Chapter 20
2 AM na at hanggang ngayon ay kausap ko parin si Luna, kanina pa siya dito pero medyo natagalan kami mag umpisa ng kwentuhan kasi nagka emergency sa hospital.
Hindi ko pa nasasabi sakanya yung tungkol sa sakit ko, hindi ko pa din naisismulan ikwento yung nangyari sa amin ni Xavier. Wala akong lakas ng loob pang mag banggit ng kahit anong tungkol sakanya.
Gusto ko ng tapusin kung ano man ang meron sa amin, gusto ko nansiyang kalimutan. Sapat na yung 8 walang taon na pag sasama namin. Siguro nga hanggang doon nalang yun, at wala nang ieextend pa. Dahil pagod na ako, oagod na akong lumaban para sakanya.
At this time, pipiliin ko naman yung sarili ko. Siguro nga madami sainyo ang nagsasabing ang tanga tanga ko, ang martyr ko. Wala naman akong magagawa eh, mahal ko siya noon, pero ngayon natauhan na ako. Hindi na ako magpapaloko pa ulit.
“Hoy Scarlet, ano tutulala ka nalang jan?! Ang dami dami ‘kong daldal sayo! Tas di ka naman pala nakikinig.” Pag mumuktol saakin ni Luna.
“Engot! Napagod lang ako! Ito naman tampo ka kaagad jan!” sagot ko sakanya. “Ano di ka pa ba uuwi mag uumaga na oy! May duty pa ako bukas!” dagdag ko pa.
Lumingon siya sakin na tila ba ay gulat na gulat siya sa mga sinasabi ko. Gusto ko na talaga siyang pauuwin kasi bawal sakin ang mag puyat.
Alam ko namang dapat ng malaman ni Luna ang sitwasyon ko ngayon, kumukuha lang ako ng lakas ng loob kasi alam kong maliligalig ‘to. Sasakit lang yung ulo ko.
“Mukhang nagkakalimutan tayo Doctora?” sabi niya sakin at idagdag mo pa ang mataray niyang tono at ang kanyang kilay na isa lang ang nakataas. Nakakatawa.
“HAHAHAHAHA!!! Hindi bagay sayo bessy! Mukha kang tanga HAHAHAHAHA!! Omg.” Maluluha ako sa kakatawa dahil sa naging itsura niya. Hindi naman kasi siya nag tataray masungit lang, hindi pala bagay sakanya yung ganon. WAHAHAHAHA.
“Z-zin? Okay ka lang?” napatigil ako sa pagtawa ko ng makita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon.
“Huh? Oo okay lang ako. Gaga ka. Kanina pa tayo magkasama dito. Ikaw ang dapat kong tanungin kung okay ka lang ba? Ang bipolar mo. Pfft.” Pigil ko sa aking tawa dahil medyo naging seryoso yung aura namin.
“TUMATAWA KA NAAAAA!!!!!! OMG!!!! ZIN IKAW NA BA ‘TO?!?!?!?” sigaw niya.
“Hoy, ang ingay mo nay mga natutulog na sigaw ka ng sigaw para kang tanga! Ano bang masama sa pagtawa ko? Ngayon mo lang narinig? Tagal na nating magkasama bilang mag bestfriend Luna, wag kang tanga.” Pagsasabi ko sakanya.
Pero totoo.. Matagal tagal na din simula nung nakatawa ako ng ganito, matagal tagal na din simula nung naging masaya ako. Sana palagi akong ganito, walang pinoproblema, walang sakit sa dibdib, walang iyak tuwing gabi, mahimbing lang na tulog ay sapat na… Kahit alam ‘kong impossible.
Ang sarap maging masaya.
“Zin, I am happy that you are happy now…” naluha si Luna pagkasabi niya sakin nun. Mabilis akong pumunta sa gawi niya at niyakap ko siya ng mahigpit, nagsimula na din akong umiyak dahil sa sobrang saya.
Sobrang saya ko, ngayong gabi.
“Thank you, Luna.” At kumawala na ako sa pag kakayakap.
Nandito kami ngayon sa veranda ng condo ko, kapag nandito ka kasi makikita mo yung City Lights. Ang sarap titigan, ang peaceful, isama mo na din yung malamig na hangin.
Siguro ito nayung tamang oras para sabihin ko kay Luna ang tungkol sa sitwasyon ko. Hindi naman ako dapat na magtago sakanya. Wala naman akong dapat itago sakanya. Baka nga kapag sinabi ko sakanya, matulungan niya pa ako. At mas magiging mabuti pa ang kalagayan ko at mapapanatag pa ako.
“Luna/Zin” sabay naming tawag sa isa’t isa. “HAHAHAHA!” natawa nalanag kami parehas sa nangyari.
“Zin, kumusta na kayo ni Xavier? Di mo pa nakukwento sakin yun eh.” Bago pa ako makapag salita ay naunahan na niya ako.
Alam ko namang ito yung itatanong niya saakin, alam ko rin na nandito siya para sa tanong na yun.
