HEART'S POV
It's been days since Pressy left. Ang laking adjustment para sa akin.
No hangouts, walang bungangera, tahimik ang buhay ko, walang ng aasar at higit sa lahat, wala na akong kasama.
I checked my phone if there are calls or texts pero wala. Okay. Great. Alone and lonely.
I only have 2 days left bago ako mag balik sa dating gawi.
This day should be productive.. Tama! Tumayo na ako at inayos ang kama ko. So anong gagawin ko? Aha! Makapag order nga ng pizza.
"Good idea,self" puri ko sa sarili ko. HAHAHAHA.
Kakatapos ko lang maligo then dumating na nga ang inorder ko sa Yellowcab. Ayos, gutom na gutom na ako. Brunch ko na to kasi 11am na.
Should I watch kdrama? Pwede pwede... So yeah, kinuha ko yung laptop ko and turned it on. Inawan ko saglit habang hindi pa naka set ng maayos para kumuha ng orange juice. Grabe, matagal tagal ko ring hindi to nagawa ah, to eat and watch kdramas.
Namili na nga ako ng papanoorin and my options are: Legend of the Blue Sea, Who are you, Are you Human Too?, Hotel del Luna or Encounter
ilang minutes din akong nag decide and finally nakapili na ako, I'll watch Hotel del Luna. Hehe
.
.
.
.
.
.
Mag gagabi na kaya naman itinigil ko na ang panonood. Grabe. Ang galing talaga ng bidang babae dun! Medyo kamukha ko nga siya eh. Payat nga lang siya. HeheheGabi nanaman. Grabe, ang bilis ng oras. Dahil advance ako mag isip, magpaplano na ako kung anong gagawin ko bukas.
Napansin ko na makalat ang condo, hindi naman dugyot pero alam mo yung parang may hanging habagat na dumaan for 30 seconds.
So tomorrow morning, magliligpit ako dito at mag lilinis. Mag lalaba na rin ako after then I will do the groceries and konting pasyal sa mall.
All right! All set for tomorrow's chemerutsness.
Ngayon naman, kakain nanaman ako for dinner para maagang makatulog. I need energy for tomorrow.
At 8:30 tapos na akong kumain at mag hugas ng mga pinagkainan.
Time to do my simple night skin care routine which is ang pag hilamos. Yun na yun. Hahahaha. Dugyot na ba ako nun? Sorry naman, e sa wala akong arte sa life eh. Para saan di ba? No one lang naman ako, mapapansin lang din naman ng mga tao ang mga imperfections ko so what's the sense kung mag aayos ako.
Anyways, gora na nga ako sa banyo...
Aaaaand I'm done. Ready to sleep. Night seeeeelf.
Zzzzzzzzzzzzzzzzz- - - - - - -
I woke up at 5:30.
"soooo early" kamot ko sa ulo ko. Para namang may gumising sakin.
Well meron nga. Itong ihi ko na atat lumabas. Nakakainis! Nag alarm ako ng 7 eh tapos ngayon... Hmmp. Maka ihi na nga lang.
Nag kakape ako while watching some videos on youtube. Wow, #3 trending si Jessica ah. Kahapon pala yung photoshoot niya sa isang magazine, may mga behind the scenes siyang videos kaya naman madaming nanuod dito. I must say na talaga namang napaka ganda niya. Attitude problem lang talaga. Well at least she treats her fans nice naman so di ko na lang siya papatayin sa isip ko. Ganun ako eh, maiinis sakanya sandali pero at the end of the day, I just let go and let myself be free from stressful thoughts. Sanay na rin ako.
Inabot ako ng isa at kalahating oras sa panonood ng kung anu ano at pagkape. Di ko kasi ma inom ng diretso ang kape kapag sobrang init, maligamgam lang dapat.
For the first plan ngayong araw, ligpit ng mga gamit. I started it sa higaan ko. Tinanggal ko ang bed sheet, punda ng unan ko at unan. Nilagay ko na ang mga yun sa laundry para maisabay sa mga lablabhan ko mamaya. Yun,ayos...
Next naman sa living room... I fixed the things on my table. Pinunasan ko na rin lahat para hindi ma alikabok.
Walis here, map here and there.
Hoooooo! Konti nalang,Heart!"hay sa wakas!" malakas kong sabi sabay upo sa sofa. Upong pagod na pagod.
Natapos din ako sa pag ligpit at pag linis. Ay oo nga pala, baka may mga naiwan akong gamit sa mga bags ko. Mahilig kasi akong mag dala ng mga panyo sa mga bag ko tapos di ko rin nagagamit kasi usually may aircon naman lahat ng pinupuntahan ko eh.
Bale may 3 akong ginagamit na bags. One small,medium and large sized bags.
Sa small bag, walang masyadong laman kasi ginagamit ko lang yun para pag lagyan ng mga barya barya dito sa bayay.
Medium bag, ito yung usual na ginagamit ko when I go outside. Ayun, may mga balat ng mga kinain kong mga tinapay. Well, alam niyo naman. Mahirap magutom ano. Then sa bulsa nito may nakita akong panyo. Hmmmm, akin ba ito?? Amoy pang lalaki ah? Baka naman kay Pressy ito, nilagay lang niya or what.
Pero hindi naman ganito amoy nung pabango niy-"ay oo nga no?" sambit ko nang ma alala kung kanino ito.
Biglang nag flashback yung lalaki sa 7/11. Hmmm. Hindi naman niya sinabing ibalik ko soooo. Bye, rude boy.
Nilapag ko muna yung panyo para icheck kung anong laman nung pang travel bag ko.(large bag)
"ay. Bakit ko pa ichecheck e di naman ako nag travel ng ilang buwan na. Duh".
Kinuha ko na nga ulit yung panyo na nilapag ko at dumiretso na sa may laundry.
"Bakbakan na!" sigaw ko. Woooo! It feels good ah. It's been a while since I shouted. Hahahahahahaha!
____________________________________________________________________________
Hi guys! Uulitin ko lang yung sinabi ko sa "author's note" na this is my first work. Kaya naman po hindi pa ako ganun ka sanay sa pagpapaganda ng presentation like yung pag highlight ng mga words and so on. Please do understand😊😊😊😊😊😊 I will edit everything as soon as matapos ko ang story.
OPEN FOR SUGGESTIONS PO😇
Anyways, salamat sa mga nagbabasa.
Keep in touch and do not forget to vote and comment down below.
Love lots........!💋
YOU ARE READING
The Back Up Singer
FanfictionThis story is about Heart and a secret. A secret being kept since she was born.