File XX: Case Closed

11 2 0
                                    

Napadako ang tingin ko kay Johnson ng bigkasin niya ang dating toy store ng kaniyang lolo. Mukhang ito nga ang shop ng sikat na Toy King's Dome. Hindi pala bahay ang tinutukoy sa address kundi toy shop. Pumasok kami sa abandunadong building ngunit tahimik sa loob. Nasaan ang mga bata?

"May tao ba rito?!" sigaw ko ngunit tanging echo lamang ng boses ko ang aking narinig. Mali ba kami ng address na pinuntahan?

Umakyat kami patungong second floor at doon namin nakita ang mga bata. Nakatali ang mga kamay, paa, mata at bibig ng mga ito. Dali dali namin silang nilapitan at tinanggal ang mga lubid na nakatali sa kanilang katawan. Sa dami nila ay kalahating oras ang nagugol namin para mapakawalan silang lahat. Ang sunod naming ginawa ay kinontak namin ang bawat parents nila para sunduin sila rito.

"Mga bata, susunduin na kayo ng mga magulang ninyo. Hihintayin natin ang pagdating nila sa labas," masayang anunsiyo ko. Naghiyawan naman sila sa saya, may mangilan ngilan pang napalundag sa tuwa at napa-high five.

Lumabas kami sa abandoned toy shop at naghintay sa daan kung saan namin iniwang nakapark ang kotse. Ilang sandali pa ay isa-isang nagsidating ang magulang ng mga bata. Nagpasalamat at nakipagkamay sila sa amin. Ang sarap sa pakiramdam na bumalik na ang lahat sa dati. Pagkatapos masundo lahat ng mga bata ay pumasok na kami sa loob ng kotse.

Pagkasuot ko ng seatbelt ay bigla akong may naalala. Napaawang ang bibig ko habang nanlaki ang mata, "Teka lang, nakita mo ba si Lev?" nagtatakang tanong ko. Muntikan ko na siyang makalimutan.

"Hindi ko siya napansin dahil sa sobrang dami ng mga bata," Johnson said, nag-isip siya sandali. Ang sunod niyang sinabi ang tuluyang nakapagpagimbal sa akin. "Wala siya sa mga batang narescue natin."

"S-sigurado ka? Baka naroon pa siya sa loob, balikan natin siya," inalis ko ang nakaharang na seatbelt at binuksan ang pinto ng kotse. Palabas na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Unknown ang number na nakaregister sa screen. I gulped before answering the call.

"Looking for Lev? Don't worry, I have him."

We both stared in horror. The voice sounds like Mr. First Chua. And the fact that Lev is with him, I felt shivers run down my spine. Nasa panganib si Lev.

"See you at Felicity's Planet, bring the doll with you."

The moment he hung up the call, nagmadali kaming pumunta sa Felicity's Planet kasama ang chinese doll. Nakapatay ang ilaw sa loob ng toy shop pero bukas ang entrance door nito. Pagpasok namin sa loob ay narinig namin ang pagsara ng pinto. Bumukas ang ilaw at nakapaligid sa amin ang mga lalaking nakaitim. Ilang metro mula sa amin ay nakatayo si Mr. Chua kasama ang kapatid ko. Nakatali si Lev sa upuan, nakapiring ang mata niya at bibig.

"Welcome to Felicity's Planet!" Masiglang bati ni Mr. Chua, napahalakhak pa ito sa sobrang tuwa. May hawak siyang baril sa kanang kamay.

Naikuyom ko ang aking palad, "Walang hiya ka! Pakawalan mo ang kapatid ko!" singhal ko habang tinitingnan siya ng nanlilisik kong mga mata.

Natawa siya ng malutong, "Bring me the doll," maotoridad na utos niya. Inihagis ko papunta sa gawi niya ang doll, he catched it. "Good. Hindi ikaw suway utos," nakangising sabi niya.

Pinindot niya ang tiyan ng manyika pero walang lumabas na boses mula rito. Nanlaki ang mga singkit niyang mata. Pinindot niya ulit ito pero hindi pa rin ito nagsasalita. Sa sobrang inis niya ay ibinato niya ang doll sa sahig dahilan para masira ito.

"Ano gawa mo?!" nanggagalaiting sambit niya. Itinutok niya ang baril sa gawi ko. Pinilit kong magmukhang matapang kahit na sobrang nanginginig na ako sa takot.

"Ito ba ang hinahanap mo?" nakangising tanong ko. Pagpitik ko ng daliri ay biglang tumunog ang record audio sa mga speakers na narito sa loob ng toy store.

Lost N FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon