Confession

84 10 0
                                    

“HONEY, okey lang ba sa’yo na pagkatapos natin sa inyo dumiretso naman tayo sa amin?” tanong ni Derreck sa kanya habang hinihintay nila sa labas ng simbahan ang susunod na misa.
        Parehong may pinuntahan ang mga magulang kaya nauna na silang magsimba at hindi niya naipakilala ang kasintahan sa mga ito. Tinawagan naman siya ng mga magulang at nagbilin sa kanya na dalhin niya sa bahay si Derreck pagkatapos nilang magsimba.
        "Bakit?” nakangiting tanong din niya sa kasintahan bagaman may ideya na siya kung ano ang dahilan.
        “Kagabi kasi lumampas na’ko ng alas-dose kaya lahat sila naghihintay na sa salas,” pagkukwento nito na agad siyang naka-relate dahil inabangan din siya ng mga magulang kagabi. “Ready na silang sermonan ako pero agad kong sinabi ko na may girlfriend na ako at sinabi kong ikaw nga ‘yon. Kaya ha’yun excited na silang lahat na makilala ka kasi ikaw pa lang ang kaisa-isang babaeng binanggit ko sa pamilya ko,” tugon nito. “Lagi kasi kitang kinukwento sa pamilya ko.”
         “You mean wala ka pang ipinapakilala sa kanila na ibang babae?” kunot-noong tanong niya. “Ilan na bang naging girlfriend mo maliban sa akin, ‘yung totoo hah?”
          “Honestly speaking mayroon na rin akong mga naging girlfriend pero hindi naman kami nagtatagal at isa pa hindi ko pa naman nakikita ang sarili ko noon na magseseryoso sa isang relasyon,” seryosong pag-amin ng binata. “Sa maniwala ka man o hindi sa’yo ko lang naramdaman ‘yung ganito kaya sabi ko sa sarili ko ikaw lang ang first and last girlfriend na ipapakilala ko sa pamilya ko.”
         "Talagang ako ang first and last?” natatawang wika niya sa pag-aakalang biro lang ang sinabi ng lalaki.
         "Ibig sabihin mahal mo na agad ako noong niligawan mo ako sa text?” hindi makapaniwalang dugtong niya.
         “May aaminin ako sa’yo, Honey,” anito bago masuyong hinawakan ang kanyang palad. “Ang totoo
hindi ako ‘yung nangungulit sa’yo sa text n’un kundi si Benjie napagtripan niyang pakialamanan ang cellphone ko pero totoo naman talagang gusto kong ligawan ka kaya hinayaan ko na lang siya.”
       Napangiti siyang bigla dahil sa nalaman. “Kaya pala ang kulit ng ka-text ni Glenda,” nakabungisngis na pag-amin din niya. “Si Glenda rin ‘yung nag-add friend sa’yo sa Facebook.” 
          "I see,” napapailing na wika ni Derreck. “Destiny talaga ang dalawang ‘yun hindi pa lang nila nare-realized ang bagay na’yon,” nakangiting dugtong nito.
       “Agree ako d’yan,” pagsang-ayon niya sa tinuran ng binata.
         “Mabalik tayo sa ating dalawa, may isa pa akong aaminin sa’yo” anito na kinuha ng muli ang kanyang
atensyon. “Ang totoo pa n’yan noong fifteen pa lang ako crush na kita kaya nga madalas ako kina Tito Brando noon at habang tumatagal patindi ng patindi ang pagkakagusto ko sa’yo.”
        Nabiglang napasulyap siya sa katabi at hindi magawang makapag-comment sa natuklasan.     
        “Pero dyahe ako kasi matanda ka sa akin pero after ilang taon na na-realized ko na iba na talaga ‘yung nararamdaman ko sa’yo kaya sabi ko sa sarili ko liligawan na kita pero huli na pala ako kasi may boyfriend ka na noon. Lalo akong nawalan ng lakas ng loob nang malaman kong mayaman siya kaya pinilit ko na lang kalimutan ka,” mahabang pag-amin nito sa kanya.
         “Kaya nga nakakahiya mang aminin nang malaman ko na wala na kayo ng boyfriend mo nakasilip ako ng pag-asa kaya nga bigla akong naging visible sa paningin mo dahil nagbabakasali akong ibaling mo na sa akin ang pagtingin mo para sa kanya,” pagpapatuloy ulit ng binata samantalang hindi niya alam ang dapat sabihin o maramdaman ng mga sandaling iyon.
        “Galit ka ba sa akin?” nag-aalalang tanong ni Derreck sa kanya dahil kanina pa siya walang kibo.
         Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. “Bakit naman ako magagalit sa’yo,” aniya. “Atleast ngayon alam ko na kung bakit ganyan ka ka-concern sa akin kasi noon mo pa pala ako mahal. Bigla tuloy akong nahiya sa’yo kasi alam mo naman na hindi ko pa kayang suklian ang pag-ibig mo para sa akin.”
        Buong pagmamahal na pinisil nito ang kanyang palad na kanina pa nito hindi binibitiwan bago masuyong tiningnan siya sa mga mata. “Wala akong pakialam kahit matagal pa akong maghintay kasi mahal kita at lahat gagawin ko para hindi ka na muling masaktan,” buong pagmamahal na turan nito. “Isa pa, nakapaghintay nga ako ng limang taon at nakuntento lang sa pagtanaw sa’yo mula sa malayo tapos maiisipan ko pa bang sumuko ngayong alaala na lang niya ang karibal ko.”
         Hindi na lang siya kumibo pa basta hinayaan niya na lang na magkahawak ang kanilang mga kamay hanggang sa magsimula na ang misa.



Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon