08

35 10 0
                                    

Chapter 8





Zin's POV



3 araw na ang lumipas simula nang namatay si Mama, 3 araw na ding hindi nag paparamdam si Xavier sakin.. Hindi ko alam pero hindi ko na siya macontact.. Pero wala akong oras ngayon para puntahan siya, mas mahalaga sakin ngayon ang Mama ko.. Tsaka ko nalamang iintindihin ang meron samin, kapag tapos na ang lahat nang ito.



Papunta ako ngayon sa Mall, para mag-grocery tsaka para makuha ko na rin yung necklace na pinagawa ko.. Nung isang araw pa kasi yun eh pero masyado akong busy non, isasabay ko nalang sa pag grocery ko ang pag kuha noon tutal iisang mall lang naman ang pupuntahan ko at ito na ang pinaka malapit saamin.




Hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang ginawa kong mali, para hindi ako kausapin ni Xavier, para hindi niya ako tawagan, para hindi siya mag-paramdam sakin.. Nakakapag-taka lang na maayos naman kaming nag-hiwalay noong huling kita namin.. Hindi ko lubos maisip kung anong rason ng pag-layo niya saakin..




Palaging nasa bahay si Luna para tulungan ako sa pag entertain ng mga taong nakikilamay sa Mama ko, pero tuwing magga-gabi na ay umaalis na siya.. May mga mahahalagang bagay pa raw siyang pupuntahan  at gagawin. Hindi naman ako tumutol doon dahil malaki naman ang naitutulong niya saakin.. Si Ayesha naman ay tuwing umaga dumadalaw bago siya mag duty, hindi niya na daw magawang dumalaw sa gabi o tumulong saakin dahil pagod na daw siya sa buong araw na duty.. Naiintindihan ko naman siya, wala namang problema saakin yun..







Nag papasalamat nalang din ako sakanila dahil kahit hindi naman ako humihingi ng tulong sakanilang dalawa ay kusang loob nilang ginagawa iyon..








Napaka-swerte ko sakanilang dalawa..









Sana ay hindi na kami mag-bago...









Sana ay habang buhay ko nalamang silang kasama..









Sana walang makasira ng pagkakaibigan naming tatlo...





*****






Mabuti nalamang ay hindi masyadong traffic ngayon, mabilis akong nakapunta sa Mall. Nag-park lang ako, at mabilis rin akong nagpunta sa Silver Works, yun muna ang aking pinuntahan oara tuloy tuloy na ako mamaya sa paggo-grocery ko..



Last Day na kasi ni Mama ngayon, bukas na ang libing.. Hindi na namin pinatagal, kaya naman kinakailangan kong mag-grocery ng marami dahil paniguradong maraming pupunta mamaya sa bahay.







Last day na ni Mama, di mo man lang nagawang dumalaw Xavier...








Nandito na ako sa Silver Works, kakaunti palamang ang mga tao dito ngayon dahil 11 AM palang naman.





"Goodmorning Ma'am!" masiglang bati saakin ng sales lady.






"Hello, goodmorning. Nanjan na ba si Ms. Mina?" nakangiti kong tanong sakanya.






"Ah, opo ma'am. Wait lang po ha, upo muna po kayo, tatawagin ko lang po si Ma'am Mina." sabi niya saakin at mabilis naman siyang nag-punta sa lob at hinanap na si Ms. Mina.





Si Ms. Mina ang kausap ko nung nag-pagawa ako. Siya rin ang naga-update sakin kung kelan dadating yung necklace. Mabait si Ms. Mina, kaya naman may nag titiwala ako sakanya na magihing maganda ang regalo ko kay Xavier..







Until We Meet Again (On-Going)Where stories live. Discover now