Exactly seven o'clock ng marating namin ang bahay ni lolo. Madilim sa tapat ng bahay niya, hindi naman brownout, marahil nakapatay ang ilaw. Tulog na kaya siya ng ganitong oras?
I rang the doorbell, no answer. Second attempt, bumukas ang ilaw sa loob ng bahay at nakarinig kami ng footsteps. The gate swung open and a familiar old man appeared.
"Anong... kailangan... nila?" pahinto-hintong tanong niya. He blinked his eyes multiple times. Malabo siguro ang paningin niya.
"Lo, ako po ito, pinahanap niyo po sa akin 'yong pustiso ninyo noon," mahinahong pagpapakilala ko. Kapag hindi niya ako naalala hindi niya kami papapasukin sa loob.
"Ah! Oo nga... halika... pasok..." masigla niyang yaya sa akin. Salamat naman at naalala niya ako. Pinakilala ko si baby powder at ang aso ko. Hinayaan niyang pumasok kaming tatlo sa loob.
Pinaupo niya kami sa dalawang monobloc chair sa sala samantalang siya ay nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Saan kaya namin mahahanap ang card dito? Maraming puwedeng pagtaguan sa maliit na card. Wala pa kaming ibang clue maliban sa back and fourth.
Kinausap ni Johnson si lolo para hindi ito mainip, tungkol sa iba't ibang bagay na mga lalaki lang ang nakakaalam samantalang iginagala ko ang aking paningin sa loob. Wala akong makitang maliit na card kahit saan. Pinaamoy ko kay Pangaea ang error card, pinakawalan ko siya mula sa pagkakatali at hinayaan ko siyang libutin ang bahay. Sana mahanap niya ang card.
Nagulat kaming tatlo ng umupo si Pangaea sa tapat ni lolo. Tumahol siya ng isang beses. Did he found it? Na kay lolo kaya ang card?
"Mukhang gusto po yata kayo ni Pangaea," natutuwang sabi ni Johnson. Tinawagan niya ang aso kaya lumapit ito sa kaniya.
"Pangaea? Kakaiba... ang... pangalan... ng aso..." napahagikgik na sabi ni lolo. Nakitawa naman si baby powder.
"Opo, pinangalanan po ito sa supercontinent na Pangaea," paliwanag ni Johnson na para bang siya ang may-ari ng aso. Tumatango naman si lolo.
Sinulyapan kong muli ang error card, XXXX: Back and Fourth ang title nito, which means backward and forward. Tao nga ba ang tinutukoy nito o baka naman gamit? Sa tabi ng pinto nakapuwesto si lolo na nakaupo sa kaniyang rocking chair. Wala ng iba pang gamit sa tabi, 'yon lang.
Pinanood ko si lolo habang ginagalaw nito ang rocking chair na inuupuan niya. I gaped, fixing my gazed at grandpa's direction. The chair moved back and forth! That's the clue! I nudged Johnson's elbow. He shifted his gaze to me, giving me a what look.
I leaned forward to him pero umatras siya habang nanlalaki ang mga mata. I shook my head in disbelief. Ano bang iniisip niyang gagawin ko? I rolled my eyes.
Hinila ko siya papalapit sa akin, "Distract the old man as I took out the card from his rocking chair," I whispered. He managed to nod his head while still in shock.
"Lolo, marunong po akong kumanta. Gusto ninyo po bang marinig?" confident na sabi ni Johnson.
"Sige apo," nakangiting sabi ni Lolo. Sana nga lang at nagsasabi ng totoo si baby powder dahil kung sintunado siya baka mabigwasan ko siya mamaya.
"Ipikit ninyo po ang mga mata ninyo lolo para mas lalo niyong madama ang kanta," request pa ni Johnson na para bang totoong singerist siya. Sumunod naman si lolo sa gusto niya.
Pagkapikit ni lolo ay naglakad na ako ng nakatingkayad papalapit sa kaniya. Nagsimula naman sa pagkanta si Johnson. Nag-eexpect ako ng malaki mula sa kaniya kaya dapat galingan niya.
"Twinkle, twinkle, little star."
Muntikan na akong mapahalakhak ng marinig ang boses niya at lalong lalo na sa kanta niya mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili. Walang nakadikit na card sa likod ng rocking chair. Humiga ako sa sahig at sinilip ang ilalim ng upuan pero wala akong nakita.
BINABASA MO ANG
Lost N Found
Misteri / ThrillerLost N Found is a business of Echarri sibling with the aid of their dog Pangaea. Its goal is to find anything that has been either lost, mislaid or stolen. A simple case will lead them into a tangle of clues, mystery, startling discovery and unexpec...