The author dedicates this chapter to @ ChinBeltranWp
HEART'S POV
Nasa park ako ngayon malapit sa condo.
Nakahiga ako sa damuhan at nakikinig sa music.
Napaka aliwas dito sa labas. Though di ko na abutan ang konting sinag ng araw kanina dahil nga kakatila lang ng ulan kaninang tanghali at time ko yun para ayusin ang kantang pinapa ayos ni sir Louie.It's already 6 pm. Yeah, trip kong mag stay sa labas ngayon to get some fresh air.
Just when I felt like giving up on us to turned arond and gave me one last touch that made everything feel better and even then my eyes got better. So confused wanna ask if you love me... But I dont wanna seem so weak. Maybe I've been California king bed. Yeah yeah yeah....
Kinanta ko sa aking isip ang bridge ng kanta na pinagawa ni sir Louie kahit pa iba ang napapakinggan kong kanta. Hehe. Multi tasking ang tawag dun,bes. Doing two things at the same time. Lol.
Nakakatuwa lang na agad kong nagawhan ng bridge ang kantang yun. Napaka ganda kasi ng meaning ng kanta. Sana ay kapag nirecord ko yun, matuwa silang lahat. Excited na ako. Kahit pa ako lang ang nasa likod ng boses na iyon.
"fetch, Covey!" dinig kong sigaw ng isang lalaki.
"aaah!" aray ko po! Na hilo ako ng bahagya dahil may tumama sa noo kong isang... Ano ba to? Bumangon ako saka pinulot ang tumama sa akin. Isang maliit na bola pero may ka bigatan ito.
Habang hinahawakan ko naman ang noo ko dahil sa sobrang sakit ay biglang may dumila sa paa ko. Yeah, naka paa paa lang ako dahil ginawa kong unan ang rubber shoes ko.
Patuloy lang sa pag dila ang aso sa paa ko.
"shoo.. Shooo" mahinang sabi ko para umalis ang aso.
Ang cute naman ng asong to! Aspin siya pero napaka cute talaga. Color white and brown ang kulay nito.
"Hahaha" tawa ko dahil dinilaan niya ang talampakan ko.
"Covey?" dinig kong tawag ng isang lalaki.
"Here, boy." lumapit naman ang aso sa lalaki.
Hindi ko masyadong makita ang lalaki dahil madilim ang part kung nasaan siya.
Kinuha ko ang sapatos ko saka isinuot.
"Saan ka ba tumakbo? Where's your ball??" tanong pa nito sa aso. E sira pala siya eh! Siya itong nag bato bato ng bola tapos tatanungin sa aso. Duh?
Tumayo na ako ng matapos kong isintas ang sapatos ko.
Maka uwi na nga.
Konting pagpag sa pwet kung may damo mang sumabit. Hehe. Oh I forgot. The ball, hmmm. What if ibato ko rin to sa lalaking yun? Nakaka inis. Sa dami ng tatamaan ako pa? Uuurgh!
Pinulot ko ang bola at ibinato sa kung saan nakatayo ang lalaki na busy sa pakikipag kulitan sa aso habang buhat buhat ito.
Hindi ko naman ibinato mismo sakanya. Dun lang sa alam kong makikita niya. Nahiya naman ako eh. Baka antayin pa niyang kusang bumalik yung bolang ibinato niya. Kaya ako na mag aadjust para sakanya.
Nakita ko namang tumalon ang aso pababa at saka hinabol yung bola.
"hey" sumunod naman ang lalaki.
Maka alis na nga dito. Sa condo na lang ako mag momoment.
"Arfff arfff!" tumahol ang aso. Hmm. Imposibleng ako ang tinatahulan niya no.
"Arfff arrfff!" tsk. Fine! Lilingon na. I cant resist the charm of that cute dog.
Lumingon ako kung saan nandun ang aso and I'm correct, ako nga ang tinahulan niya.
YOU ARE READING
The Back Up Singer
FanfictionThis story is about Heart and a secret. A secret being kept since she was born.