Chapter 7

46 5 0
                                    

DALAWANG linggo na silang magkasintahan nang ipinagpaalam siya sa mga magulang para mag-attend sa kasal ng isa sa mga kaibigan nito.   
          Noong una tinatanggihan niya dahil naisip niyang masyado pang maaga para iharap sa mga kaibigan nito subalit gusto talaga nang kasintahan na ipakilala siya bilang official girlfriend nito.
Habang nasa loob sila ng simbahan hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala sa mga kaibigan nito dahil ang bawat isa sa mga bisita ay nakatuon sa ikinakasal. Kunsabagay kahit siya naman ay masyadong nadala ng husto sa ganda ng kasal na kung saan dahil parehong Born Again ang mga ikinakasal kaya expect na niyang mas solemn at mas mahaba ang oras nito kumpara sa karaniwang church wedding.
         “Congrats, Jessica, Bernard,” masayang bati ni Derreck sa bagong kasal. Kasalukuyang nasa reception na sila at kasama nila sa table ang iba pang kaibigan ng kasintahan nang lumapit sa kanila ang mag-asawa.
          “Siya na ba ‘yung binabanggit mo sa amin noon?” nakangiting tanong ni Jessica na sa edad na bente-syete ay siyang tumatayong pinaka-ate ng grupo kaya hindi na kataka-takang mauuna nga itong ikasal. 
           “Yup, girlfriend ko si Michelle,” buong pagmamalaking pagpapakilala nito sa kanya kaya napatingin na sa kanila ang lahat ng nasa table.
           “Hi, Michelle!” nakangiting bati ng babae na sinundan din ng ibang ka-tropa nito. Good for 12 ang nasa table at maliban sa kanilang apat si Benedict lang ang kilala niya sa mga naroroon kaya isa-isa itong ipinakilala ng kasintahan.
            “Ako na ang magpapakilala sa kasama n’yo,” singit naman ni Benjie na biglang lumapit sa kaibigan niya. “Eto naman si Glenda, ang magiging girlfriend ko.”
           “Tse!” nakairap na wika ni Glenda kaya nagtawanan ang mga kaharap.
           “Ikaw talaga Benjie alaga mong asarin si Glenda,” natatawang komento ni Rommel.
           Hindi tulad niya kilala na ng magkakaibigan si Glenda dahil naipakilala na’to ni Benedict noong magkasintahan pa ang dalawa.  Sa loob rin ng mahigit isang taong magkasintahan ng dalawa maraming beses na itong pinayuhan ng mga ito na hiwalayan na ang lalaki dahil sadyang pabling talaga ang huli pero hindi nakikinig ang kaibigan niya. Mabuti na lang si Benedict na ang kusang humiwalay dito dahil kung hindi magtitiis talaga si Glenda hanggang sa matauhan ang lalaki na mukhang malayo namang mangyari.   
            “Salamat nakadalo kayo sa kasal namin,” masayang wika na lang ni Bernard na iniba na ang usapan. “’Ayan tinawag na ang table number n’yo pwede na kayong pumila sa pagkain,” nakangiting anunsyo nito nang marinig ang sinabi ng naturang host.
            “Sa wakas pwede na tayong kumain,” nagbibirong singit ni Benedict na nakaakbay sa isang mestisahing babae kaya palihim siyang sumulyap kay Glenda na alam niyang nagngingitngit na sa sobrang selos dahil harap-harapang nasasaksihan ang pagkapabling ng dating nobyo.        
            Napaka-insensitive talaga ng binata para ibandera dito ang bagong ‘laruan’ o sadyang wala lang itong ideya na labis nitong nasaktan ang dalaga.
           “Come on, guys!” yaya naman n’ung lalaking nagngangalang Mark. “Kanya-kanyang kuha ng pagkain.”
            Sabay-sabay na tumayo ang magkakaibigan kasama ang kani-kanilang ka-partner at pumila na para kumuha ng pagkain. Masuyo siyang inalalayan ni Derreck sa kanyang braso bago bumulong sa kanya.
            “Honey, gusto mo ako na lang ang kukuha ng pagkain mo para hindi ka na pipila doon,” pagmamagandang-loob ni Derreck.
            Napasulyap siya sa girlfriends ng mga kaibigan nito na nagtitiyagang pumila para kumuha ng pagkain. “Hindi na sasama na lang ako sa’yo, nakakahiya naman sa kanila baka anong isipin nila sa akin.”
          “Okey, sige,” anito at hawak-kamay na silang pumila sa likuran nila Glenda at Benjie.
          “Honey, anong gusto mo?” nakangiting tanong ni Derreck sa kanya. Nakapila nga sila pero ito naman ang humahawak ng plato niya. Hindi na lang siya kumontra pa kasi baka anong masabi ng mga tao kung simpleng bagay lang pagtatalunan pa nila.
