09

35 7 1
                                    

Chapter 9



Zin's POV



Pauwi na ako sa bahay, pero parang may pumipigil sakin na wag na munang umuwi , hindi ko alam kung dahil ba ito sa binalita sakin ni Papa na may bisita ako, pero parang ganon na nga. Hindi ko alam, imbis na ma-excite ako sa pag-bisita niya ay inis lamang ang nararamdaman ko at galit, pero mas nangingibabaw saakin ang curiosidad na malaman kung bakit niya iyon nagawa saakin.









Ayokong makita si Xavier ngayon.. 









Masyadong masakit yung ipinaramdam niya sa'kin...









Pero kailangan kong malaman yung rason, kung bakit niya iyon nagawa..







Hindi ko pwedeng pairalin yung galit ko.. 







Masyadong marami na akong iniisip , ayoko ng dagdagan pa.. 







Masyado na rin akong maraming dinaramdam sa ngayon... 







at ayoko nang dagdagan pa iyon.. 









Malapit na ako sa village namin, pero dumaan na muna ako sa 7/11 para bilan si Papa tsaka yung mga maids ng siopao. Hindi ko alam kung nadoon pa ba si Xavier pero bumili na din ako ng pagkain para sakanya ang favorite niya bola-bola. Palagi kasing iyon yung binibili niya tuwing pupunta kami ng 7/11 noon. 





Naalala ko lang.. 





Yun pa kasi yung mga panahon na okay pa kami.. 





Wala pa kaming ganitong problema.. 





Hindi ko alam sa totoo lang kung ano bang nangyari samin, bigla nalang kaming naging ganto.. Naging distant siya sakin, hindi ko kasi alam kung dahil ba sobrang busy ako kaya hinid ko napapsin na nagkakaroon na ng laamat yung relasyon namin, hindi ko rin alam kung bakit parang nawala na yung love niya saakin. I sometimes think na baka nagsasawa na siya saakin..



Bumili ako ng 50 pieces na siopao, marami kasing tumutulong saamin sa bahay pwera sa mga maids namin at sa driver. Binilan ko din ng meryenda ang mga guard sa village namin,napapagod din namin kasing yung mga yon. Bilib nga ako sa kanila dahil halos 12 hours silang nagta-trabaho at ang tanging gagawin lamang nila ay magbantay. Mahirap kaya iyon,nakakabored. ='>





"Ma'am, 2,698.75 po." sabi saakin ng kahera. Syempre hindi lang naman sipao ang binili ko noh, bumili rin ako ng mga panulak nila. Iniabot ko lamang ang aking byad at kinuha ang aking mga pinamili at mabilis na akong sumakay sa sasakyan. Nagugutom na kasi ako gusto ko mag-rice sana tiniran ako nila Papa. 









Nagda-drive na ako papunta sa village namin ng tumawag si Papa, ngunnit hindi ko iyon sinagot dahil malapit naman na ako sa village namin. itatanong lang siguro nun kung kakain ba ako, tsaka kung nasaan na ako. 







Nandito na ako sa sa gate ng village namin at binubuksan nalamang ng guard ang gats para makapasok na ako. 







"Magandang hapon po!" masiglang bati saakin ni Manong guard. hinid ko naman kasi kilala si Manong eh, paiba-iba kasi sila ng guard every other day. but same faces lang naman pero wala akong time kasi na tanungin pa ang mga pangalan nila. Kinuha ko lang mga siopao at coke na para sakanila at iniabot sakanila.





Until We Meet Again (On-Going)Where stories live. Discover now