16

26 5 0
                                        

CHAPTER 16








ZIN'S POV










Ang sakit mo namang mahalin Xavier....














Nakalabas na ako ng company ni Xavier, at nandito na ako sa loob ng sasakyan ko. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. "Putangina!!! Kelan ba ulit ako sasaya?!!" Hinampas-hampas ko ang manubela ng sasakyan ko, at patuloy lamang ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung hanggang kelan o bai to mararamdama, hindi ko alam hanggang kelan ba 'to.














Napag-desisyonan ko na pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Mama. Dumaan na muna ako sa isang Flower shop para bilan si Mama ng bulaklak. Binilan ko siya ng kanyang paboritong kulay pulang rosas. Kailangan na kailangan ko si Mama ngayon... Nahihiya akong lumapit kay Papa, hindi lang yun pero natatakot din akong baka masaktan ni Papa si Xavier. Mabuti ng ako nalang at si Mama ang may alam.














Pinark ko lang ang aking sasakyan malapit sa libingan ni Mama. Hindi pa ako nakakalapit kay Mama ay wala nang tigil ang aking mga mata sa pag-iyak. Hindi ko alam kung kelan titigil 'to, pakiramdam ko ay kusang na itong tumutulo.










"Hi, Mama." pilit 'kong pinapasigla ang aking tinig, kahit alam ko namang alam ni Mama kung gaano ako kalungkot ngayon. "Ma... Kumusta ka jan?" tanong ko sakanya habang nililinis ko ang kanyang lapida, inaalis ko ang mga dahon-dahon. Dahan-dahan akong umupo sa lapag, nakatitig lamang ako sa kawalan iniisip kung ano ba ang mga nagawa 'kong mali para masaktan at malungkot ako ng ganito. Ginawa ko naman lahat ng alam kong mabuti at tama, bakit naman ganto yug sukli sakin?












Nag-simula nanamang tumulo ang mgaluha 'ko. "Ma..." nangingig 'kong tawag kay Mama. Tinakpan ko ang bibig ko, pinipigil ang mga hikbing gustong lumabas. "Mama, ang sakit sakit na... Ma, yakapin mo naman ako oh... Ma, balik ka na... Kailangan kita Ma..." iyak lang ako ng iyak, niyakap ko nalang aking sarili at yumuko. "Mama, di ko na po alam yung gagawin ko. Ubos na ubos na ako, Ma." Pagod na pagod kong sabi kay Mama. Pinunasan ko na muna ang mga luha ko sa mukha, bago ako mag-kwento kay Mama.














"Ma, alam mo ba? 8th Anniversary namin ngayon ni Xavier." I chuckled. "Ma, yung regalo ko sakanya, necklace. Yun binigay ko sakanya para kahit hindi kami nagkikita maalala niya ako." Pilit 'kong ginagawang masaya yung kwento ko kay Mama, "Pero Ma, hindi ko alam kung isusuot niya ba yun..." nagsisimula nanaman akong umiyak, "Kasi Ma, tinitigan niya lang kanina nung binigay ko sakanya yun. Asang-asa pa naman ako, na kaya hindi siya masyadong nagpa-paramdam sakin kasi nag reready siya para ngayong araw..." napahikbi nanaman ako. "Mama, pagod na pagod na ako..." umiiyak 'kong sabi kay Mama. "Ma, yakapin mo naman ako oh... Miss na miss na kita Mama..." tinakpan ko ulit ang aking bibig para pigilan ang aking mga hikbi..










May bigla nalang yumakap sakin mula sa likod. Nilingon ko kaagad kung sino 'yon. Nagulat ako sa nakita ko. "Papa..." mabiis akong yumakap sa leeg ni Papa at iyak lang ako ng iyak kay Papa. Para akong batang nadapa sa kalsada. "Shuushh.." pagpapatahan ni Papa sakin.












Tumigil lamang ako sa pag-iyak ng bitawan na ako ni Papa mula sa pagkakayakap niya saakin. Medyo kumalma-kalma na rin ako. Ang hapdi hapdi na ng ga mata ko, ilang oras na yata akong umiiyak. Ang init init na din ng mga mata ko. Feeling ko ang pula pula na ng mga mata ko.












Until We Meet Again (On-Going)Where stories live. Discover now