           “Honey, try mo rin ito,” wika nito na tinuturo ang beef broccoli na nang tumango siya agad siyang pinagkuha nito kaya napapailang na lang siya dahil napapasulyap na sa kanila ang mga tao. Hindi niya alam kung naaartehan sa kanya o naiinggit lang dahil bukod-tanging si Derreck lang ang nag-a-assist sa kasintahan.
           Pagbalik sa mesa ipinaghila pa siya ng upuan bago ito tumabi sa kanya. Attentive din ito sa mga needs niya tulad ng pagkuha ng maiinom at desert, nang mahulog ang kutsara niya agad itong tumayo para kumuha ng kapalit, pagkatapos nila hindi na niya kailangang tumayo dahil ito na ang nagbabalik ng pinagkainan at kapag nakita nitong pinagpapawisan siya kukuha ito ng tissue para punasan siya nito.
           Pagkatapos nila sa reception nagkayayaan pa ang magkakaibigan sa bahay nila Bernard kung saan mayroon din salo-salo para sa mga close friends nito. Biruan ng mga ito next time na ang honeymoon dahil after daw ng araw na ito hindi na nila masosolo ang kaibigan.
           “Dito ka muna sa amin, Derreck,” yaya ni Rommel dito. “Iwan mo muna si Michelle sa kanila.”
           Napasulyap ito sa kanya na tila nagtatanong kung okey lang sa kanya. “Sige na, makipagkwentuhan ka na muna sa mga kaibigan mo, okey lang ako dito kasama ko naman si Glenda,” nakangiting sabi niya.
           Sumama nga ito sa mga kaibigan sa may terrace malapit lang sa pwesto nila. Nakita niyang inalok ito ng isang baso na alam niyang mamahaling wine ang laman nito base sa nakita niyang bote na nasa table ng mga ito subalit bago kunin napasulyap muna ito sa kanya kaya nakangiting tumango siya rito para ipahatid na okey lang sa kanya.
           “Grabe, Michelle!” kinikilig na wika ni Jessica. “Anong pinakain mo sa kanya at sobrang sunud-sunuran ata sa’yo ng kaibigan namin.”
           Nahihiyang ngumiti siya saka nagkibit-balikat. “Mabait lang talaga si Derreck,” tugon na lang niya.
            “Ows, he won’t do it unless he asked something in return,” nakataas ang kilay na turan ni Jasmin, kapatid ni Jessica.
           “What do you mean?” naguguluhang tanong niya.
           “Malay ba namin kung saan na umabot ang relasyon n’yo at ano na ang mga nagawa mo sa kanya para makuha ang buong atensiyon niya,” maanghang na pagbibintang nito.
          Namula siya dahil naiintindihan niya ang gusto nitong palabasin, inaakusahan siya ng babae na nagsisiping na sila ni Patrick. “Whether you believe it or not, he never attempts to ask me for something that he knows I can’t give.        
          Masyado akong ginagalang ni Patrick para gawin namin ‘yang sinasabi mo.”
          “Really?” nakaingos na sambit ni Jasmin. “Maybe, he didn’t find you attractive kaya hindi siya humihingi sa’yo.”
          “Stop it, Jasmin!” nanggigigil na pagpapahinto ni Jessica sa kapatid. “Tigilan mo na nga si Michelle,” anito bago siya nilapitan. “Pasensya ka na sa kapatid ko, may pagkataklesa lang talaga ‘yan.”
           “Okay, I’m sorry,” nakangiti nang sabi ni Jasmin na ewan niya kung totoo o kaplastikan lang. “Nagbibiro lang naman ako.”
           “Pero below the belt na ang biro mo,” nakasimangot pa rin na sabi ng bagong kasal na babae.
          “Ang sabihin mo selos ka lang kasi hindi ikaw ang niligawan ni Derreck,” nang-iinis na komento ng isa sa mga nakalupon sa kanila. “’Di ba matagal ka nang nagpapa-charming sa kanya pero never ka niyang pinapansin.”
           Matalim na sinulyapan nito ang babae kaya nanahimik itong bigla. “Don’t mind her, nagbibiro lang siya. Anyway happy ako dahil masaya sa’yo ang kaibigan namin,” nakangiti ng wika nito sa kanya.
           Ilang saglit pa ay naging kampante na ang loob niya sa mga kaibigan ng kasintahan maliban na lang kay Jasmin na bagaman nagngingitian na silang dalawa parang nararamdaman niyang may lihim silang rivalry na ramdam niya na bilang babae si Derreck ang dahilan. Hindi man nito sabihin malakas ang kutob niyang malaki ang pagkakagusto nito sa boyfriend niya base sa ikinikilos nito na lihim niyang sinusubaybayan. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil aminado siyang hindi pa niya masyadong mahal ang binata pero bakit hindi niya gusto ang ideya na may karibal siya sa huli. 

Through It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon