CHAPTER 24 I feel tired

19 2 0
                                    

HEART'S POV

Mag isa ako ngayon dito sa recording room at nagpapahinga.

2 days nalang ay magaganap na ang concert ni Jessica. Sold out na last month pa ang mga tickets. Grabe ang supporta ng lahat sakanya. Siguro ay napaka sarap sa feeling ng mahalin ng lahat. Mararanasan ko rin kaya yon?

Napa pikit naman ako saka umiling- iling. Bakit naman ako nag hahangad ng buhay na kagaya ng kay Jessica?

Buong buhay ko ang gusto ko lang naman ay tanggapin ako at mahalin ako. Ang hiling ko lang naman simula bata ay mabilang sa isang pamilya.

Di ko naman namalayan na may mga luha na pala sa mga pisngi ko. Agad ko namang pinunasan saka huminga ng malalim.

"Kaya mo namang mag-isa,Heart eh! Laban!" sabi ko pa saka pinilit ngumiti.

"Oh,Heart"

Nagulat naman ako saka hinarap si Boss. Akala ko ako lang mag isa dito. Kanina pa kaya siya dito?

"B-bakit po?" nahihiyang sabi ko. Baka mamaya narinig niya yung sinabi ko kanina sa sarili ko. Ang weird ko pa naman pag ganun. Hehe

"Wala naman. Gusto lang kitang pasalamatan at hinayaan mong mag overtime." sabi niya sabay lapit sa akin.

10pm na kasi ngayon at kakatapos ko palang ma record. Masyado kasing advanced dito. 6 months before irelease ang song ay dapat recorded na. Madami pa kasing kailangang asikasuhin after marecord ang songs, kailangan na ring aralin ni Jessica, syempre may rehearsal din kaming dalawa para magkatugma paglipsync at pag kanta ko tapos may music video pa siya para sa bawat kanta

"hayss"

"ohh. Mukhang napagod ka ah?" ay. Nasa harap ko pa nga pala si boss. Tsk. Lutang na talaga ako ngayon.

"H-hindi naman po m-masyado,boss. Tsaka wala pong problema sa pag O.T. hehe" pinilit ko namang ngumiti at napangiti rin siya.

"Oh sha. Sige na. You may go home now and rest. Pasensya ka na talaga ah. Kahit kasi in few days nalang ay concert na, nag ra rush na tayo kasi alam mo naman ang proserso natin para kay Jess. " medyo mahinang sabi ni Boss. Alam ko namang na aawa siya sakin.

Nginitian ko lang siya. Saka na ako nag pa alam.

Nandito na ako ngayon sa condo. Wala akong ganang kumain dahil siguro sa pagod. Ewan ko ba, lately, nawawalan ako ng ganang kumain.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Pakiramdam ko pa ay nanghihina ako.

Nako naman, bawal akong mag ka sakit. Sa isang araw na ang concert ni Jess. Ang mabuti pa, pupunta ako sa drugstore.

Nag bihis lang ako. Naka hoody at pants ako ngayon.

Nag punta na ako sa kotse saka dumiretso sa drugstore malapit.
Bumili ako ng gamot ko pero na alala kong wala na akong makakain sa loob ng ref. Ngayon nalang din ako nakalabas eh. Kaya imbis na umuwi ay nag grocery muna ako.

Nasa may mga delata ako ngayon at nagulat ako kasi may kumalabit sa likuran ko. Nung una akala ko guni guni ko lang pero may kumalabit nanaman.

"Hey,miss Heart." naka ngiting sabi ni-

"Syd?" di ko namalayang na banggit ko yung pangalan niya habang nakatingin sakanya.

"Ang tagal nating di nag kita ah!" masaya niyang sabi.

Tinanguan ko lang siya saka namili ulit ng mga delata.

"Uuy. Snober to ah. Di mo ba ako na miss?" pangungulit pa niya pero di ko na siya nilingon. Sobrang nag mamadali na ako kasi gusto ko ng maka inom ng gamot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Back Up SingerWhere stories live. Discover now