File XVI: The Moon at Twelve Midnight

14 2 0
                                    

Pagkaangat ko ng aking ulo ay may napansin akong ilaw mula sa 'di kalayuan. Kinalabit ko si Johnson na nakatalikod sa akin at itinuro ko ang kulay puting ilaw.

"Look!" I said, pointing at the white light 5 meter away from where we are standing. "Sa tingin mo ano 'yon?" I queried as I shift my gaze to Johnson.

"I think the appropriate question is kung sino 'yon. Baka ang ilaw na 'yan ay galing sa mag-among chinese," kutob niya habang nakapokus ang tingin sa lokasyon ng puting ilaw.

"No, nakita natin kanina na kulay yellow ang ilaw ng dala nilang flashlight or source of light kaya imposibleng sa kanila galing 'yon," punto ko. Natapat ang ilaw nila kanina sa butas kung nasaan kami kaya nakasisiguro akong hindi sila 'yon.

Lumakad kami papalapit sa lokasyon ng puting ilaw. Huminto kami sa harapan ng lapida na may nakatayong camp lamp sa gilid nito. Imposible naman yatang may bumisita pa ng ganitong oras.

"Ito na kaya ang moon?" tanong ko kay Johnson na sinagot lang ako ng kibit balikat. Lumuhod siya at tiningnan ang pangalan sa lapida.

Nagulat kaming dalawa ng biglang lumabas sa likod ng bushes ang chinese at ang chauffeur nito para sugurin kami. The chauffeur caught Johnson samantalang ako naman ay hinahabol ng chinese.

"Run Serene!" I heard Johnson yelled before the chauffeur cover his mouth.

Mabilis akong tumakbo kaya nakalayo ako sa naghahabol sa aking chinese hanggang sa makabalik ako sa entrance gate. Saan ako magtatago? Napansin ko ang ilaw sa may 'di kalayuan kaya mabilis akong nagtago sa likod ng mga nakakumpol na bushes. I covered my mouth to prevent myself from making any noise. Pagkaharap ko sa gawing north ay napansin ko ang malaking puno na nakatayo sa gilid ng gate. May nakataling maliit na gulong sa isang sanga nito at ang gitna ng wheel ay may ilaw. Ang liwanag ay nagmumula sa nakabukas na lamp post, few meters away. Kung pagmamasdan mo itong maigi ay para itong moon.

Moon doesn't emit its own light, it shines because of the sun's reflected light! Katulad na lamang ng gulong na 'yon, literally speaking hindi naman umiilaw ang gulong but because of the lamp post nearby which serves as the sun, nagrereflect ang ilaw nito sa wheel na para bang may sarili itong liwanag. That was what Plato meant by moon! Ibig sabihin sa ibaba ng punong 'yon makikita ang nawawalang laruan ni Lev.

I need to ask for someone's assistance. I took out my cellphone and dialed 911. Bago pa makapagsalita ang nasa kabilang linya ay in-end ko ang call dahil napansin ko ang pagdating ng chauffeur.

"Lumabas ka na Serene," narinig kong pagtawag sa akin ni chauffeur. Naglalakad siya sa gitna, palinga linga habang iniilawan ang paligid gamit ang hawak na flashlight.

Napansin kong naglalakad ng dahan dahan papalapit sa kaniyang likuran si baby powder, may hawak itong pala. Johnson hit the chauffeur at the back which causes him to lost his consciousness. Nakita kong bumaba si Johnson para i-check ang lagay ng chauffeur. Nang masiguro niyang wala na itong malay ay tumayo ako at lumabas sa aking pinagtataguan.

"Johnson!" pagtawag ko sa kaniya habang nakataas ang kamay. Tumingin siya sa aking gawi at tumakbo papalapit sa akin habang bitbit ang pala sa kaniyang kamay.

"Mukhang nawalan lang ng malay 'yong chauffeur samantalang natakas ko si chinese. Bukas nalang tayo bumalik, delikado rito," nagmamadaling usal niya.

"Alam ko na kung saan makikita ang nawawalang laruan ni Lev," I reported. "Doon sa ilalim ng puno," itinuro ko ang puno na nasa tabi.

Nilapitan namin iyon at pinahukay ko kay Johnson ang lupa na katapat ng sanga kung saan nakatali ang maliit na gulong. Hukay lang ng hukay si Johnson hanggang sa makarinig kami ng kahoy na natamaan ng pala. Itinutok ko ang ilaw ng flashlight sa hukay at nakita namin ang maliit na treasure chest. He knelt down and pulled the treasure chest out of the soil.

Lost N FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon