File VIII: First Come, First Served

13 2 0
                                    

Just as what I thought!

"Anong itsura niya? Natatandaan mo pa ba?" sunod kong tanong. Sigurado akong hindi niya gagamitin si Mr. Villegas bilang disguise dahil dito ang dati niyang pamamahay at mamumukhaan siya ng mga nakatira dito.

"Marami siyang nunal sa mukha, singkit ang mata niya, may makapal na balbas, payat siya at matangkad," paglalarawan niya habang nakatingin ang mga mata sa ceiling.

Walang duda, siya nga ang nagpanggap na matandang lalaki. Maiiba niya ang kaniyang itsura pero hindi ang built ng katawan at ang height niya.

"Teka lang, paano mo nalamang may pumuntang lalaki kahapon dito?" puno ng pagtataka niyang tanong.

"Maraming salamat, mauuna na kami dahil may lakad pa ako," paalam ko sabay lakad ng mabilis palabas ng bahay. Nang makasakay ako sa aking bisikleta ay narinig ko ang kaniyang tili.

"TULONG! TULONG! MAGNANAKAW!"

Binilisan ko ang pagpidal pauwi habang nakangiti sa yayang nautakan ko. Habang lumilipas ang bawat araw ay lumalawak ang misteryong ito. Nagsimula sa mga batang nawawala tapos ngayon nagpaparamdam si Plato.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nahiga sa kama ko sa kuwarto. Nangangalahati palang ang araw pero para bang feeling ko ay gabi na. Sa dami ng nangyayari araw araw ay gugustuhin ko na lamang maglaho katulad ng mga bata.

Ipinikit ko ang aking mata pero ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay nakarinig ako ng boses na nakapagpangilabot sa akin.

"X. First Come, First Served."

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Dumungaw ako sa bintana pero wala namang tao roon. Sinilip ko na rin ang ilalim ng kama ko, cabinet at labas ng pinto pero wala akong nakitang tao.

Sigurado akong hindi ako nananaginip ng marinig ang boses, hindi pa nga ako nakakatulog. Imposibleng hindi totoo 'yon. Bumaba ako at isinama si Pangaea pabalik sa kuwarto. Naupo si Pangaea sa paanan ng kama at ipinikit nito ang mga mata.

Sa loob ng kuwarto nanggaling ang boses pero wala namang nakapasok dito. Napunta ang tingin ko sa Astronaut at Scientist dolls na nakaupo sa tabi ng aking computer. Don't tell me isa sa kanila ang nagsalita? Kampon ba sila ni Chucky or ni Annabelle? Napalunok ako habang nakatitig sa dalawang manyika. Umiling iling ako. That's not true! Ito na yata ang epekto ng panonood ko ng mga horror movies.

"X. First Come, First Served."

Muli ko na namang narinig ang boses na sinabayan ng pagtahol ni Pangaea. Nakaharap ang aso sa lokasyon kung saan nakalagay ang mga manyika. Sa pagkakataong ito ay mukhang alam ko na kung saan ito nanggagaling. Dahan dahan akong bumaba mula sa kama at lumapit sa computer desk.

Hinawakan ko ang dalawang manyika at pinisil ang tiyan ng mga ito pero wala namang lumabas na boses. Kunot noo kong pinagmasdan ang dalawa. Kung hindi sa kanila galing ang boses, kanino o saan? Ibinaba ko ang dalawang dolls at ibinalik sa dati nitong puwesto.

"X. First Come, First Served."

Sa pangatlong pagkakataon ay narinig ko na naman ang boses. Iisa lang ang sinasabi nito pati ang tono at lakas ng volume. Ibig sabihin ay recorded ito. Hinawakan ko ang doll ni Lev at itinapat ang tiyan nito sa aking tenga.

"X. First Come, First Served."

Mabilis kong inilayo ang scientist doll mula sa aking tenga. Muntikan na akong mabingi doon ah. Nanggagaling ang boses dito sa may sa-demonyong manyika ni Lev. Pinindot ko ang tiyan nito.

"Hello! I'm a scientist! Would you like to create an experiment with me?"

Pinindot ko ulit ang tiyan nito pero inulit lang niya ang nakakasawang line. Hindi ko na narinig pang muli ang kakaiba nitong sinabi kanina lang. Ano kaya ang ibig sabihin ng X: First Come, First Served?

Lost N FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon