Another memory

54 7 0
                                    

WALA pang isang oras nasa harapan na sila ng isang may kalakihang bahay bagaman may kalumaan na ito. Tama ang hinala niya, hindi nga ito kasing yaman ni Alexander subalit hindi mo naman masasabing naghihirap ang mga ito. Medyo alanganin siyang pumasok dahil alam niyang naghihintay sa kanya ang buong pamilya nito. Bigla naalala niya noong unang araw na ipakilala siya ni Alexander sa pamilya nito, hindi siya mapakali noon dahil sa pang-uuring nakikita niya sa mga ito.
        "Mom, Dad, si Michelle,” pakilala ni Alexander sa kanya. “Girlfriend ko.”
        Tiningnan muna siya ng ina nito mula ulo hanggang paa bago nakakunot ang noong tiningnan siya. “She’s really your girl?” pakli nito bago hinarap ang anak. “’Hindi ko alam na nag-iba na pala ang taste mo sa pagpili ng babae, Alex,” dugtong pa nito na lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito na hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin.
         “Mom!” bulalas nito bago nahihiyang napasulyap sa kanya kaya ginagap na lang nito nang mahigpit ang kanyang palad na tila nais iparating na hindi siya nito pababayaan. “Don’t be so drastic in giving your opinion to my girl.”
         “Hey, I’m not criticizing your girlfriend,” nakaismid na wika ng ginang. “Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko ngayon.”
         “Hija, don’t worry, wala naman kaming pakialam kung sino o ano ang magiging girlfriend ng anak namin,” masuyong singit ng padre de pamilya na mukhang kabaligtaran ng ugali ng asawa. “Ang mahalaga sa amin ‘yung mamahalin nila at mamahalin din sila habangbuhay.”
       Tipid na ngumiti ang ginang sa kanya bago nagsalita. “I’m sorry, Michelle. I’m just wondering kasi ikaw pa lang sa pang-apat na girlfriend niya ang ipinakilala sa amin na hindi Beauty Titleist. You know what I mean,” wika nito bago napalitan ang ekspresyon sa mukha nito, naging malambot na’to na patunay na hindi naman pala talagang matapobre ang ginang. “But other than that, you’re very much welcome to our family. Basta mahal ng anak ko mamahalin na rin namin, just give me a time to adjust.”
        “Pasensya ka na, hija,” inakbayan siya ng daddy nito saka iginiya sa loob ng kusina. “Nasanay lang kasi ang mommy n’yo na puro fashionista ‘yung mga naunang girlfriend ni Alex kaya ngayon naiisip niya kung may fashion statement ka bang maibabahagi sa kanya or just plain being an ideal girl na tipong pagsisilbihan lang kaming mga lalaki sa bahay.”  
        Naiintindihan naman niya kasi kung itsura talaga ang pag-uusapan wala siyang panama sa mga naging ex-girlfriends ng binata. Tipong artistahin ang itsura ni Alexander kaya hindi nakapagtatakang maging habulin ito ng babae samantalang napaka-plain lang ng kanyang itsura. Hindi siya maganda, hindi rin naman pangit, iyon bang tipong kailangan mo munang makasama ng matagal bago mo ma-appreciate ang panlabas na katangian. Siguro kung hindi lang siya ang matalino at mabait malamang hindi siya mapapansin ng binata na nakasama niya sa isang organization sa unibersidad na pinapasukan nila.
        Tumagal muna ng ilang lingo ang relasyon nila ng binata bago siya natanggap at naging close sa mommy nito. Hindi kasi nito agad natanggap na ang isang tulad lang niya ang mamahalin ng anak. But sad to say, after ng lahat ng effort niya, ng relationship na na-built niya sa family nito nagawa pa rin siyang iwan ng binata. Hindi naman siya galit kay Alexander dahil alam niyang minahal siya ng binata at ng buong pamilya nito. Nagdamdam lang siya dahil masyadong mataas ang pangarap nito kaya mas pinili pa nitong iwan siya.

Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon