Chapter 2
Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga. Kaba, takot, at sakit ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, pero way tiwala ako kay Xavier. Hindi niya ako lolokohin. Mahal ako non, hindi niya magagawa sakin yun.
Nandito ako ngayon sa hallway ng school namin, palabas na ako dahil mag kikita pa kami ni Luna sa mall. Nagpapasama siya, may bibilin daw kasi siyang pang regalo sa pamangkin niya dahil magb-birthday na bukas.
Wala akong dalang sasakyan kaya naman nag taxi nalang ako. Kanina pa yata si Luna sa mall, late kasi kami pinalabas nung Professor ko. Tsk, dami kasing sinasabi eh. Last review ko na yun actually, tapos puro duty nalang ako. Tapos magte-take nalang ako ng board para maging isang ganap na Surgeon na ako. Kaya masyadong busy ako ngayong taon dahil huling taon ko na. At matutupad ko na ang isa sa mga pangarap ko.
*krrriiinngggg* *krrriinngggg*
Luna's calling...
"Hello, bessy!" masiglang bati ko sakanya pag kasagot na pagkasagot ko ng tawag niya.
"Asan ka na?! Mag 30 minutes na akong nag hihintay sayo dito sa starbucks! Tunaw na yung ice, sa iced coffee ko!" sigaw niya kaya naman nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko.
YOU ARE READING
Until We Meet Again (On-Going)
FanficPangarap at gusto ko maging Doctor. Mayroon naman akong mapagmahal at masayang pamilya, at mayroon din akong isang mapagmahal at mapag supportang boyfriend, 7 years na kaming mag kasintahan. Masaya kami.. Marami kaming mga pangarap.. Marami kamin...