinatawag na kuya. I just call him 'R R (ar ar)' hahaha. Nakakatawa di ba? Ang tawag naman niya sakin kapag tinatawag ko siyang ganon ay 'RaRa' o di ba? Parang pinag baliktad lang ang mga nicknames namin. Hahaha.
"yow!" sigaw ko pero di ako nilingon. Snob talaga. Kaya walang naging girlfriend kahit kailangan. Wew. Kung ano broken hearted, siya, heartless. Ilang beses na siyang nambusted ng mga babaeng nagkakandarapa sakanya eh.
wooo! Batapos din ako sa 100 push ups ko. Konting pawis palang ang nailabas ko sa lagay na yun.
Nag lakad ako papuntang sa tapat ng ref para kumuha ng malamig na tubig.
"Hey, RR. Want some water? I thini you need some cuz you look so stressed right now. Ay. Natural nga pala sayo." pang aasar ko
"Shut up Rara." naiinis niyang sabi. Pikon talaga to. Ganyan ba pag never na in love? Laging galit?
Lumapit naman ako saka siya tinabihan. Nakinood nalang ako para hindi ako ma bored.
Meanwhile, umakyat na ako sa taas para makaligo. Mostly ng pang bahay ko ay sando lang at kokonti ang mga tshirt ko. Hilig ko kasi ang sando dahil mainit sa Pilipinas pero ngayon ay medyo nilalamig ako kaya pumunta ako sa kabilang kwarto na kwarto si Arzon.
"Yown" sabi ko ng makita ko ang mga damit niya. Mas organized kasi siya kaya madaling maka hanap ng mga gusto mong hanahin. Favorite niya ang colors white, black at blue na tshirt. Kahit pa magkakamukha ay alam kong kabisado niya isa isa. Para siyang babae sa lagay na to pero astig rin naman kung tutuusin kasi pogi points to sa mga babae. Hahahahaha.
Kumuha ako ng isang white tshirt. Saktong sakto lang sa akin kasi magkasing katawan naman kami. Medyo mas matangkad kang ako sakanya. Minsan nga lalo nung mga bata kami ay napagkakamalan kaming kambal dahil magka mukha kaming dalawa. Mas seryoso lang talaga siya.
Pababa na ako ulit para makinood sakanya. Aba. Kania basketball ngayon namang nanonood ng netflix! Gusto ko yan. Wahahahaah
Napatingin naman siya sa akin pagka upo ko sa tabi niya. Kinindatan ko siya pero tinignan lang niya ako at ang suot ko.
Patay. Hahahahaha
Lagi akong nanghihiram sakanya ng damit at sa totoo lang ay di ko na rin naman binabalik. Hahahaha"Bakit ba nanguha ka nanaman ng damit?" seryosong tanong niya. Di manlang ako ngitian. Ke aga aga ganyan siya.
"E kasi wala akong maisuot. " umiling lang siya saka tumingin sa TV. Hay akala ko sasapakin na ako kanina nito.
"Make sure to return that. Bilang ko ang shirts ko. Nakakais nga dahil nawawala ang isa kong tshirt. Tsk" mahina niyang sabi pero dinig ko parin. Nakakatawa talaga ang kapatid kong to. Parang babae. Tsssk. Maka nood na nga rin.
To be continued..........
YOU ARE READING
The Back Up Singer
Fiksi PenggemarThis story is about Heart and a secret. A secret being kept since she was born.