“Walang nangyari haha. Hindi ko na siya kayang tanggapin pa sa buhay ko Luna. Masyado ng masakit yung ginawa niya saakin. Panahon na siguro para piliin ko yung sarili ko.” Seryoso ‘kong sagot sakanya. “Gusto ko na siyang tumigil sa kakakulit sakin, hindi ko siya pinapatigil dahil sa hindi ko na siya mahal. Gusto ko siyang patigilin kasi gusto ko ng piliin yung sarili ko. Masyado ko ng nasayang yung walong taon ng buhay ko.” Ngumiti ako sakanya. “Panahon na siguro para gamitin ko ang bawat sandali ng buhay ko oara sa mga taong worth it ng pagmamahal ko.” Tumigil ako at tumitig sa kawalan “Di ako nagsisising siya ang minahal ko, isa siya sa mga lesson na dadalhin ko habang buhay. Luna, mahal ko si Xavier pero hanggang dito nalang yung kaya ko.” Ngumiti ako sakanya at ibinaling ko ulit angbaking mga mata sa magandang tanawin, pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.
“Mahal kita, Xavier.” Bulong ko sa hangin.
Hindi umiimik si Luna saakin, at tila nabigla yata sa aking mga sinabi. Hindi niya siguro inakalang ganon ang magiging sagot ko.
Sa ngayon kailangan ko nalang maging matatag para sa pamailya ko, at para sa sarili ko. Sila ang kailangan ko, sila ang lakas ko. Sila ang magsisilbing gamot ko.
“I am proud of you, Zin. Ang tibay mo. Hahaha. Grabe yung lakas ng loob mo. Hindi ko inakalang ganto ka na katibay. Masaya ako para sayo. Masaya akong makita kang masaya.” Hindi siya lumilingon sakin kasi kilala ko to kapag lumingon yan sakin iiyak yan. Hays. Luna.
Ayoko ng ipagpabukas pa ‘to, gusto ko ng sabihin kay Luna.
“Luna, may dapat kang malaman tungkol sakin…” panimula ko sakanya. “Ano yun?” sagot niya kaagad.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin sakanya, sovrang kaba yung nararamdaman ko kahit wala namang dapat ika-kaba.
“Luna, may breast cancer ako. Stage 3.”
Pagkasabi na pagksabi ko noon kay Luna ay napalingon siya saakin, at napatakip ng kanyang bibig. Itsurang di makapaniwala.
Matagal na naging ganoon ang kanyang reaksyon. Pero ngayon may mga luha ng kasama. Lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit na higpit. Napangiti ako at naluha.
“Alam na ba ni Tito to?” kumawala siya sa yakap at pinunasan ang mga luhang nasa mukha niya.
“Oo kanina sinabi ko sakanya.” Ngumiti ako sakanya
“Alam ba ni Xavier?” tanong niya at natigilan ako.
Hindi ko na dapat pang sabihin ang nangyayari sakin ngayon, wala nngang rason para sabihin ko pa sakanya lahat.
“Hindi, at wala akong balka na sabihin sakanya Luna.” Deretso kong sagot sakanya.
“Bakit?”
“Wala ng rason para sabihin ko pa sakanya Luna, tapos nanakung ano mang meron kami. At sapat na rason na yun para hindi ko na sabihin sakanya. Oo naging malaking parte siya ng buhay ko. At hanggang doon nalang yun.” Sagot ko sakanyang tanong “At Luna, mangako ka sakin na hinding hindi mo ito sasabihin sakanya.” Deretsong tingin ko sakanyang mga mata. Matagal siyang hindi sumasagot at tila may malalim na iniisip. “Luna, mangako ka..”
“Z-zin… Di ko alam.” Sagt niya sakin.
“Luna please… Mangako ka..”
“Oo na! Oo na! Nangangako na. Kung di lang kita mahal.”
“Salamat, Luna. Mahal din kita. Yiieeee!!” sabay kiliti ko sakanya sa tagiliran niya. Alam ko kasing may kiliti siya sa parteng yon eh.
“Oh ano ng plano mo ngayon?” tanong niya saakin.
Napagisipan ko na ‘to noong isang araw pa at desidido na ako. Dito.
“Tatapusin ko lang ‘to, pagka graduate ko at pagkapasa ko sa board exams. Aalis ako, sa America ako mag papa chemotherapy. Ayoko na sana na mag pachemo pero kailangan nang humaba naman yung buhay ko. Haha.” Pag lalight up ko ng mood, na hindi naman nakatulong. “Hindi ko alam kung kelan ako babalik o kung babalik pa ba ako.”
“Hoy ano ka ba Zin!!! Psh. Hindi ka nakakatuwa!”sigaw niya sakin.
“Hahahaha! Kidding aside. Mag papagaling ako para sainyo Luna. Mahal ko kayo eh.”
“Nako, pupuntahan kita doon kahit buwan buwan.”
Lord, salamat at binigyan niyo ponako ng ganitong best friend…
“Promise ha?! Pag ikaw hindi ka pumunta doon…” pang tatakot ko sakanya.
“Oh, Ano?! Ano?!” panghahamon niya.
“Mumultuhin kita kapag namatay ako! Kala mo ha!” pananakot ko sakanya.
“Ay ewan ko sayo Zin. Bahala ka sa buhay mo.”
Napangiti nalamang ako sa kanyang sagot. Pumasok na ako sa loob at hinayaan nalang si Luna sa veranda. Inaanatok na kasi ako. May duty pa ako bukas.
‘Lord, sana habang buhay ng tahimik ang buhay ko. Gabayan niyo po ang mga taong mahahalaga sa akin kapag nawala po ako.’
YOU ARE READING
Until We Meet Again (On-Going)
FanficPangarap at gusto ko maging Doctor. Mayroon naman akong mapagmahal at masayang pamilya, at mayroon din akong isang mapagmahal at mapag supportang boyfriend, 7 years na kaming mag kasintahan. Masaya kami.. Marami kaming mga pangarap.. Marami kamin...