File V: Felicity's Planet

14 3 0
                                    

After i've got all the information I needed from Mr. Jake N. Gil, I bid goodbye and left their house. I pedaled furiously in the streets, heading back to Cenozoic Street where Mrs. Alcantara's apartment is located. The clock is ticking, there's no time to waste. I need to start investigating right away.

I found myself standing in front of an apartment. I knocked on the door and it sprang open. Mrs. Alcantara appeared wearing an apron.

"Serene!" she exclaimed. "What brings you here?" she asked with knitted eyebrows. Hinubad niya ang gloves sa kaniyang mga kamay.

"I need to conduct an investigation, may I see your son's room? Would you mind if my dog Pangaea will accompany me?" I straightforwardly said. Glancing at Pangaea who's sitting next to me.

"Of course, you may," she agreed. Pinapasok niya kami sa loob ng maliit nilang apartment unit. Nanguna siya sa paglalakad at sumunod kami ni Pangaea.

She opened the door in her son's room. Pumasok kami sa loob at mukhang interesado sa astrology ang anak niya. Puno ng galaxy painting ang wall ng kuwarto. Masikip ang kuwarto kaya konti lang ang laman sa loob katulad nalang ng kama, cabinet, book shelves at toy box.

"Mrs. Alcantara, saan ninyo po nakita ang card?" tanong ko habang inililibot ang aking paningin sa loob ng narrow room. Tumakbo si Pangaea papunta sa lokasyon ng toy box na katabi ng cabinet sa sulok ng kuwarto.

Nag-isip sandali si Mrs. Alcantara, inaalala niya kung saan niya nakita ang card. "Kung hindi ako nagkakamali, katabi ito ng paborito niyang laruan."

"Ano pong klasing laruan?" Kunot noong tanong ko habang tinitingnan siya. Biglang kumahol si Pangaea kaya napunta sa kaniya ang atensyon namin.

Nagulat kaming dalawa ni Mrs. Alcantara ng itulak ni Pangaea ang toy box dahilan para magkalat ang laman nito sa sahig. Kinakahulan niya ang astronaut doll.

Nilapitan ko si Pangaea at pinagalitan siya. "Bad dog!" singhal ko sa kaniya kaya tumahimik ito at nahiga sa ilalim ng kama. Lumingon ako kay Mrs. Alcantara, "Pasensya na po kung ginulo ng aso ko ang mga laruan ng anak ninyo."

"Tama!" Bulalas niya habang naglalakad papalapit sa akin. Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka. Lumuhod siya at pinulot and astronaut doll. "Ito ang paboritong laruan ng anak ko. Noong gabing nawala si Stevenson, nadatnan kong nakalagay ang laruang ito katabi ng card sa kama."

She thrust the toy to me, I examined it thoroughly. Bakit kaya katabi ng card ang laruang ito? Clue rin kaya 'yon? Kung nandito lang sana si Lev baka sakaling napadali pa ang lahat. Hindi ko sinasadyang mapindot ang tiyan ng astronaut kaya bigla itong nagsalita.

"Hello! I'm an Astronaut! Would you like to see the outer space with me?"

"Nagsasalita pala ang laruang 'to," komento ko pagkatapos marinig ang recorded audio. "Saan niyo po nabili ang laruan?"

"Hindi ko alam dahil hindi naman ako ang bumili niyan," kibit balikat na sagot ni Mrs. Alcantara. "Natanggap ni Stevenson ang laruan noong birthday niya. Sa sobrang dami ay hindi ko na maalala kung kanino galing o kung anong brand ng mga ito."

Napabuntong hininga nalang ako. Magiging malaking tulong sana kung alam ni Mrs. Alcantara kung saan nabili ang laruan at ang brand nito. Pinagmasdan ko ng maigi ang laruan pero wala akong makitang nakalagay na brand. Kumuha ako ng panibagong laruan mula sa toy box. Ang isang ito ay dog stuffed toy pero may nakalagay itong tag sa gilid kung saan matatagpuan ang brand nito.

Hiniram ko muna ang laruan ni Stevenson para ma-examined ko ulit ito pagkauwi ng bahay. Sunod kong pinuntahan ang mansion ni Mrs. Mendoza. Ang mayamang ginang na magbibigay sa akin ng malaking pera kapag naibalik ko ang stepdaughter niya.

Lost N FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon