Chapter 5

97 12 0
                                    


CHAPTER 4

SATURDAY night, gaya nang dating gawi, gigimik na naman sila ni Glenda o mas tamang sabihin na magpupunta na naman sila sa mga lugar kung saan makikita ang mga lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari ng kani-kanilang mga puso. Isang buwan na rin ang nakalipas nang magkahiwalay sila ng kasintahan subalit kahit anong pilit niya ayaw talagang mawala sa isipan si Alexander kaya halos gabi-gabi hindi siya nakakatulog ng maayos. Sumasakit lang ang ulo dahil sa puyat kaya naisip niyang gumimik na lang lagi sa gabi para pag-uwi niya makakatulog na siya agad. Mabuti na lang laging nandiyan si Glenda na nakikinig sa mga kwento niyang walang katapusan habang sinasariwa ang nakaraan nila ng kasintahan at pasalamat na lang siya na nauunawaan ng mga magulang ang pinagdadaan niya basta ang pakiusap lang ng mga ito sa kanya ay  huwag siyang lalampas ng alas-dose ng gabi sa kalsada. Mabait rin ang Diyos sa kanya dahil nataon na summer vacation kaya hindi maaapektuhan ang studies niya lalo na’t huling taon na niya sa kursong BS Accountancy this coming school year.
         “Tara, punta tayo doon sa coffee shop nila Benedict,” kinikilig na yaya sa kanya ni Glenda. “Kunwari hinahanap natin sina Benjie at Derreck.”
         “Ayoko nga, baka anong isipin ng mga ‘yun,” tutol niya. “Isa pa bakit nasali sa usapan ‘yung dalawa?” kunot-noong tanong niya rito. “Dati naman tayong nagpupunta d’un ng hindi ginagamit ‘yung dalawa ah.”
        "Sige na naman, Best,” pangungulit ng kaibigan. “Kapag hindi ka pumayag ‘di kita sasamahan ngayong gabi at ikukwento ko sa pamilya ni Alexander na gabi-gabi tayong dumadaan sa harapan ng bahay nila.”
         Pinandilatan niya ang kaibigan bago paismid na sumagot. “Hmp! Kailangan pa bang i-blackmail ako?”
         “Ang KJ mo naman kasi,” komento ni Glenda. “Gusto ko lang naman makita ang mahal ko.”
         “Gusto mo palang makita bakit kailangang gamitin mo pa ako,” nakairap na sagot niya. “Baka mamaya anong isipin nila Derreck sa akin.”
         “Sige na naman kasi,” pangungulit pa rin ng kaibigan sa kanya. “Kunwari makiki-tsika tayo sa kanila para may rason na tayo na mag-stay doon ng matagal.”
        "Okay fine, panalo ka na,” pagsuko niya para hindi na humaba pa ang usapin dahil halos pareho lang naman sila na nagpapakabaliw sa mga ex nila. “Basta ‘wag mo lang akong pagmumukhaing cheap diyan sa ideya mo at ‘wag na ‘wag mong ipapasok sa isip nila lalo na n’ung Derreck na ako ang may gustong makipag-usap sa kanila dahil talagang masasabunutan kita,” kunwa’y banta pa niya sa kaibigan pero alam naman ng kausap na never niyang gagawin iyon.
         “Don’t worry nakaisip na ako ng magandang alibi,” anito saka siya kinindatan.
Subalit nang nag-aabang na sila ng jeep eksakto namang kabababa lang ng sasakyan ang magkaibigang gagamitin sanang alibi sa pagharap kay Benedict.
         “Michelle! Glenda!” hiyaw ni Benjie na nagmamadaling tumawid ng kalsada para makapunta sa kinatatayuan nila.
         “Saan kayo pupunta?” tanong niya nang makalapit na ang dalawa.
         "Sa inyo,” sagot ni Benjie. “Sasamahan ko sana ‘tong kaibigan ko.”
        “Really?” namimilog ang matang bulalas ni Glenda.
        "Yup,” tugon naman ni Derreck habang nakatutok sa kanya ang mga mata. "Dadalawin sana kita pero ngayong magkaharap na tayo baka pwedeng yayain na lang muna kitang mamasyal.”
        “Siya lang?” nakangiting tanong ng kaibigan niya.
        “Kasama ka siyempre para may ka-partner naman ako,” simpatikong sabad naman ni Benjie na ang atensiyon ay nakapako kay Glenda.
         Kinikilig na napalingon si Glenda sa kanya para i-convince siyang sumama. “Pumayag ka na tutal gigimik naman talaga tayo ngayon,” wika nito saka hinarap si Benjie. “Hindi ko kailangan ng ka-partner, alam mo namang simula’t sapul loyalista ako ng kuya mo,” dugtong nito na naging dahilan para mapakamot sa ulo ang binata.
        “Talagang patay na patay ka pa rin kay Kuya,” napapalatak na komento ni Benjie. “Wala ka ng pag-asa d’un, nag-e-enjoy na ‘yun sa kung kani-kaninong kandungan,” dagdag pa nito saka tumawa ng malakas.
         “Tse!” bulyaw ni Glenda saka inirapan ang lalaki ng pagkatalim talim. “Asungot ka lang naman dito kaya umuwi ka na lang kesa sinisira mo ang araw ko.”
         “Napakagwapong asungot ko naman, Gee,” nang-aasar na bwelta nito sa babae. “Alam mo maraming nagsasabing mas gwapo ako sa kuya ko nagkataon lang na hindi ako kasing kaladkarin niya na kung sinu-sinong babae ang sinasamahan.”
         “Talaga lang ah,” nakasimangot na wika ni Glenda.
         “Oo, kaya kung ako sa’yo pagtiyagaan mo na lang muna ang gwapong mukhang ito dahil hindi araw-araw available ako,” pang-iinis muli nito na lalong ikinasimangot ng kaibigan. 
         Napapailing na lang siya habang nakatingin sa dalawang parang aso’t pusa kung magsagutan. Noong mga bata pa sila hindi naman gan’un ang dalawa at kung tutuusin super close pa nga. Nagbago lang talaga si Benjie simula nang maging girlfriend si Glenda ng kuya nito na kung saan sa tuwing may pagkakataon talagang aalaskahin nito ang huli.
          "Tama na nga ‘yan,” awat niya sa dalawa. “Tutuloy pa ba tayo o mag-aaway na lang kayo?”
          “Tuloy!” halos sabay na sagot ng dalawa kaya napangiti na lang siya.
          “Okay, tara na,” deklara niya habang sa isip mukhang maaaliw siya dahil siguradong malilibang siya sa dalawa. Isa pa makakabuti na rin sa kanya ang ganito kaysa magmukmok na naman sa harap ng kaibigan.
         "Saan mo gustong pumunta, Michelle?” nakangiting tanong ni Derreck na halos nakalimutan na niya dahil sa pagkaaliw sa panonood sa dalawa kaya napakislot na lang siya nang alalayan nito ang kanyang braso sa pag-akyat sa pinarang jeep.
         "Anywhere basta masaya,” tugon niya sa lalaki na nakahiyaang bawiin ang braso niya mula sa pagkakaalalay nito. “Pwede rin naman sa mall para malamig ang pagtatambayan natin.”
         “Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” nakangiting wika nito saka kumuha ng pambayad sa bulsa para sa pamasahe nilang apat.

Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon