File XVIII: A Midnight Undercover

10 2 0
                                    

Kung hindi telephone number, ano kaya ang set of numbers na ito? Tumunog ang tiyan ko kaya naisipan kong kumuha ng biscuit at coke in can. Ipinatong ko sa ibabaw ng lamesita ang mga pagkain at inumin.

Naupo ako sa couch, binuksan ang coke at ininom ito. Pagkababa ko ng coke ay napansin kong nakatitig sa akin si Johnson. What's wrong with him? Nabihag ba siya sa kagandahan ko o ano?

"What?" masungit na tanong ko. Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang hawak kong coke. "Hey! What's going on? Akin 'yan! Heto 'yong sayo oh," naiinis na reklamo ko sabay kuha ng coke in can na nasa mesa para ipakita sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay itinutok niya ang mata sa label ng coke. Hindi na ako nagreklamo tutal hindi naman niya ininom ito. Napansin kong may binibilang siya sa label. Kumunot ang noo ko, anong ginagawa niya? Ibinaba niya ang coke at tiningnan ang mga nakalatag na card.

"I think there's something wrong with the digits," he commented. Still, I looked at him with puzzled expression. Pinaglipat lipat niya ang tingin mula sa label ng can papunta sa card. Kumuha siya ng papel at sumulat.

"The numbers are..." pa-suspense na anunsiyo niya sabay pakita ng bagong set of numbers sa hawak niyang papel, "Barcode! It was reversed!"

4 801201 335124
4 801201 365124

Mula sa pagkakaupo ay napatayo ako at hinanap ng mata ko ang barcode na matatagpuan sa label ng hawak kong coke in can. Binilang ko ang number sa barcode and it matched the 13 digits! Kapareho nito ang digit na ibinigay ni Plato! Pinagmasdan ko ang thick and thin lines sa barcode. It reminded me of something.

Nanakbo ako paakyat ng hagdan at nagtungo sa aking silid. Binuksan ko ang desk drawer at kumuha ng isang X card mula sa sandamakmak na card. Inilagay ko ang card sa ibaba ng barcode sa label ng coke at pinagmasdan ang mga ito.

─────────────────────

X-XX-XXX-XXXX-XXX
-Plato

─────────────────────

Kaya pala mayroon itong naka-bold at unbold na letter X dahil simbolo pala 'yon ng thick at thin lines ng barcode. Walang duda, isa ngang barcode ang hidden message ng code. But if it is a barcode ibig sabihin mayroon itong tinutukoy na specific product.

Narinig ko ang pagtahol ni Pangaea mula sa ground floor pero hindi ko ito pinansin. Ibinaba ko ang card at can sa gilid ng computer's desk. Hindi ko namalayang natamaan ko pala ang scientist doll kaya nahulog ito sa sahig. I looked at it, gaped and wide-eyed.

Felicity's Planet! I almost forgot about that toy store! Natagpuan ang bawat card sa tabi ng talking doll na binili mula sa Felicity's Planet kaya ang produktong hinahanap namin ay makikita roon! Nagmadali akong bumaba para sabihin kay Johnson ang nalaman ko pero pagbaba ko ng hagdan ay natigilan ako at nabitawan ko ang hawak na coke at card.

Nakatumba ang mesa, nakakalat ang mga pagkain, papel at bukas na coke in can at ang malala ay nakahandusay si Johnson sa malamig na sahig. Mukhang pinasukan at hinalughog ang bahay. Binalikan nila kami! Hinanap ko si Pangaea hanggang sa makita ko siyang nakatali sa labas ng bahay. Pinakawalan ko siya at bumalik sa loob ng bahay. Nilapitan ko si Johnson at sinipat sipat kung okay lang siya. May black-eye siya at sugat sa gilid ng labi.

"Hey! Wake up! Hindi ka naman mamamatay sa suntok!" tinapik tapik ko ang mukha niya pero nanatili siyang nakapikit. Biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa card. Oh my gulay! Huwag mong sabihing kinuha nila ang mga 'yon!

Lost N FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon