Chapter 1

224 18 1
                                    

- Alaala -

IPINAPASOK niya sa loob ng bag ang mga kagamitang inilabas kanina sa huling klase niya nang bigla siyang makarinig ng mga tilian sa labas ng classroom kaya kunot-noong nagtanong siya kay Glenda. "Anong meron sa labas, Gee?"
         Nakita niyang nagkibit-balikat lang ang kaibigan bago ibinalik sa cellphone ang buong atensyon. "Alam mo naman 'yung mga bading d'yan kapag nakakita ng gwapo siguradong magtitilian," anito na posible ngang mangyari dahil parang virus na ang bilis kumalat sa university nila kaya mabibigla ka na lang parami na ng parami ang mga gays sa campus at mas malandi pa ang mga ito sa babae dahil kapag may gwapong dumaan sa tapat ng mga ito tumitili talaga ng husto ang mga hitad.
        "Alam mo, Michelle, nang magsabog ng swerte sa lovelife ang Diyos malamang drum ang ginamit mong pangsalo," nakangiting komento ng kaibigang si Rowena na humahangos pabalik sa loob ng classroom nila. "Samantalang ako, tasa lang kaya hanggang ngayon wala pa ring nakakapansin sa beauty ko," dagdag pa nito saka bumuntong-hininga.
        "Kaya nga," kinikilig na segunda naman ni Cristina na kasunod lang ni Rowena. Nagpaalam na ang mga ito sa kanila kanina dahil ayon sa mga kaibigan may pupuntahan kaya nagtataka siya kung bakit siya binalikan ng mga ito. "Napakasimple lang naman ng ganda mo at hindi pang-beauty queen pero bakit napakaswerte mo sa lalaki."
        Lalong kumunot ang kanyang noo nang marinig ang mga sinasabi ng dalawa pang kaibigan. "What do you mean?"
        "Dali!" ani Cristina saka kinikilig na hinila siya, "Tingin ka sa may bintana," dagdag pa nito na sinabayan ng pagnguso sa tinutukoy na pwesto.
Hindi na kataka-taka ngayon kung bakit nagtitilian ang mga bading sa labas nang makitang naroon si Alexander dahil isa sa maituturing na campus figure ang lalaki, ika nga ng iba looks and brain. Ito 'yung tipikal na Boy-next-door ang itsura na kahit sinong babae'y papangaraping mapansin idagdag mo pang kabilang ito sa Dean's List ng university. Mas naging matunog ang pangalan nito nang makamit ng binata ang title bilang Mr. AUF noong nakaraang Search for Mr. and Ms. AUF. Ahead ito sa kanila ng dalawang taon na tulad niya'y kumukuha rin ng Accountancy kaya hindi na kataka-taka na nasa iisang building lang sila kaya lang ang hindi niya inaasahan ay iyong gagawa ito ng eksena sa tapat mismo ng kanilang classroom. Kaya nang mga sandaling iyon pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa pamumula nang makitang nakangiting nag-aabang sa labas ng classroom si Alexander habang hawak sa mga kamay ang bouquet of flowers at isang malaking pulang balloon na may nakasulat na ''Michelle, will you be my girl?"
        "Hindi lang pala talaga drum ang sinalo mo, Mich, isang tangke pa ng swerte," kinikilig na wika ni Glenda na napahinto na sa ginagawa at kasalukuyang tinutulak na rin siya palabas ng classroom. "Kung ako sa'yo sasagutin ko na ngayon din si Prince Charming dahil baka mamaya mai-take out pa siya ng mga girls at nagpapaka-girlie sa labas."
       Lingid sa kaalaman ng karamihan mahigit dalawang buwan nang nanliligaw sa kanya si Alexander na noong una'y inaabangan lang siya sa canteen saka pasimpleng ihahatid sa classroom nila pero sinabihan niya ang binata na ayaw niya nang pinag-uusapan siya sa loob ng campus kaya ang ginawa nito halos gabi-gabi na lang itong umaakyat ng ligaw diretso sa bahay nila. Kaya ngayon hindi niya alam kung paano magre-react ga'yung buong building na yata nila ang nakakaalam na siya ang special someone ng pinagpapantasyahan ng karamihan sa mga future Accountant.
