18

38 6 0
                                    

Chapter 18


Zin's POV

3 linggo na ang lumipas simula ng kumprontahin ko si Ayesha tungkol sa nalaman ko kay Luna. 3 linggo na rin simula noong nag-away kami ni Xavier. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap.

Nandito ako ngayon sa condo, kakaalis lang ni Papa. Nagpadala kasi ako ng mga damit 'ko. Mamaya ay pupunta ako sa hospital, magpapacheck-up ako. Linggo naman, wala akong duty, kasi magge-graveyard shift na ako ngayong week.

Medyo tanghali na kaya, napagdesisyonan 'kong magpunta na muna sa supermarket para makapag-grocery wala na kasi akong stock ng pagkain.

Nagsuot lang ako ng denim shorts at white na hoodie, nag suot nalang din ako ng slip-on na sapatos para comfortable ako. Binun ko lang ang aking buhok at isinuot ko ang eyeglasses ko.



Nandito na ako ngayon sa elevator pababa sa parking lot ng mag-vibrate ang cellphone ko.

Babe's calling...

Bakit naman kaya 'to napatawag? Psh. Pinatagal ko na muna ang ring bago ko ito sinagot. Sakto naman na nandito na ako sa Parking Lot kaya sinagot ko na din.

Marupok.


"Hello?" malamig kong sagot.

I miss you...



"Can we meet?" casual niyang tanong saakin.

"I'm going to the supermarket, what do you need?" sunod-sunod 'kong sabi sakanya.

Pero sa totoo lang gusto ko na siyang makita.


"I'll pick you up. Where are you?"


English naman ng english 'to nakakainis.

"Paalis na ako, itext mo nalang saan tayo mag kikita. May pupuntahan pa ako." at mabilis 'kong pinatay ang tawag.

Pinaandar ko na ang kotse ko at nagtungo na ako sa supermarket.

*buuuzzzztt buuzzzt*

From: Babe

Where are you? Nandito na ako sa Supermarket.

10:43 AM

Pagkabasa ko ay mabilis 'kong pinatay ang cellphone ko, at nag spray ako ng pabango. Half bath lang kasi muna ang ginawa ko kanina, malay ko ba kasing makikipag kita pala 'to. Tsk.


Wala talaga sa hulog.


Naglalakad na ako papunta sa Supermarket at malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Xavier, na nag iintay sa entrance ng supermarket.


"Hello." bati niya saakin. Nginitian ko lang siya at deretsong pumasok sa supermarket.



Kahit na gaano pa kita kamiss, hindi parin mawawala sakin yung sakit na ginawa niyo ni Ayesha.

Ilang araw akong hindi makatulog, wala sa hulog, minsan pinupwersa ko yung sarili ko sa pag-duduty para lang makalimutan ko ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon.


Ilang buwan nalang at ga-graduate na ako...



Magtatake na din ako ng boards after non...



Kinuha ko ang listahan ko sa maliit kong bag. Nilista ko na kasi lahat ng mga kailangan ko kaninang umaga para wala akong makalimutan.




Until We Meet Again (On-Going)Where stories live. Discover now