Awtomatikong kumunot ang noo ko. Makikita sa ten little children letter? Pero wala namang nakalagay na address doon. Ten little indians song lang atyaka konting message na nagsasabing magmadali ako sa paghahanap sa mga bata. Muli kong pinindot ang tiyan ng manyika pero hindi na ito nagsalita pa, kahit magpakilala ay hindi na nito ginawa.
"May nakuha ka pang ibang letter maliban sa mga card?" nagtatakang tanong ni Johnson na tinanguan ko nalang. Hindi ko na ipinakita sa kaniya ang liham dahil madali naman itong maintindihan at hindi ko naman alam na mayroon pala 'yong hidden message.
Parehas kaming naistatwa ng mag-on lahat ng ilaw sa loob ng toy store. Naku, lagot. Ibinalik ko ang manyika sa box at inilagay ito sa dating puwesto. Nagtago kami habang pinapakiramdaman ang papalapit na yabag. Actually hindi lang ito galing sa iisang tao, pakiwari ko ay dalawa sila.
Biglang tumahimik ang paligid, tumigil siya sa paglakad. Sisilip pa lang sana ako ng bigla akong kalabitin ni Johnson.
"Ano ba, huwag ka ngang magulo," saway ko sa kaniya habang hinahanap ng mga mata ko kung nasaan ang naglalakad. Kimalabit ulit ako ni Johnson kaya magsalubong ang kilay na lumingon ako sa kaniya.
Nabitawan ko amg hawak na flashlight ng makita ko kung sino ang kumakalabit sa akin. It's not Johnson! It is the chauffeur! Si Johnson ay hawak ng chinese nitong amo, nakatutok sa kaniyang ulo ang hawak nitong baril.
"Kung ayaw mong dumanak ang dugo, sumunod ka sa amin," he threatened pointing the gun to me. Napatango nalang ako habang tinititigan ang baril.
Naunang lumakad ang chinese kasama si Johnson samantalang nakasunod ako sa kanila at sa aking likuran ay ang chauffeur. Binuksan ng chinese ang pinto kung saan ang staff lang ang puwedeng pumasok.
"Go!" utos niya kay Johnson kaya pumasok ito. Bahagya rin akong itinulak ni chauffeur papasok sa loob. Hindi kami makapagpumiglas dahil konting galaw lang namin ay puwede nila kaming patayin.
Ito pala ang stock room, nakatambak dito ang replika ng bawat doll na ibinebenta sa store. Pinaupo nila kami ng back to back sa gitna kung saan walang mga laruan na nakakalat. Itinali nila ang mga kamay at paa namin. Kinapkapan nila kami, nahanap nila ang punit na papel at swiss knife sa bulsa ko at kinuha ang mga 'yon.
"Bakit ninyo ba kami pinipigilan? At sino ba kayo? Gusto ninyo bang makasuhan ng trespassing? Pinapasukan ninyo ang shop ng hindi nagpapaalam! Isusumbong ko kayo kay Mr. Chua kapag nakatakas ako rito!" Marahas na sambit ko habang naniningkit ang mga mata.
Nagulat ako ng bigla silang humalakhak, para bang ipinapalabas nilag katawa tawa ang sinabi ko. "Bakit kayo tumatawa?!" naiinis kong sabi. Nang-iinsulto ba sila?
Humakbang papalapit sa akin ang chinese man at lumuhod ito sa aking harapan para makapantay ako, "Kilala mo sino ako?" tanong niya, nanlilisik ang mga mata.
"Masama kayong tao!" bulyaw ko sa kaniya, ginantihan niya ako ng malakas na sampal sa pisngi.
"Ikaw wala respeto!" nanggigigil na sambit niya. Tumayo siya at inayos ang suot na damit. "Lahat kilala ako, ikaw hindi?" tumaas ang kaniyang boses.
"Mr. First Chua!" biglang sigaw ni Johnson na nasa likod ko. A-ano? Siya ang may-ari ng Felicity's Planet? I looked at Mr. Chua in terror. Nakita kong sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Pero bakit ninyo kami pinipigilan? Gusto lang naman naming ibalik ang mga bata. Ayaw ninyo ba no'n? Babalik ang mga costumers ninyo!" naguguluhang tanong ko. Bakit ba tutol sila sa pag-iimbestiga namin? Tinutulungan na nga namin sila.
Tumalikod si Mr. Chua sa amin, "Hindi ninyo pwede malaman tungkol doon," huli niyang sabi bago lumabas ng stock room kasama ang kaniyang chauffeur. Narinig namin ang pag-lock ng pinto sa labas at ang paglayo ng mga yabag. Binalot ulit kami ng kadiliman ng mamatay ang ilaw sa loob.
BINABASA MO ANG
Lost N Found
Tajemnica / ThrillerLost N Found is a business of Echarri sibling with the aid of their dog Pangaea. Its goal is to find anything that has been either lost, mislaid or stolen. A simple case will lead them into a tangle of clues, mystery, startling discovery and unexpec...