       "Tabi-tabi po," nakangiting pagpapasintabi ni Glenda sa mga nakalupon sa lalaki. "Daraan na ang mahal na prinsesa."
        "Excuse me," magalang na nakiraan si Alexander sa mga nasa harapan nito bago nagmamadaling lumapit sa kanyang tabi. "For you," simpatikong wika nito bago iniabot sa kanya ang mga dala.
       "Thanks," aniya na lalong namula nang biglang maghiyawan ang mga taong nasa paligid niya. Mabuti na lang at labasan na nang mga estudyante kaya hindi masyadong halata na may nagtitilian sa pwesto nila. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkakilig, inggit sa kanya at 'yung iba ay panghihinayang dahil nabingwit niya ang lalaking kasinggwapo ni Alexander.
         "Pasensya na, Michelle, kung ginawa ko na ang bagay na'to," seryosong saad nito. "Gustong-gusto ko na talagang maging girlfriend ka at sa tingin ko hindi rin naman tamang itago ko dito sa school na ikaw 'yung minamahal ko," wika pa nito na naging dahilan para lalong maghiyawan ang mga nasa paligid niya.
        "Siya ang tinutukoy ni Alexander na special someone?" nakataas ang kilay na tanong ng isa sa mga nakaumpok doon na malinaw na nasagap ng kanyang pandinig. Kilala niya ang nagsalita, isa iyon sa may gusto sa lalaki at lantarang nagpapa-charming dito pero magalang na sinasagot ng binata na mayroon na itong nagugustuhan na nagkataong siya nga.
       "Siguro naman sa mahigit dalawang buwan na pag-akyat ko ng ligaw sa inyo hindi ka na magdududang mahal kita," nakangiting bunyag ng binata na naririnig ng mga nakikiusyoso na dahilan upang lalong lumakas ang mga ugung-ugong kaya palihim niyang sinulyapan ang babaeng may gusto sa binata.
      "Do you hear that, girl, two months ng nanliligaw at hindi sa kalye kundi sa bahay pa ni Michelle," nakairap na hinarap ni Glenda 'yung babae na marahil hindi talaga nakatiis ang kaibigan na ipagtanggol siya. Tanging ang best friend niya lang ang nakakaalam na nanliligaw sa kanya ang binata dahil sa iisang lugar lang sila umuuwi ng dalaga. "At sa tanong mo kung siya ang special someone ni Alexander, well, it's a BIG YES!" dagdag pa nito na naging dahilan para magwalk out ang babae dahil sa pagkapahiya.
        "Sabi mo sa akin kagabi hindi ka pa rin makapaniwala na ikaw talaga ang babaing bumihag sa puso ko kaya naisip ko na kung ipangangalandakan ko na sa lahat ng tao kung gaano kita kamahal baka maniwala ka na sa akin," madamdaming saad ni Alexander sa kanya samantalang ang lahat ng estudyanteng nanonood ay biglang natahimik na animo'y hinihintay na kung ano ang susunod na mangyayari. "Ngayon naniniwala ka na bang mahal kitang talaga."
         Tumango siya kaya nakita niyang nagliwanag ang mukha nito. "This time, Michelle, will you answer me please," tila nagmamakaawang tiningnan siya sa kanyang mga mata.      
        "Will you be my girl?"
        "Yes! na girl!" nagtitilihang hiyaw ng mga nasa paligid na inunahan pa siya sa pagsagot.
        "'Pag hindi mo pa sinagot si Fafa ako ng sasagot sa kanya ng 'Yes'," malanding singit naman ng isa pang nakikiusyoso sa kanila na naging dahilan para mapangiti siya.
         Nanatiling nakatitig ang binata sa kanyang mga mata na naghihintay ng tugon niya kaya hindi na niya natiis pa ang binata. "Ka-gwapong tandang na nga ang nalapit alanging tumanggi pa'ko baka mamaya ibang palay na ang tukain niya," bulong niya sa sarili.
         "May magagawa pa ba ako, na-corner mo na'ko," nakangiting komento niya na hindi na isinatinig ang nasa isip ng mga panahon na'yon.
