11

24 6 0
                                    

CHAPTER 11






*KINABUKASAN*






Zin's POV






Libing na ni Mama ngayon, kakatapos lang ng misa at naglalakad na kami papunta sa sementeryo kung saan ililibing si Mama. PKatabi ko ngayon si Papa at Xavier, si Papa ay nasa kaliwa ko at si Xavier naman ay nasa kanan ko. Lahat kami ay nakaitim ngayon, ayaw nila Papa ng naka-puti sa libing. Kung hindi niyo alam kung bakit, parehas lang tayong walang alam dahil kahit ako ay wala ring ideya kung bakit ayaw nila ng nakaputi sa libing. SIguro nakasanayan nalang nila Papa na nakaitim sa isang libing.






2 araw na rin akong walang balita kay Ayesha at Luna. Simula kahapon na last day ni Mama, at ngayon na libing ni Mama. Iniisip ko nab aka busy lang sila, at hindi naman ako dapat magtampo sakanila ng dahil lamang doon. Alam ko namang palagi silang nandito para supportahan at alalayan ako. Nagpa-pasalamat na ako doon at wala na akong iba pang hihilingin sa Panginoon kundi ay sana habang buhay nalang kaming ganito. Pero alam ko namang walang permanente sa kaya may magba-bago at magbabago pa din, I wish lang na sa magandang pagbabago ang mangyari sa amin nila Luna.






Maraming naki-libing, halos lahat ay classmate ni Mama nung highschool at college. Yung mga tito at tita ko naman ay hindi na nakisama sa paglalakad dito ngayon, dahil may mga edad na ang mga iyon at mahirap na baka sila naman ang sumunod kay Mama. Hehee ^.^






"Gusto mo ng tubg?" tanong ni Xavier sakin. Minsan may pagka-tanga tanga din 'tong si Xavier eh, malamang lang na gusto ko ng tubig bang init init kaya ngayon tapos naglalakad pa kami. Kundi ko lang 'to mahal kanina ko pa 'to sinapok.






"Ah, yes please." Mahinhin kong sabi sakanya. Minsan kailangan mo talagang magpa-bebe para mas bilisan niya yung kilos niya syempre BWAHAHAHAHA.






Medyo kumalma-kalma na ako ngayon, pagkatapos ng tribute kagabi ay parang nanghina ako. Yung mga luha ko ay wala ng iluluha dahil naubos na yata kagabi. Pero syempre hinid parin mawawala sakin ang lungkot, sakit, at pangungulilang nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Mama. Kailangan ko maging matatag lalo na ganto ang sitwasyon naming ni Papa. Maya't maya ko ring pinagmamasdan si Papa lalo kapag nasa bahay nalamang kami sa bahay, o kaya naman ay kapag magi-isa nalamang siya sa kanyang kwarto. Natatakot ako na baka sa sobrang lungkot ni Papa ay mag-suicide siya o kaya naman ay magpa-kamatay nalang siya siya bigla. Hindi naman sa nago-overthink ako pero kasi there could be a possibility that he will do that, especially in times like this. Mas mabuti at mas maganda na ang maging maagap tayo sa mga pupwedeng mangyari, kesa mag-sisi pa tayo sa huli.

Until We Meet Again (On-Going)Where stories live. Discover now