Chapter 17
Zin's POV
"Aaaaagghhh!!!! Ang sakit ng ulo kooooo!!!!!!" sigaw ko at napasabunot pa ako sa buhok ko.
Lintek na Luna, napadami siguro yung inom namin kagabi hays. Panibagong araw, panibagong sakit nanaman. Pag-gising ko ay ang sakit sakit ng ulo ko pano ba naman kasi halos 2 oras lang yata ang tulog ko pano si Luna at nagaya pa maginom, gusto ko rin naman para makatulog ako ng mabilis kesa marami akong iniisip.
Nagkausap kasi kami ni Luna kagabi, tinawagan ko siya dahil sa sobrang lungkot ko.
Bago pa man kami mag-inom ni Luna ay may sinabi siya saakin at may pinakitang mga litrato..
Hays. Naalala ko nanaman ang mga ginagawa namin ni Xavier noon, dito sa condo. Tuwing umaga ay maaga siyang pumupunta dito para sabay kaming pumasok sa school, may sarili na rin siyang susi para kung sakaling tulog pa ako ay makakapasok siya. Ipinagluluto niya ako ng paborito kong breakfast: fried rice, bacon at sunny-sideup. Ipinagtitimpla pa niya ako ng gatas ko, siya pa ang namimili ng mga dapat 'kong isuot sa araw na yun.
Pero ngayon, ako nalang mag-isa. Mag-isang inaalala ang bawat sandaling magkasama kaming dalawa.
Ayoko siyang iwan, pagod lang ako. Magpapahinga lang ako.
Xavier, babalik ako.
Hindi naman ako nakipag-hiwalay sakanya eh.
Pagod lang naman ako, pero mahal kita.
Naiiyak nanaman ako, ayoko na. Maliligo na ako at magddrive thru nalang ako sa McDo or baka mag-starbucks nalang ako. Hays.
Paglabas ko ng banyo ay dumiretso na ako kaagad sa maliit 'kong walk-in closet. Matagal tagal na rin simula noong huling pili ko ng mga damit ko dito.
Nagsuot lang ako ng high-waisted pants, hindisiya fitted medyo loose siya saakin, then nag suot lang ako ng plain black knitted shirt, medyo mahaba yung sleeves niya. Bumagay naman siya sa suot ko today, and nag heels lang ako na color white, 2 inches lang naman kaya walang problema. Pinatuyo ko lang ang buhok ko at hinayaan ko lang na nakalugay siya.
Pinalitan ko lamang ang bag ko at mabilis na rin akong umalis, sa kadahilanang late na ako. Muntik ko pang makalimutan ang coat ko sa pagmamadali.
"Goodmorning Doctora!" masiglang bati saakin ng Guard.
"Goodmorning din po Kuya! Have a nice day po!" masigla ko ring bati sakanya.
Nag-in lang ako at nagpa-alam lang ako kay Doc. Fernandez na magbe-breakfast muna ako, tutal wala pa naman masyadong patients.
"Ziiiinn!!!" sigaw ni Ayesha sa malayo, napalingon naman ako kaagad dahil ang ingay ingay niya.
"What the fuck, Ayesha?! You're too loud. Look, the patients are looking to you!" iritable kong sabi sakanya. Minsan wala talaga sa hulog 'tong si Ayesha. Hays.
"Ay, hehe sorry po!" pag-hingi niya ng pasensya sa mga pasyente. "Ito naman! Ang aga aga, sungit sungit." sagot niya sa akin at hinatak na niya ako papunta sa canteen.
YOU ARE READING
Until We Meet Again (On-Going)
FanficPangarap at gusto ko maging Doctor. Mayroon naman akong mapagmahal at masayang pamilya, at mayroon din akong isang mapagmahal at mapag supportang boyfriend, 7 years na kaming mag kasintahan. Masaya kami.. Marami kaming mga pangarap.. Marami kamin...