         "What do you mean?" namimilog ang matang tanong ni Alexander.
Inilapit niya ang bibig sa tainga nito saka bumulong. "Yes," aniya. "From now on I'm officially yours, Alexander," buong tamis na dugtong niya.
         "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ulit nito na sinagot niya ng isang tango kaya hindi na'to nakatiis niyakap siya nito ng buong higpit na tinugon naman niya. "I love you so much, Michelle," dugtong pa nito na narinig ng lahat kaya mas lalong umugong ang hiyawan.
        "Kiss! Kiss!" narinig nilang hiyaw ng mga nasa paligid kaya nakangiting inilayo nito ang katawan sa kanya saka tumingin ang kasintahan.
        "Kiss daw, babe," pilyong ngiti ng lalaki. "Chance ko na yata 'to para maka-first kiss na'ko sa'yo," dagdag pa nito na naging sanhi nang lalong pag-iinit ng kanyang mukha.
        "'Wag ka na'ng magpakipot, girl," narinig niyang wika ng baklang kasama sa lupon. "Kapag hindi mo siya pinagbigyan ako na lang ang hahalik sa Fafa mo."
         Marahil dahil sa panghihikayat ng mga taong nasa paligid o baka dahil sa kilig na umuusbong sa kanyang puso ngayon kaya hindi niya napigilang ang sarili na mabilis na gawaran ng halik sa pisngi ang binata na labis na ikinagulat nito sa simula subalit nang mahimasmasan ay kinabig na siyang palapit sa mga bisig nito saka siya ginawaran ng mabining halik sa kanyang mga labi.
         "Halika na, babe," aya na nito makalipas ang ilang segundo. "Ihahatid na kita sa inyo para makuha ko na rin ang blessing nila Tito at Tita sa relasyon natin," nakangiting saad nito na labis na ikinatuwa niya dahil agad nitong naisip ang mga magulang niya na siguradong matutuwa sa ibabalita nila.
          Magkahawak kamay silang dalawa na naglalakad noon na tila sa kanila lang umiinog ang mundo at tila wala ng katapusan ang kaligayahang nadarama ng mga panahong iyon subalit sa isang idlap lang nawala ring lahat ang mga pangarap na binuo nilang dalawa.
          Ngayon naririto siya sa loob ng kanyang kwarto, nakahiga at lumuluha habang binabalikan na lamang ang mga magagandang alaala nilang dalawa ni Alexander. Para siyang baliw na habang umiiyak ay nangingiti nang balikan ang panahon kung paano niya sinagot ang binata tatlong taon na ang nakalipas. Isang magandang alaala na lang ito na kayhirap kalimutan kasama ang buong tatlong taon na nasa piling pa niya ang binata at puno ng pag-iibigang akala niya ay hindi kailanman hahantong sa isang wakas. Pagkatapos ng tatlong taon tinapos nito ang kanilang relasyon ng gan'un gan'un na lamang at ang mahirap nito ay naganap ito ng walang babala o anumang senyales na magwawakas na pala ang lahat. Ni minsan hindi sila nagtalo o nag-away man lang, sa bawat minuto'y ipinaramdam nito sa kanya ang wagas nitong pag-ibig to the point na naging dependent siya sa lalaki na siyang malaking pagkakamali niya siguro. Hindi niya naisip na dahil umiikot ang mundo niya sa binata'y magiging sagabal siya para maabot nito ang mga pangarap. Oo, pangarap nito, hindi babae o anumang bagay ang dahilan ng paghihiwalay nila ilang araw na ang nakaraan. Somehow may mali rin siya, masyado siyang naging dependent sa lalaki na marahil nasasakal na ito sa ugali niyang iyon na kung saan gusto niya laging nasa tabi lang ang kasintahan. Hindi niya naisip na may mga gustong marating ang kasintahan na napipigilan dahil ayaw niyang nawawala sa paningin ang lalaki na tila ipinararating rito na tulad niya ay dapat tumigil din ang pag-inog ng mundo nito sa kanya lamang. Kaya heto siya ngayon, kailangang tanggapin ang katotohanang hindi na kailanman babalik ang lalaking tatlong taong naging bahagi ng kanyang mga pangarap.

Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon