Chapter 1
Naka tulala ako sa bus dahil naiisip ko ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ko sana kailangan gawin 'to kung pinakinggan lang ako ni Daddy. Nang sinabi sa'kin ni Dad noon na gusto niyang ipakasal ako sa anak ng Business partner niya. Hindi ako pumayag. Araw-araw akong nag-iisip para hindi humantong sa gusto niya.
Hanggang ito ang naisip kong paraan. Palagi ko siyang kinakausap tungkol doon. Hindi ko gustong gawin 'to. Pero mas ayokong gawin ang gusto niya. Kaya ito ang paraan ko. Ang tumakas mula sa gusto niyang mangyari. hindi niya 'ko binigyan ng pagkakataon para pumili para sa sarili ko.
All my life, I obeyed his wants. When my Mom died a years ago, I felt like he's gone too. He's my only family left, my Father. Kaya't hindi ko na makakayanan kung pati siya ay mawala. I don't want to be alone.
Tumigil kami sa isang fastfood para mag palit ng damit doon. Dahil puro putik na ang pang-ibabang dress na suot ko mula sa pagtakas kanina. Pinalitan ko na rin ang sapin ko sa paa, I'm wearing a Nike airforce shoes. And a simple t-shirt with short. Gusto sana ni Dove na sa Condo na lang ni Auden kami dumiretsyo. But I refused. Dahil nakakahiya naman. Nadamay pa siya sa plano kong 'to. I must thank him for helping me. Itong si Dove naman sinama niya pa si Auden, I don't want to involved him on my plan.
Tinapon ko muna ang mga damit na suot ko sa basurahan ng CR bago lumabas. Agad akong nilapitan ni Dove nang makita ako. Napatingin ako sa kamay niyang may hawak na pagkain. Ang kanang kamay niyang hawak ang burger at ang kaliwang kamay naman hawak ang coke float. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Mukha kang paa" Agad na sabi niya, Pinag taasan ko siya ng kilay. Nang may maisip.
"May sasabihin ako sayo" Humigop siya sa hawak niyang coke float bago lumapit sa'kin.
"Ano yun?" aniya.
"Lapit kapa" Lumapit naman ang uto-utong si Dove.
Nang maka lapit siya'y umamba 'kong batukan siya. "tanginamo" Sabi ko pa bago umalis sa harap niya. Ngumuso siya ng iwan ko doon.
"Salamat!" Sigaw niya. Naka layo na 'ko sa kanya at dumiretsyo sa kotse ni Auden na naghihintay sa loob. Pag bukas ko ng pinto. May hawak siya na isang makapal na Libro at binabasa 'yun.
"Pasalamat ka mahal kitang gago ka!" Sabi ni Dove habang umuupo sa front seat. napatingin sa kanya si Auden. "Ano!? mag drive ka na lang jan" Agad sinara ni Auden ang librong hawak niya at tumango kay Dove.
Kawawang Auden napabuntungan ng ka-malditahan ni Dove. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Auden mula sa inuupuan ko. Tinignan ko si Dove naka cross arms at naka nguso.
"Hey! ang Maldita mo naman jowa" Natatawa kong sabi tinitigan niya 'ko at inirapan kaya't mas lalo akong natawa.
Tinanong niya 'ko kung saan niya ako ibababa. Tulad ng gusto ko. Sa manila ako mag tatago, gusto ko sa malapit lang. Gusto ko rin isipin ni Dad. Nag paka layo-layo 'ko para hindi nila ako makita.
Sa terminal ng mga bus nila 'ko hinatid. Dahil 'yun ang sinabi ko. Umiiyak na yumakap sa'kin si Dove na nginginig ang balikat niya habang yakap ko. Kinalas ko ang yakap ko para titigan ang mga mata niyang mugto sa kakaiyak. Yumakap ulit siya nang mahigpit. Nilabanan ko ang nag babadyang luha na gustong tumulo mula sa mga mata ko.
I don't want to do this either, pero wala akong pagpipilian. Kung ayaw ko sa ideyang ipapakasal ako ng sarili kong Ama sa taong hindi ko kilala, mas gugustuhin ko na lang umalis muna para mag hanap na pwedeng sumalba sa 'ming kumpanya.
BINABASA MO ANG
Bound In You (ongoing)
RomanceIsla Heena Cuevas is a simple woman who just wants to help her father in trouble. until it led to her marrying the son of her father's business partner. until she decided to leave and become the secretary of the rude and ignorant Terrence Salvatore...