Sweet Memory

120 14 0
                                    



NANG maihatid siya ng dalawa sa grocery, nakita niya mula sa salamin na dumiretso na ang dalawa sa sakayan. Dahil along the highway lang ang lokasyon ng naturang establishment sinadya niyang lumugar sa may pintuan para masiguradong nakasakay na nga ng jeep ang mga kasama kanina. Nang matiyak niyang hindi na makikita ng mga ito'y dali-dali na siyang lumabas at saka tinahak ang daan patungo sa lugar na nagpapaalaala ng kanyang mapapait na karanasan. Ilang sandali pa'y nakatanaw na siya sa tahanan ng dating kasintahan habang kunwa'y nagmemeryenda sa kaharapang tindahan nito. Sigurado siyang sa mga oras na'yun ay walang tao sa naturang bahay base sa katahimikang nakalatag sa kapaligiran kaya malaya niyang nagugunita ang sayang hinatid ng binata sa kanyang buhay.
       “Babe, don’t look at me like that,” nakangiting sabi ni Alexander habang nakasalumbabang pinapanood niya ang kasintahan sa pagluluto ng caldereta.
       Napaderetso tuloy siya ng upo bago namumulang tiningnan ang lalaki. “What’s wrong, babe?” nagmamaang-maangan na tanong niya dahil somehow sa kislap ng mata ng kasintahan nahuhulaan na nitong pinapapak na niya ang binata sa kanyang imahinasyon.
       “Babe, hindi pa luto ang ulam natin pero sa tingin mo sa akin parang magde-desert ka na ah,” pilyong komento ng binata sa kanya kaya lalong namula ang mukha niya dahil tumpak nitong nasabi ang tumatakbo sa isip niya ng mga panahong iyon.
         Paano ba namang hindi siya magpapantasya kung gan’ung naka-muscle shirt at cargo short lang ang binata na dahil maganda ang built ng katawan ay humahakab rito ang suot. Mamula-mula pa ang maputing kutis nito samantalang perfect ang features nito sa mukha. Mahigit dalawang taon na silang magkasintahan ng binata pero hindi pa rin siya makapaniwalang nabingwit niya ang puso ng lalaking ito. 
        "Eh kasi naman, babe, mas yummy ka pa kaysa niluluto mo,” pakikisakay niya sa biro nito bagaman namumula pa rin ang kanyang mukha. “Matagal ka pa ba d’yan, babe?” kunwa’y tanong niya para maiba ang usapan nila.
        "Malapit na, konting tiis na lang,” nakangiting wika nito saka siya nilapitan habang bitbit nito ang kutsara na may lamang sarsa ng caldereta. “Tingin mo, babe, okey na ang lasa?” tanong nito sa kanya saka hinipan muna ang hawak bago isinubo sa kanya.
         Nag-thumbs up muna siya bago nagsalita. “Perfect!” bulalas niya na naging dahilan para mapangiti ang binata.
       “Parang may kulang pa, babe,” anito na kunwa’y nag-iisip.
       Kumunot ang noo niya dahil para sa kanya tamang-tama lang naman ang timpla nito sa caldereta. “Masarap naman na, babe.”
       “May kulang pa nga, babe,” ulit nitong muli na nang tingnan niya ang mukha nito’y bakas ang namimilyong ngiti nito sa mga labi. Nabigla siya nang bigla nitong siniil ng halik ang kanyang mga labi bago muling nagsalita. “There, kumpleto na.”
       Namumulang kinurot niya sa tagiliran ang binata kaya tawa ito ng tawa bago bumalik sa tabi ng niluluto nito. “Puro ka talaga kalokohan, babe,” naiiling na sabi niya.
       “Ako lang ba, babe,” pilyong saad nito saka pinatay na ang kalan bago hinarap siya. “Ikaw nga d’yan akala mo hindi ko alam, kanina mo pa ako pinagpapantasyahan.”
       Napabungisngis siya ng tawa dahil sa sinabi nito bagaman kanina pa nagkukulay kamatis ang mukha niya dahil sa kapilyuhan nito. “Magkaroon ba naman ako ng ubod ng gwapo at macho na boyfriend natural na kahit sa imagination pinapapak na kita.”
       “Pwede mo namang tikman ‘tong ubod ng gwapo at macho mong boyfriend kung gusto mo lang naman,” nanghahamon na sabi nito saka dahan-dahang lumalapit sa kanya.
        Biglang pinagpawisan siya ng malagkit habang palapit nang palapit ang kasintahan na langhap na langhap niya ang pinagsamang aroma ng caldereta at ang mabangong singaw ng katawan nito. Feeling niya kusang malalaglag ang panty sa sandaling halikan siyang muli nito kaya bago tuluyang matukso mariing ipinikit niya ang kanyang mata. Ilang saglit siyang naghintay sa gagawin ng kasintahan kaya napakislot siya nang maramdaman niyang niyakap siya ng binata saka mabining hinalikan sa kanyang noo na naging sanhi para idilat niya ang kanyang mga mata. 
        “I love you so much, babe,” seryoso ng usal nito at nawala na ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “Always remember my promise that I’m going to preserve your innocence ‘til our wedding day,” anas nito na nagbigay ng assurance sa kanya na hindi sila kailanman lalampas sa limitasyon.  
       “I love you too, babe,” nakangiting tugon niya bago buong pagmamahal na niyakap ang kasintahan.    

Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon