12

36 5 0
                                    

CHAPTER 12






Zin's POV






Nasa labas na ako ng hospital, at kitang kita ko kung paano nag uusap si Xavier at Ayesha. Base sa mukha ni Xavier ay mukha siyang galit. Kaya naman nag-mamadali akong makapunta sa kinaroroonan nila. Pero narinig ko ang sinabi ni Xavier.






"Ano ang hindi ko dapat malaman Xavier?" Nag tataka kong tanong sakanya.






Mayroon bang itinatago saakin si Xavier at Ayesha?






Halata ang gulat sa mga mukha nila Xavier at Ayesha. Mukhang hindi nila inaasahan na maririnig ko ang kanilang pag-uusap. Ang buong akala ko ay ako ang mag susuprise kay Xavier, pero ako ba dapat ang surpresa sakanilang dalawa?






Hindi dapat ako magpa-dalos dalos sa mga nararamdaman ko kinakailangan kong malaman kung ano ba dapat ang kanilang pinag-uusapan.. Kailangan marinig naa muna sakanila pareho ang hindi ko dapat malaman. Eh baka naman kasi isusurprise talaga ako ni Xavier sa anniversary namin, tapos kasabwat niya si Ayesha.







"Ahhh.. Oo nga, baka nga ganon.. " bulong ko sa sarili ko. Sabay naman silang napatingin sakin. Napalakas yata ang bulong ko. Hehe ^.^







"Anong baka nga ganon Scarlet?" nagtatakang-tanong ni Xavier saakin. Ang tanga tanga mo naman kasi Zin!!m Bubulong ka nalang yung malakas pa. Tsk.







"A-ah.. E-ehh.. Wala wala, may naisip lang ako. Ano nga ulit yung hindi ko dapat malaman?" balik ko sakanila ng tanong. Medyo kalmado na nag mga mukha nila pero parehas naman silang namumutla.

Until We Meet Again (On-Going)Where stories live. Discover now