Nakatali ang kamay at paa ni Mr. Magus pati na rin ang kaniyang bibig para hindi siya makasigaw at makahingi ng tulong. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinanggal namin ang mga lubid na nakatali sa kaniya.
"A-ano pong ginagawa ninyo diyan? 'Di ba po nasa labas kayo?" nagtatakang tanong ni Johnson. "Ah! Alam ko na! Part po ito ng trick ninyo ano?"
Is this really part of his magic trick? But I think there's something wrong here. Pinagmasdan ko ng mabuti si Mr. Magus, kalbo siya pero may mustache, mataba at maliit pero hindi singkit ang mga mata kundi bilugan. Pawis na pawis siya at maputla ang kulay ng labi.
"You're the real Mr. Magus!" I exclaimed. Napatingin sa akin ang magician at nanlaki ang mata niya.
Napahilamos ng mukha si Johnson na para bang may mali sa aking sinabi. "Siyempre siya nga, habang sinosolve natin ang puzzle, itinali niya ang sarili at nagtago siya rito," paliwanag ni Mr. Detective.
"Tama ang kaibigan mo, ako nga ang tunay na Mr. Magus. Ang nakilala ninyo kanina ay ang lalaking nagpanggap bilang ako. Siya ang nagtali at nagkulong sa akin dito sa stage," paliwanag ni Mr. Magus.
"Hahabulin ko po siya," akmang tatayo na sana si Johnson ng pigilan siya ni Mr. Magus.
"Too late iho, sigurado akong kanina pa siya nakaalis," pagpigil ng magician sabay buntong hininga. Naupo ulit si Johnson at iniabot niya ang panyo sa magician na ipinampunas nito sa namuong pawis.
Kaya pala nakakapagtakang alam niyang ang card ang pakay namin sa kaniya kahit na hindi namin siya tinawagan at sinabihan tungkol dito. Ganoon din sa kaniyang boses, kaya pala pamilyar ito sa akin dahil siya ang lalaking nagpanggap bilang si Mr. Villegas! Bakit ba hindi ko napansin 'yon?
"Nasa inyo pa po ba ang card?" sunod na tanong ko. Kung si Plato nga ang lalaki kanina ibig sabihin nag-iwan lang siya ng clue at hindi niya kinuha ang card.
"Oo, galing sa lalaking 'yon ang card. Inilagay niya ito sa aking bulsa," kinuha niya ang maliit na card at ibinigay ito sa amin.
"Mr. Magus, ano po ang itsura ng lalaking gumawa sa inyo nito?" kailangan kong siguraduhin kung siya nga si Plato.
"Matangkad na lalaki, payat, singkit ang mata at marami siyang nunal sa mukha," paglalarawan niya habang nakatingin sa left side.
"Maaari ninyo po bang ikuwento sa amin kung ano ang nangyari?" seryosong pakiusap ni Johnson. Naunahan niya lang ako pero ganyan na ganyan talaga ang sunod kong sasabihin.
"Nagpanggap siya bilang isang magician. Ayaw ko pa ngang maniwala kaya pinakitaan niya ako ng ilang magic tricks para masiguro kong magician nga siya. Gusto niyang makita kung saan kami nagtatanghal kaya dinala ko siya sa Big Top. May ipapakita daw siyang panibagong trick sa akin. Nagpatali pa nga siya at ikinulong ang sarili sa ilalim ng stage pero nakawala siya at nakalabas. Hinamon niya ako kung magagawa ko rin 'yon. Itinali niya ako at ikinulong dito. Inilagay niya ang card na 'yan sa aking bulsa at iniwan ako. Magaling siyang mag-trick, kahit na ako ay isang magician, nalinlang niya pa rin ako. Mabuti na lang at dumating kayo kundi baka abutin ako ng ilang araw dito sa loob," pagkukuwento niya.
Magaling talaga si Plato pagdating sa panlilinlang. No doubt na marami na siyang naloko kasama na ako roon. Tinawagan ni Mr. Magus ang ilang mga kasama niya sa circus para samahan siya, mukhang na-trauma siya sa pangyayari. Kawawang magician, pati siya ay pinagkatuwaan ni Plato. Nagpaalam kami sa kaniya at pumasok sa loob ng kotse na nakapark sa may entrance.
──────────────────────────
XXX: TRICK OR THREE!
BINABASA MO ANG
Lost N Found
Mystery / ThrillerLost N Found is a business of Echarri sibling with the aid of their dog Pangaea. Its goal is to find anything that has been either lost, mislaid or stolen. A simple case will lead them into a tangle of clues, mystery, startling discovery and unexpec...