Epilogue

27 2 0
                                    

Napalunok ako habang nakatingin ang mga mata kong takot na takot sa kaniya. Kailan pa siya nakauwi? Nalaman na kaya niya ang tungkol sa pagkawala ni Lev at nalagay ang mga buhay namin sa kapahamakan?

"Watch the news," she ordered, pointing to the tv. Napadako ang tingin namin sa tv na kasalukuyang pine-play ang video namin noong nasa loob kami ng toy store. Ang mukha ng reporter ang nakapagpagulat sa akin.

"Breaking news! Matapos ang mahigit dalawampung taon ay natuklasan na rin ang katotohanan sa likod ng nangyaring pagsunog sa establishimento ng Toy King's Dome. Ayon sa mga pulis, malinaw na narinig ang pag-amin ni Mr. Chua sa recorded audio na siya ang puno't dulo ng pagsunog sa business ni Mr. Yu. Pakinggan po natin ang recorder audio."

"Toy King's Dome! That cheap stupid toy store! Hangga't tayo ang business ni Yu, hindi sikat Felicity's Planet! Ako isip magandang idea, tonight we will put that toy shop in flame. I'll make sure to burn it into ashes!" Puno ng galit na sambit ni Mr. Chua.

"Kaninang alas dose ng hatinggabi ay isinagawa ng mga pulis sa pangunguna ni Chief Canellas kasama sina Serene at Johnson na apo ni Mr. Yu, ang pagdakip kay Mr. Chua. Bagama't muntikan ng makatakas ang kriminal dahil mayroon itong hawak na hostage. Bandang huli ay natamaan ito ng bala malapit sa kaniyang puso. Hindi pulis ang may kagagawan ng pagbaril sa may-ari ng Felicity's Planet kundi ang kapatid nitong si Mr. Second Chua."

"Bagama't sinubukang dalhin sa ospital si Mr. First Chua ay binawian din ito ng buhay. Sinubukan naming alamin ang rason ni Mr. Second Chua sa pagpatay sa kapatid at ito ang kaniyang pahayag."

"Ginawa ko lang kung ano ang tama, simula ng umasenso ang Felicity's Planet ay nagbago na ang ugali ni kuya. Hindi na siya ang nakatatandang kapatid na nakasama naming tumanda. Naging gahaman siya at naging kampon ni Satanas. Lahat ng balakid sa kaniyang business ay pinapatahimik niya. Noon pa namin gustong isiwalat ang katotohanan ngunit tinakot niya kami kaya tumahimik kami at nagbulag bulagan sa katotohanan. Hindi ako pinapatahimik ng aking konsensya kaya naglakas loob akong kalabanin siya at ipalabas ang buong katotohanan sa pangyayaring 'yon," pagsiwalat ni Mr. Second sa totoong pangyayari.

"Inamin din ni Mr. Second Chua, ikalawa sa tatlong magkakapatid na Chua, na siya ang mastermind sa likod ng pagkawala ng mga bata. Dahil sa ginawang pag-kidnap sa mga bata sa Cenozoic Street at pagpatay sa kaniyang kuya ay kinasuhan siya ng habang buhay na pagkakabilanggo. In-imbestigahan din ang bunsong kapatid nila na si Third Chua kung kasabwat siya ng kapatid ngunit lumabas sa resulta na walan siyang kinalaman sa pangyayari."

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ang katanungan kung paano nalusutan ni Mr. Chua ang krimen at ipinasa ito kay Mr. Yu. Nakapanayam namin si Chief Canellas tungkol dito at narito ang kaniyang naging pahayag."

"Ang rason kung bakit walang nakitang pruweba laban kay Mr. Chua ay dahil binayaran niya ang mga pulis at imbestigador na nag-imbestiga sa pangyayari. Binaligtad nila ang lahat upang mapunta kay Mr. Yu ang suspetsya ng lahat," pabunyag ni Chief Canellas.

"Sa madaling salita ay wala talagang kinalaman si Mr. Yu sa pagkasunog ng sarili niyang toy shop, ang Toy King's Dome dahil si Mr. Chua talaga ang nagpasunog nito. Ipinasara ang Felicity's Planet at ikinulong ang mga pulis na nakasabwat ni Mr. Chua, hanggang ngayon ay pinag-iimbestiga pa rin kung kasabwat din pa ng kriminal ang mga nagtatrabaho sa toy shop at ang kooperatiba nito. Ito po si Jake N. Gil, nag-uulat."

Pagkatapos ng tv news ay pinatay ni Mom ang tv at humarap siya sa amin. "Ngayon, may gusto ka bang ipaliwanag sa akin Serene bago ka matulog?" nakakatakot ang tono ng pananalita niya.

"I'll go upstairs Mom," palusot ni Lev para makatakas. Pinayagan siya ni Mom pero ng ako ang nagpaalam na matutulog ay hindi ako pinayagan ni Mom.

Lost N FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon